CHAPTER 8

2443 Words
"Downstairs. Now." Parang gusto himatayin ni Julie. Anything just so her dad won't talk to them. Nauna na ito bumaba sa hagdanan at dumeretso sa kusina. Naiwan si Julie at Elmo na parehong kinakabahan. "Anong sasabihin natin?" Julie said in a panicked voice. Naiiyak na siya na at pinagpapawisan. "Shh shh." Elmo said. Hinawakan ng lalaki ang balikat niya para baka sakaling kumalama siya. "I'll talk to him Tags. Ako bahala. Don't cry." "JULIE ANNE! ELMO MOSES!" Nanginig silang dalawa sa biglang tawag ni Art kaya naman sabay na nagmadaling bumaba. Hawak ni Elmo ang isang kamay ni Julie. Art was already sitting at the table. Sa kabisera ito. At kahit nakasuot ng pajama na may design ni Spongebob ay nakakatakot ang itsura nito. Julie and Elmo both gulped. Ito na ba? Kakatayin na ba silang dalawa ng buhay?! "Explain." Mahinang sabi ni Art sa kanila. Mahina pero madiin. "Pa--" "Daddy please don't be mad at Elmo." "I need an explanation!" Dumagundong ang boses ni Art. At malakas iyon. Dahil nga naman ang laki ng bahay nila. Sigurado si Julie at si Elmo na rinig na rinig nila manang at Kuya Gerald ang kung ano man ang sinasabi ni Art. "D-daddy..." Kinakabahan na sabi ni Julie Anne. Pero dumagundong ulit ang boses ni Art at napahampas pa ito sa lamesa sa harap. "I...saw...you...and Elmo...kissing." Tila nahihirapan na sabi ni Art at napapaisip pa. Parang ayaw na ayaw pa nito ang naiisip. Then he turned to the two youngsters yet again and breathed in. "Sabihin niyo sa akin ngayon kung totoo nga ang nakita ko! Matanda na ako pero di pa naman malabo ang mata ko! Mas malabo pa nga ang mata niyong dalawa! Kaka-computer niyo yan eh!" Hindi natiis ni Julie ang matawa ng kaunti habang si Elmo ay pumuputla pa lalo. "Julie Anne! Wag mo ako dinadaan sa ngiti mo na yan kahit alam mo na kahinaan ko yan!" Ani Art. "Eh daddy naman kasi..." Natatawa pa rin na sabi ni Julie Anne. Si Elmo ay tigagal pa din pero bahagya nang kumakalma. Kumakalma na din kasi si Art. Pero madiin pa din na nakatingin ito sa kanila. Ngayon ay kay Elmo na ito nakatuon ng pansin. "Elmo." "Po?" Automatic na napaderetso si Elmo ng upo. "Anong nakita ko? Explain." "Daddy--" "I kissed Julie, Pa." Gulantang na napatingin si Julie kay Elmo. May death wish ba ang lalaki?! Gusto na ba nito mabaon sa lupa?!? Baka siya ang kailangan saluhin at humandusay na lang siya bigla. Aatakihin na siya sa puso nang magsalita ulit si Art. "You did." Ani Art na parang kinukumbinsi ang sarili. Huminga muna ito ng malalim. At sa gulat ni Julie ay tumayo ito at naglakad palayo. Ayun na lang ba iyon? "Tandaan mo ang sinabi ko sayo Elmo." Hayun lang at naglakad na ito palayo. Windang na tiningnan ni Julie si Elmo na simpleng nakaupo lang sa upuan. Bumuntong hininga lang si Elmo kaya mabilis itong hinampas sa braso ni Julie. "Aray!!!" "What the f**k was that?" Tanong ni Julie. Elmo simply shrugged. "Ewan. Malay mo boto talaga sa akin si Papa." Muli ay tiningna ni Julie si Elmo. "May alam ka ba na hindi ko alam?" "Wala." Mabilis na sagot ni Elmo. Sa inis ni Julie ay napatayo ito mula sa upuan at gigil na tiningnan si Elmo. "Umayos ka Elmo Magalona kundi puputulin ko yang dakilang mong--" "Tags Tags! Ssshhh." Pagaalo pa ni Elmo at tumayo na din. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Julie Anne at pinatingin ito sa kanya. Halong naluluha at nagagalit ang muhka ni Julie. "Hindi ko din alam kung bakit ganun ang reaksyon ni Papa." Sabi pa ni Elmo. "Pero masaya ako na okay lang siya sa atin." Kumabog ang puso ni Julie. Ito ba ang moment na hinihintay niya? Bakit wala man lang heads up?! Hindi pa siya ready. Pero hayun at natagpuan niya ang sarili na bumubulong. "B-bakit, a-ano ba tayo?" Ayaw niya talaga malaman ang kasagutan sa tanong na iyon pero ito na nga at naitanong na niya kay Elmo hindi na niya mababawi pa. Medyo naluluha siya na nakatingin sa kanyang kababata, ang lalaking matagal na may-ari ng puso niya. Kahit na ayaw naman niya talaga marinig kung ano ang gusto nito sabihin sa kanya. Pero kasi...diba hindi naman siya nito gusto? She stilled when Elmo smiled at her. Bwisit na. Babastedin siya ngingiti ngiti pa! At least look sorry for it! He cupped her face closer before wiggling his nose with hers. Then he smiled and kissed her forehead. "I'm yours." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Titig sa labas ng bintana si Julie. Hinahatid kasi sila ni Kuya Gerald sa rest house nila sa Tagaytay. Nakahiga sa may balikat niya si Elmo na tulog na tulog. Si Maqui na nakahandusay na sa may passenger seat ay humihilik hilik din. Sa likod naman ng van ay nakikinig sa music si Sam at Tippy. Elmo shifted in his position and hugged her close. Napabuntong hininga si Julie. Naalala niya kasi ang sinasabi sa kanya ng kanyang papa. "Princess..." "Daddy..." Kinakabahan na sabi niya. Magpapaalam kasi siya na pupunta nga silang Tagaytay. "Malaki ka na princess..." Sabi ni Art habang kumakain sila ng umagahan. Si Elmo ay tulog pa kaya naman silang dalawa lang muna ang kumakain. "And just so you know...boto naman ako sa inyo ni Elmo. Basta mag-iingat kayong dalawa..." Ganun na lang yon??? Nahihibang na ata ang tatay niya! Baka naman ginayuma ito ni Elmo! O di kaya si Elmo ang nagayuma! Tama bang sabihin nito na 'I'm Yours'? What the f**k. "Tags..." Ungol ni Elmo at siniksik ang muhka sa pagitan ng leeg at balikat niya. She shifted in her seat and looked at the guy. She breathed in as she gazed ay his handsome face. His inclined nose and eyebrows that were just right. Nakakainis naman ito si Elmo eh. Kung kailan gusto na niya bumitaw at hayaan ito. Bigla ba naman magbibitaw ng mga ganung salita! Kung di ba naman gago diba!! "Buset ka talagang gwapo ka." Bulong ni Julie Anne at napabuntong hininga habang nakatingin kay Elmo na mahimbing pa rin ang tulog. At ang gago, hindi pa sapat na ginamit ang leeg, maya maya lang dumulas na ang ulo at ang boobs niya ang gamit na unan. Hindi din naman ganun katagal papuntang Tagaytay pero dahil sleep is life ay natulog na din siya. Ang ulo naman niya ay nakapahinga sa ulo ni Elmo. At maya maya lang ay nakatulog na din siya. "Tags, hey we're here." Nagising siya nang maramdaman na hinahaplos ni Elmo ang pisngi niya. She woke up with a start. Bumababa na sila Maqui at sila Sam and Tippy. "You can continue sleeping if you want to Tags." Sabi naman ni Elmo. He smiled at her and held his hand out. Hindi naman na siya inaantok talaga eh. Mabuti nga at nakadating na sila. "Inayos na Julie ni mang Berting yung mga gamit dito. Kayo na lang bahala." Tumango tango naman si Julie Anne. Hanggangsa nagsalita pa si Maqui. "Teka teka... Maiiwan ba tayong lima dito?" Nagkatinginan ang apat pa na kabataan habang si Kuya Gerald ay pabalik na ng van. "Yeah. Bakit?" Sagot naman ni Julie. Siyempre ay mas masaya na kayo kayo lang din ang magkakasama diba? Para naman lahat ng kalokohan at kung ano man ang balak niyo ay magawa ninyo. "E sabi na magiging fifth wheel ako dito. Magiging chaperone pa." Iling na sabi ni Maqui at ngumisi sa kanila. "Dahil dyan ako ang magdedesisyon. Sa iisang kwarto ako si Julie at si Tippy."  Hindi pa tapos magsalita si Maqui ay kitang aapela na ang dalawang lalaki. "Aba aba walang reklareklamo dito uy! Kayong dalawa sa iisang kwarto. Magbromance kayo. Kaming tatlo ang magkakasama." Kaya ng hapon na iyon ay nagsimula sila magayos ng mga gamit nila kahit na muhkang ayaw talaga ni Elmo at Sam sa ganung set up. "Mga lalaki talaga ang haharot." Sabi ni Maqui habang linalabas ang gamit mula sa kanyang maleta. Sa double deck sila. Si Julie sa taas, si Maqui sa baba at si Tippy naman ay sa hiwalay na single bed. Maganda ang rest house nila Julie. Pinagawa talaga ito ni Art para sa kanilang pamilya kapag magpapahinga at gusto lang ng scenery. Dahil sa Tagaytay ang bahay nila e talaga naman napakaganda ng view na nandoon. Tumingin sa labas ng bintana si Tippy. "Grabe tingnan mo kitang kita yung hangin o. Parang ang sarap sarap." "Pano mo nakikita yung hangin?" Tawa pa ni Julie at umupo sa taas ng kama. Tippy smirked. "I can see the leaves swaying Jules. Pilya ka palibhasa muhkang blooming ka." She said with a knowing smile. Kaagad na namula si Julie sa sinabi ng kaibigan. It doesn't take a genius to get what Tippy was implying. "Sabi ko na eh." Biglang sabi pa ni Maqui na nakaupo na din sa may kama kaya nakasilip mula sa taas si Julie sa kanilang dalawa. "Akala mo hindi ko napansin bes?" Hamon pa ni Maqui. Kahit kinakabahan ay nalilito pa rin na tiningnan ni Julie ang matalik na kaibigan. Dahil totoo naman na wala siya ideya sa kung ano man ang sinasabi ni Maqui. "What?" "Gaga ka. Sabihin mo kasi kay Elmo na kung may balak man siyang magbigay ng chikinini ay yung sa hindi kita! Ah eh deputa gustong gusto mag stake ng claim!" Aburido na sabi ni Maqui. Nakahigang paharap na ito sa kama at tinitingala si Julie na nakatingin din pababa. "It was obvious Jules." Tippy pointed out. Which only meant that practically everyone saw what happened. Saka naman siya napaisip sa nangyari nung birthday niya. Bakit ba kasi hindi sila nagiingat ni Elmo eh! "Alam na ni daddy." And that seemed to shock her two friends. "WHAT?!" Julie could only nod her head. Ayaw man niya maging totoo ay nangyari na. "He saw me and Elmo kissing." "Hutanginabeks! Kakahiya! Pero buti na lang boto sa inyo si tito." Nagulat si Julie sa sinabi ng kaibigan at masama pang napatingin dito. "Pano mo alam??" Maqui rolled her eyes in answer. "Naman atii... Sinong tatay ang papayag na may binatang kasama nag dalaga niya sa iisang bahay? Baka nga hinihintay lang ni tito na magkaanak kayo eh." "Maq naman!" Angal pa ni Julie. She wasn't really comfortable with his topic but it had to be discussed. "Maqui has a point Jules." Ani pa Tippy at linapat ang paa sa may sahig ng kwarto habang umusod pa ng kaunti sa kama. "Malay mo, gustong gusto lang din ng daddy mo na maging kayo ni Elmo." "At siyempre diba...laki ng utang na loob ni mokong sa daddy mo." Maqui said with a shrug of her shoulders. "Haay mga kabataan nga naman mapupusok. Nagugutgom ako tara kain tayo sa labas!" "Ay ako din tara!" Sabi pa ni Tippy at sabay na sila ni Maqui tumayo para pumunta sa labas. Naiwan sa loob ng kwarto si Julie at parang ngayon lang niya naiisip ang mga pinagsasabi ng kaibigan. Tigagal siyang napaupo sa kama. They had dinner right inside the rest house. Sa kanilang sa kanila ang lugar. Si Maqui at Tippy ay abala para sa itenerary nila kinabukasan habang si Sam ay kinakalikot ang sariling telepono. And Elmo was busy cooking their meal. Si Julie naman ay tahimik lang na nakaupo sa sofa. Masyadong marami kasi ang dumadaan sa utak niya ngayon kaya hindi niya alam ang sasabihin. Wala sa sarili na napatayo siya mula sa sofa at nagmamadaling lumabas papunta sa backyard. Mataas ang lugar na iyon at may malaking fence lamang na nagp-protekta sa kanila para hindi sila malaglag. Madilim na ang gabi pero sapat naman ang ilaw na nanggagaling mula sa loob para maliwanagan sa dinadaanan si Julie. Umupo siya sa may batuhan na kaunti na lamang ay malapit sa cliff. Napahilamos siya sa muhka at napailing iling. Minsan daw ito talaga ang problema kapag masyado ka matalino. You tend to overthink things. "Tags?! Tags?!" Napatalon siya sa tawag na narinig. At hayun at nakita niyang humahangos palapit sa kanya si Elmo. Muhkang kabadong kabado ito habang siya naman ay litong lito. "Tags, bakit?" She asked. Napabuntong hininga si Elmo. "Akala ko kung saan ka nagpunta eh. Don't scare me like that." Sabi pa nito at tumabi sa kanya sa may batuhan. They were both overlooking the very beautiful light seen across the border of the lake. "Nagisip isip lang..." Julie muttered. Bigla niya naalala na kaya nga pala siya nagmuni muni ay dahil kay Elmo. Kaya naman nalilitong tiningnan ni Julie ang lalaki. Ngayon siya pwedeng kumanta ng migraine.  "Elmo ano ba tayo?" Hindi niya alam kung saan siya nagkaroon ng lakas ng loob. Siguro ay dahil nasa Tagaytay sila at kakaiba ang hangin. Basta nagkaroon siya ng kakaibang lakas ng loob. To her surprise, Elmo wasn't fazed. He was just looking at her and had a ghost of a smile on his face.  Medyo nairita siya kaya nagsimula na siya magrant. Napatayo siya mula sa inuupuan bato at tumalikod para sa kabilang side naman tingnan ang view. Mas tanaw dito ang taal kahit pa gabi na. "Hindi ko kasi malaman Elmo..." Simula niya ng linya. "I mean, you had a girlfriend back then. Tangina kahit na gustong gusto kita lumayo ako kasi diba bakit naman ako magpapakatanga sayo kung may iba kang gusto? Tapos ngayon, pakyu ka, wala naman ako balak na magkaganito, ikaw kasi itong biglang nanghahalik at kinuha mo pa virginity ko! Kahit na alam kong kasalanan ko din dahil hindi kita pinigilan. Ngayon alam pa ni papa tapos...argh! You can't just tell me things in such a simple manner!" Katahimikan ang sumagot sa kanya at may galit pa sa muhka niya nanag tumalikod siya at nagulat nang makita na nakaluhod sa harap niya si Elmo. He had this smile on his face. Madaya. Alam nitong weakness niya iyon! "What are you doing?" She asked in a slightly panicked tone. Elmo smirked, still kneeling down. "I'm not a man of words. Tags. Mas gusto ko gumalaw. And I'm sorry if I made you confused. That's my fault. So I'm going to right everything now... if you'll have me, I'd like to court you. I already told you I'm yours, let me make it happen that you'll be mine." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Alam ko po bitin. Sadya yan at wag niyo na icomment na nabitin kayo HAHAHA! HAPPY JULIELMO DAY FANEYS! Heart strong XD Uhm, foreshadowing. Kapit keo sa susunod na chapter hahahaha! Wala lang gusto ko lang kumapit keo hahaha! Thanks for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD