CHAPTER 7

3797 Words
AN: Ramdam ko na madami typos ko ngayon please forgive me hahaha! "Happy Birthday Princess!!" Maligalig na bati ni Art sa nag-iisang anak niya.  Naabutan niyang kumakain na si Julie sa may kusina. "Thank you daddy!" Maligalig na sabi ni Julie Anne. Tahimik lang siyang nakaupo sa may hapag. Paano ba naman; ang sakit sakit ng katawan niya. Pakiramdam niya si Elmo ang may birthday at hindi siya.  "Asan si Elmo?" Tanong ni Art kay manang na sakto ay pababa mula second floor.  "Naliligo ata sir." Tumigil ang pagtibok ng puso ni Julie nang makita na nakalagay sa isang basket ang gamit niyang bed sheet.  "Nadatnan ka ata anak." Biglang sabi ni manang. "May dugo kasi itong bed sheet mo natagusan ka siguro. Sumabay pa ang dalaw sa kaarawan mo eh no?" Tawa pa ni manang at dumeretso na sa labahan sa likod.  Tigagal na nanatiling nakaupo si Julie. Hindi siya makaimik lalo na at alam niyang wala naman siyang buwanang dalaw dahil kakatapos lang niya.  Wala naman sinasabi ni Art na binabasa ang Manila Bulletin na nasa may hapag. Mamaya ay nagangat ng tinign ang lalaki at ngumiti kay Julie Anne.  "Sa labas tayo magl-lunch anak ha. Tapos daan tayo sa cemetery after." "Sige po daddy." Maikling sagot ni Julie at ngumiti. Tangina ayaw niya sana gumalaw ngayon eh. Si Elmo kasi eh! Napapatitig siya sa iniinom na kape habang naiisip ang nangyari kagabi. Not once, not twice but three times!  Pero aminado naman siya na kasalanan din niya. Nung unang beses ay nakatulog sila, sa pangalawa ay nagising siya dahil nakaramdam siyang may humahalik sa dibdib niya. Sa pangatlo siya na ang may kasalanan dahil pinaglaruan niya ang n*****s ni Elmo. Ayun, pinaglaruan din ni Elmo ang n*****s niya.  Pakiramdam niya sumabak siya sa isang kompetisyon kagabi. Kaya ito masakit ang katawan pero hindi pwede ipahalata dahil kundi tigok silang dalawa sa daddy niya.  Napaangat siya ng tingin nang makita na pababa ng hagdana si Elmo. Fresh na fresh pa ito mula sa ligo at parang hindi madaling araw na nakatulog. Tila kumikinang ito at talaga namang aabot hanggang upper hemisphere ang ngiti sa muhka.  "Happy Birthday Tags!!!!"  Lumapit ang lalaki at hinalikan pa siya sa pinsngi.  Kung dati ay wala lang iyon, ngayon ay nagbigay ito ng ibang kilabot kay Julie Anne. Kilabot na kilig na alam niyang hindi niya dapat maramdaman lalo na at nasa harap nila ang daddy niya! "T-thanks Tags." Ngiti pa ni Julie.  Art looked at the two of them from behind the newspaper he was reading. He raised an eyebrow for a moment before placing his news paper on the table.  "Elmo, may plano ka ba ngayong araw? Kakain tayo sa labas, i-celebrate natin ang birthday ng prinsesa natin." Sabi pa ni Art.  "Wala naman po Pa." Sagot pa ni Elmo at umupo na sa tabi ni Julie Anne.  Hindi talaga makalagaw ng maigi si Julie. Iniisip nanaman niya kasi ang nangyari sa kanila ni Elmo. Pasimple niyang sinulyapan ang lalaki at nakita na maligalig lang naman itong kumakain ng umagahan. Parang sarap na sarap ito sa kinakain. Bwiset. Palibhasa hindi sumasakit ang katawan nito ngayon.  "May balak ka ba magpaparty mamayang gabi anak?" Tanong ulit ni Art kay Julie. Sabagay. Kagaya nga naman ni Elmo ay baka magimbita pa siya ng mga kaibigan. "Gusto ko lang po ng karaoke daddy." Parang bata na request ni Julie Anne.  "O sige. Nandyan naman yung Magic Sing natin." Ngiti pa ni Art at tumayo para halikan ang tuktok ng ulo ni Julie Anne. "I love you princess. Mamaya ah." "Yes po daddy." Ngumiti ito sa dalawang bata bago tuluyan na bumalik muna sa kwarto.  Nang maiwan silang dalawa ay kaagad na ngumiti si Elmo kay Julie Anne at inakbayan pa ito.  Julie stilled for a minute. Kinakabahan siyang may mnakakita sa kanilang dalawa pero wala namang ginagawang masama si Elmo. Nakaakbay lang naman ang maskulado nitong braso sa kanya. "Saan daw tayo kakain Tags?" Tanong nito sa kanya na inaamoy amoy ang buhok niya.  Iniiwasan ni Julie na mapahagikhik baka kasi marinig sila. "Tags naman eh..." Kunwari ay ungot niya at bahagyang linayo ang sarili. Napakunot ang noo saglit ni Elmo. "Why?" "Baka makita tayo nila manang." She whispered. Kinalap niya ang mga pinagkainan at hindi nakita ang kunot sa noo ni Elmo.  She stood up and stopped. Ang sakit ah. Pasimple niyang binagalan ang galaw para hindi mahalata na pa-ika ika siya.  "Ahh!" Mailing siyang napasigaw nang may biglang bumuhat sa kanya mula sa likod.  Napatingin siya kay Elmo na ngayon ay buhat siya sa mga braso nito. Yung buhat na pangkasal.  "Tags." She whispered. "Shhh. You need to take a hot bath muna." Sabi nito bigla sa kanya. Ilang hakbang lang at nakaabot na sila sa kwarto ni Julie at binaba siya ni Elmo sa kama.  "I can walk you know." Himutok ni Julie na parang spoiled na bata.  Elmo smirked her way as he crouched in front of her on the floor.  "Nakakalakad ka pero masakit diba?" He asked knowingly.  Julie scrunched up her face. "Yabang mo." She stilled when Elmo placed his hands on both of her thighs. At dahil naka shorts lang siya ay ramdam na ramdam niya ang init ng balat nito sa kanya.  "I'm sorry Tags." Sorry pero nakangiti na sabi nito at lumapit para halikan ang panga niya. Tumayo ito at dumeretso sa banyo ni Julie kaya naiwan na hindi makahinga ang babae na nakaupo sa kama.  Iba talaga epekto sa kanya ni Elmo eh.  Naririnig niyang pinupuno nito ang bathtub sa may banyo niya. Pakiramdam nanaman niya prinsesa ulit siya. Siyempre sa California mag-isa lang siya. Oo independent siya doon. Pero ngayon sa Pilipinas ay nararanasan nanaman niyang maalagaan.  Maya-maya lang ay lumabas na din mula sa banyo ni Elmo at walang sabi sabi na binuhat nanaman siya.  "Stop treating me like a sack of rice!" Tili pa ni Julie kaya natawa lamang si Elmo.  "Sack of rice? Ang gaan gaan mo eh!" Pangiinis pa ng lalaki sa kanya. Pinaupo siya nito sa nakasarang inidoro.  "Nakakainis ka! Hindi ako baldado!" Reklamo pa ni Julie pero napatigil nang bigla na lamang siya halikan ni Elmo. She gasped but answered the guy's kisses as he started pecking her lightly at first before grasping her chin with his forefinger and thumb then slightly pulling away. "I know hindi ka baldado. I just want to take care of you okay?"  Her lips were still swollen as she slowly nodded her head like a child being scolded.  "O hubad ka na." "What?" Kinabahan na sabi ni Julie. Agad? E mahapdi pa nga eh. Inosente naman siyang tiningnan ni Elmo. "Yeah. Maliligo ka na diba? Ala namang maligo ka nang may damit." And she realized that her mind was just as green as the glass on their lawn. "Tseh!" Simangot niya sa lalaki para matago ang pagkapahiya niya. "O labas na. Papanuorin mo pa ako?" "Pwede?" "Tags!" Humahalakhak na lumabas ng kwarto si Elmo. Julie shook her head and finally removed her clothes before dipping herself inside the warm bath.  Ang sarap sa pakiramdam. Bahagyang nawala naman ang hapdi. Hayop kasi ito si Elmo. Masyado ginalingan. She soaked herself inside the warm bath. At kapag nga naman ganito ay kung ano ano ang dumadaan sa utak niya.  Ano ba kasi itong ginagawa nilang dalawa ni Elmo? Ayaw din naman niya tanungin ang lalaki kung ano ang meron sa kanilang dalawa. You don't ask questions when you don't want to have an answer.  Napahilamos siya ng tubig at naisuklay ang basa nang buhok. Bahala na. Nang dumating ang lunch time ay deretso silang lahat sa isang mall para doon na kumain.  Dahil feeling niya ang ganda ganda niya ngayon araw ay nagbihis ng dress si Julie. Ngayon lang naman. Pagbigyan dahil birthday naman niya.  Her girly parts weren't that sore anymore but she still walked slowly. Para lang masigurado na hindi ito hahapdi pa lalo.  "Okay ka lang ba anak?" Tila nagaalala na tanong sa kanya ng papa niya.  Mabilis naman siyang napatingin dito. Naglalakad kasi sila papunta sa isang buffet restaurant. Ayun nga lang mabagal maglakad si Julie.  Nagaalalang tiningnan ni Elmo si Julie. "Are you alright?" He whispered. Pasimpleng linagay ng lalaki ang kamay nito sa likod ni Julie.  "Okay lang po ako daddy." Ngiti naman ni Julie kay Art.  Tumango naman ang tatay ni Julie kahit na parang naniningurado pa rin. Nauna itong maglakad at tumingin si Julie kay Elmo na nagaalala pa rin na nakatingin sa kanya.  "I'm fine." She whispered. And to show that she was, she started walking a little bit faster. Humabol naman si Elmo at linagay ulit ang kamay sa likod niya banda. Umakyat ang kilabot sa sistema ni Julie pero kunwari ay deretso lang ang paglakad.  "Irashaimasen!" Bati sa kanila ng babae sa may reception ng buffet na iyon.  "Hello! Reservation for San Jose?" Sabi naman ni Art habang nakangiti lang nag dalawang kabataan sa likod niya.  "Ah this way po sir!" At dinala naman sila ng babae sa isang lamesa na maganda ang view sa labas. It was a small booth na pangapat lang at kasya naman silang tatlo.  Umupo sa isang side si Art habang si Julie at Elmo ang magkatabi sa isang side.  "O picture kayong dalawa." Ani Art at mabilis na inilabas ang iPhone para picturan ang dalawang bata.  Elmo automatically put his arm around Julie's shoulder and Julie placed her head on Elmo's shoulder. Art smilingly took the picture. "Kung pwede lang e kayong dalawa ang magkatuluyan para mapalagay ako." Tawa ni Art.  Both Julie and Elmo stiffened at that. Pero muhknag hindi seryoso si Art dahil tumayo din naman kaagad ito.  "O, kuha na tayong pagkain." "Tags ako na kukuha ng pagkain mo dyan ka lang." Mabilis na sabi ni Elmo kay Julie. Iniisip pa rin siguro nito ang katawan niya. At dapat lang! Siya din naman may kasalanan! Tumingin tingin muna siya sa social media habang naghihintay at di alam kung matatawa o maiiyak sa pinost ng tatay niya.  Siyempre naka-tag siya at si Elmo at natatawa siya sa caption. "Malaki na ang prinsesa ko! Happy Birthday Julie Anne! Love you very much! *Insert Elmo na inaanak ko. HAHAHA"  Muli ay natawa si Julie habang tinitingnan ang mga comments at kung ano ano pa. Marami ay binabati din siya sa social media.  She stopped when she saw one particular post na ngayon lang niya nakita.  It was a picture of her. Kanina habang nakaupo sa may hapag at nagb-breakfast. She was drinking a cup of coffee. Nakapag stolen pala ito kanina!! "Happy Birthday My Tags! #18th"  Aminin man niya o hindi ay kumabog bigla ang puso niya. He keeps doing these sweet things for her! Mas lalo siyang nalilito. Hindi niya kasi alam kung matutuwa ba siya o mag-aalala para sa nararamdaman.  "Hey Tags! I got you your favorites." Sabi ng lalaki sa kanya.  Napaangat siya ng tingin at nakitang nakabalik na pala ito sa pagkuha ng pagkain. Naunahan pa ang tatay niya! "Where's your food?" Tanong naman ni Julie kay Elmo.  "Ito kukuha na. Inuna ko lang yung sayo." He said with a sweet smile on his face. He placed the plate in front of her before smiling yet again then moving to get his own food.  Julie blinked for a few minutes. Pa-cute ang gago nakakainis! Palibhasa alam na gwapo talaga siya. She shook her head. Maya maya lang ay nakabalik na si Elmo.  Napataas ang kilay ni Julie sa kakainin ng lalaki. "Yan lang kakainin mo?"  "It's called pacing Tags." Sabi pa ni Elmo. "Babalik pa ako. Kayang kaya naman maburn eh. Kaunting exercise lang." "Talaga lang ah." "Talagang talga. O kain na bilis." Tawa pa ni Elmo.  Julie chuckled and watched as Elmo ate a sushi roll in one bite. Linabas niya ang telepono at pinicturan ang lalaki. His cheeks were puffed up from eating. At kitang kita ang gulat sa muhka nito nang pindutin niya ang camera. "Tags!" Reklamo pa ni Elmo nang makalunok na pero tumawa lang si Julie at nagsimula mag upload.  "Tags The Piggie *pig emoji*"  "Tags naman eh! Ang pangit ko dyan!" Reklamo pa ni Elmo.  "Hindi ka pangit okay? Baboy ka lang." Napahalakhak na sabi ni Julie. When she stopped laughing though, she noticed Elmo looking at her. He had a small smile on his face. "What?" "Wala lang. Ganda mo eh." Umakyat ata laaht ng dugo sa muhka niya. She was blushing pretty bad at talaga namang halta sa balat niya iyon.  Pero bago pa siya makasagot sa sinabi ni Elmo ay ito naman at dumating ang papa niya.  "Aba, masarap kain natin ngayon. Bilis bilis kain." Ngiti ni Art sa kanila.  Masaya silang tatlo na kumain lamang ng mga pinagkukuha sa buffet tables nang makarinig si Julie ng music.  Alam na niya ang intro na iyon. Kaya naman nung una ay hindi pa siya nagaangat ng tingin hanggang sa malapit na ang musika sa kanila.  "Happy birthday to you happy birthday to you!"  She turned at the voice and saw the waiters bringing her a large cake.  Art and Elmo both smiled as they clapped along and the waiters continued singing. Si Elmo ay hinanda ang cellphone at nagsimula mag video.  "Happy Birthday Tags!" He cheered.  The waiters finished with their song and placed the cake in front of Julie.  "Make a wish princess." Sabi naman ni Art.  Julie smiled to herself and closed her eyes as she blew the candle and made her wish. Matapos ay nag cheer ang mga waiter.  "Thank you!" Ngiti ni Julie sa kanila.  "Ma'am kuna po namin kayo ng picture! Sir tayo po kayo dito!" Sinunod ni Art ang sinasabi ng waiter at tumabi sa likuran nila Elmo at Julie. They had the picture taken and thanked the waiters. This was starting to feel like the best birthday ever but the day was just beginning.  "Anong gusto mo birthday gift princess?" Tanong pa sa kanya ng daddy niya.  Tapos na kasi sila kumain at ngayon ay umiikot ikot sa mall.  Napaisip saglit si Julie. Kahit na spoiled siya sa parents ay hindi naman siya ganun kagarbo humingi ng present.  "Daddy gusto ko po ng bagong rubber shoes." Mahilig kasi siya magjogging sa California kaya ayun, medyo worn out na ang sapatos niya.  "Ayun lang naman pala. Let's go princess." Ngiti ng daddy niya sa kanya at inakbayan siya maglakad.  Mabuti na lang at mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon.  Pumasok sila sa isang shoe shop na medyo mamahalin naman talaga ang mga benta.  "Yes po?" "Anong shoes ba gusto mo princess?" "Diba Tags gusto mo nung Converse?" Biglang sabi ni Elmo sa gilid.  "Alam na alam pala ni sir gusto ng girlfriend niya. Dito po tayo!" Maligalig na sabi ng saleslady.  Hindi kaagad nakasagot si Julie at si Elmo at si Art ay umakto na lamang na walang narinig.  Dinala sila ng sales attendant sa parte kung saan sinasabi na may Converse.  "Maganda puti no?"  "Dumihin puti e." "Di ko hinihingi opinyon mo." Asik ni Julie at hinawakan pa ang sapatos.  Napabuntong hininga si Elmo at napakamot sa likod ng ulo. Umiling naman si Art habang pinapakinggan ang dalawang bata. Natatawa din siya dahil hindi naman na sumagot pa si Elmo.  Naupo sa isang stool si Julie at sinimulang sukatin ang sapatos. Nagulat na lang siya nang bigla na lang yumuko si Elmo at tinulungan siyang isuot iyon. Hindi na siya umimik pa at hinayaan tulungan siya ni Elmo. Bahagyang tumaas pa ang kilay ni Art sa dalawa pero hindi naman nagsalita.  "Ang sweet ni sir no?" Bulong nung isang sales attendant.  Hinid na nila pinansin pa ang mga ito at tinuloy lang ang pagsukat. At kung s-swertehin nga naman, sakto ang sukat kay Julie Anne.  "Elmo, bilhan na din kita ah. Ano gusto mo kulay?" Biglang sabi ni Art. And that surprised Elmo. "Ah wag na po pa." "Nonsense, nung birthday mo wala ako gift sayo eh." "Si Julie po pinauwi niyo." "Ano yon anak?" "Ah wala po papa." Mabilis na sabi ni Elmo na napapailing at napapakamot sa likod ng ulo. Art smiled back in answer. "Dali na, anong gusto mo?" Tahimik lang si Julie. Actually may sarili na itong mundo dahil pinipicturan na nito ang sapatos na bibilhin na nila.  "Yung puti po." Napatingin naman si Julie sa kanya. "Akala ko ba dumihin ang puti?"  "Shh. Mag picture ka na lang dyan."  Napabuntong hininga si Art. Para kasi siyang may alagang mga toddler at hindi binata at dalaga. Kung alam lang niya talaga.  "Picture tayo Tags." Sabi ni Elmo at nakangiting tumayo sila ni Julie sa harap ng full length mirror. Pareho nilang suot ang bago nilang shoes at sabay na nagpicture.  And Julie's birthday wasn't over yet. Dumaan din sila sa sementeryo siyempre at nagalay ng bulaklak sa mga minamahal nila sa buhay.  Mag-gagabi na din nang makauwi sila sa bahay.  "Bakit ang dilim?" Tanong ni Julie. Siya ang nauuna na sa may pintuan. "Asan sila manang--" "SURPRISE!!!!" Nauna ang gulat pero sumunod ang ngiti sa muhka ni Julie nang makita ang mga tao na nasa loob ng bahay. Si manang, si kuya Gerlad, si Maqui, si Tippy at si Sam.  "AHHHHHH!!!" Julie yelled. She was so happy. Hindi niya natiis at patakbo lumapit kayala Maqui para yumakap.  "HAPPY BIRTHDAY BESHYCAKES!!!"  Nakaikot na silang lahat sa labas. Sa may patio ng bahay. At dahil gusto lang nila ay naisip ni Elmo at Sam mag-swimming sa pool.  Racing at patagal sa paghinga sa ilalim lang ang ginagawa ng mga ito. Kanina pa sila nagkakaraoke. Kaya ngayon ay si manang at kuya Gerald ang bumibirit sa may machine.   "Hindi kami nakapunta nung birthday ni Elmo, nag-Baguio kasi family ni Sam noon." Ani pa Tippy. Julie and Maqui looked at each other before teasingly poking Tippy's side. "Yiii kayo pala ni Sam talaga ang magkakatuluyan ah!"  "Ano baaaa." Kunwari ay ungot pa ni Tippy pero kinikilig kilig pa din naman. Apparently ang nangyari ay sa iisang college ang dalawang ito at doon nagkadevelopan. Nung nag-aaral kasi ay magkaibigan lang naman sila. Tropa tropa ba. Hanggang sa na-develop.  "O e ano naman kayo ni Elmo?" Kaagad na tanong ni Tippy para mag-iba ang usapan. At siyempre gumana iyon dahil curious din si Maqui sa kung ano nga ba meron sa kanila ni Julie. "Ha? Kami ni Elmo? Walang kami ah..." Mabilis na sabi ni Julie.  Magsasalita pa sana si Maqui at Tippy nang sabay na umahon ang dalawang lalaki mula sa pool.  "Tags, ano ka ba naman. Wala ka twalya. Sisipunin ka niyan eh. Teka." Mabilis na pumasok sa loob ng bahay si Julie. Hindi na niya nakita pa ang mga nagtataka pero kinikilig na tingin na binibigay ni Tippy at Maqui sa isa't isa. Bumalik siya na may dalang malaking twalya. "You'll get sipon." Sabi ni Julie at mabilis na pinahid ang katawan ni Elmo.  "Kita mo yan Tips? Wala daw namamagitan sa kanilang dalawa." Nangaasar na bulong ni Maqui. Bulong pero rinig naman. Julie only shook her head as she kept wiping Elmo's body off. Pati ang ulo nito ay mabilis na pinunasan.  "Hon naiinggit ako alagaan mo din naman ako." Tawa pa ni Sam. "Thanks Tags." Ngiti ni Elmo na bahagya pang namumula ang tainga. "O edi kilig ang lolo mo. Tangina I feel so single right now." Himutok ni Maqui. "Hustisya de puta naman para sa akin! Maglayo nga kayong apat!" Pero tumatawa lang na umupo na rin sa may wicker chair si Elmo. Walang kahiya hiya na hinila nito pakandong sa kanya si Julie Anne.  "Ay tangina nanandya ka talaga Magalona ah!" "What?" Kunwari ay insoente na sabi ni Elmo pero hinapit pa palapit si Julie Anne. He situated Julie on his right lap so that she could sit sideways. And she put her arm around his shoulders.  Kahit si Julie ay hindi alam ang sasabihin. Nasa loob naman kasi ang karaoke kaya hindi sila kita nila manang at Kuya Gerald. Si Daddy Art naman ay nagpapahinga na kaya naman sa kani-kanila lang itong paglalambing ni Elmo.  "Gala naman tayo. Kailan ka ba babalik ng Cali, Jules?" Tanong pa bigla ni Tippy.  Bahagyang kumunot ang noo ni Elmo at malungkot pa itong napatingin sa sa bermuda grass. Pero hindi naman ito nagsalita.  Julie shifted slightly in her seat. "At the end of the month pa. S-saan niyo ba gusto mag-gala?" "Tagytay tayo! Para malamig! G?" Suhestyon pa ni Sam.  "Tayong lima ba?" Bungad naman ni Maqui. "Edi tangina fifth wheel ako?" It was midnight when Sam, Tippy and Maqui decided to head on home. They bid their goodbyes at si Kuya Gerald pa ang naghatid sa mga ito dahil bahagya din naman silang nakainom.  Tutulong pa sana si Julie sa mga plato na pinagkainan nila pero pinigilan siya ni manang.  "Anak ako na."  "Salamat po manang." Sabi naman ni Julie. Medyo inaantok na din kasi talaga siya. It was a fun but very tiring day for her.  Napalinga linga siya sa plaigid at natawa nang makita na nakatulog si Elmo sa sofa. Tanging board shorts lang ang suot ng lalaki kaya naman nagalala kaagad siya na baka mahamugan ito.  She took some time to stare at him though. Naalala niya ang sinabi niya kayla Tippy. Babalik na siya sa Cali at the end of the month. Where does that leave the two of them? Natigil ang pag-iisip niya nang bumukas ang mga mata ni Elmo.  Ngumiti ito nang makita na nakatayo siya sa may sofa. "Hey Tags." Ngiti ni Elmo. She smiled back and caressed his hair. "Magshower ka bago matulog. Baka magkasakit ka pa niyan." "Samahan mo ako." "Baliw." Tawa pa ni Julie Anne. Tinulungan niyang tumayo ang lalaki at sabay silang dumeretso sa second floor.  Inaantok pa rin talaga si Elmo kaya naman nakaakbay ito sa kanya para makasandal. "Mag shower muna ha?" Sabi pa ni Julie.  Elmo nodded his head. Bahagyang nagigising na ang mga mata nito. They were in front of Elmo's room which was just right beside Julie's. Mapupungay ang mata na yumuko si Elmo at maingat na hinalikan si Julie.  The latter kissed back even though she was a bit surprised. Nasanay kasi ang lalaki na bigla bigla na lang nanghahalik. Pero kasalanan din naman niya dahil pinapayagan niya.  She smiled against the kiss and Elmo pecked her lips three more times. Tok. Sabay na kumabog ang puso nila sa narinig at sabay din na napalingon sa tunog na nanggaling. To their horror, it was Art walking out of his room. He was already in his pajamas and looked like he'd just woken up. Pero malaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa ngayon.  ==o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=oo=o=o=o=o=o=o=o=o AN: Nakita silaaaaaaaa. *panic* charot hahaha! anong magiging rekasyon ni daddy art? comment! hahaha! thanks for reading! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD