CHAPTER 11

2974 Words
AN: Congrats kay Maqui! Bigo ka man sa mga kwento ko hindi ka bigo sa totoong buhay HAHAHAHHA. Mwah mwah Maq! Morning came and they were ready to head on back home to their village. Sapat naman na ang bakasyon nilang iyon sa Tagaytay. Kamalas-malasan lang talaga na nalaglag sa kabayo si Elmo. Si Julie ang unang nagising at ngayon ay nakaupo sa may kusina. That wasn't actually true. Dahil hindi naman talag siya nagising. Dahil hindi naman siya nakatulog. Matapos malaman na kausap pala ni Elmo si Ehra ay kaagad siyang bumalik sa kwarto nila. Humiga siya sa kama at sinubukan matulog pero hindi naman nangyari. Kaya ito at lumaki pa lalo ang eyebags niya sa kakaisip. She knew this was all bullshit. Baka kaya siya 'liniligawan' ni Elmo ay dahil wala itong mapagkabalahan ngayon summer. Or worse sa pagiisip niya. Ginagawa nito iyon nang dahil sa daddy niya. Nang dahil pinagsabihan ito ng daddy niya. Pero ngayon na nagbabalik na si Ehra ay mawawala na ang lahat ng iyon. Sinubukan niyang huwag maluha. Sinabi na rin naman kasi niya sa sarili na pansamantala lang itong kung ano man nangyayari sa kanila ni Elmo. She was strong. Matagal na siyang strong. Simula pa lamang nang malawa ang mommy niya ay natuto na siya maging matatag. Saan na lang kasi siya pupulutin kung hindi siya marunong magpakatatag hindi ba? Napainom siya ng kape sa iniisip. Kung alak lang sana ang kaharap niya ngayon mas masaya pa siya. Kaso umaga pa lang. Baka paghinalaan siya ng mga kaibigan. That's why she decided to just go with the flow and wait for whatever Elmo was to do. Kung sasabihin man nito na titigilan na siya nito sa panliligaw ay tatanggapin niya ang sasabihin nito. She'll take it like a big girl and move on. No hard feelings whatsoever. Kahit na alam niya ang pakiramdam na iyon ay parang may umiipit na malaking bagay sa kanyang dibdib. Big girl ka naman na Julie eh. Kayang kaya mo yan. Sus ikaw pa. At heto na nga at nababaliw na din siya. Sabagay matagal naman na siyang baliw kaya nga magaling siya mag drawing... Kaya hayun at natagpuan niya ang sarili na may hawak na tissue at lapis. Doon siya sa may veranda mag-isang gumuguhit. Kahit na tissue lang at lapis ang gamit ay naiguhit niya ang view sa harap ng bahay nila. It was a mixture of trees and you can also see the view of Taal in the background. She held the tissue close before signing it on the bottom. Bahagya siyang nanigas nang maramdaman na may humalik sa tuktok ng ulo niya. Napaangat siya ng tingin at nakita na si Elmo pala iyon. Muhkang bagong gising pa ito dahil medyo magulo ang buhok. Shit. Ito na ba. Sasabihin na siguro nito na titigilan na nito ang panliligaw. Okay Julie kaya mo ito. Deep breaths lang. At kapag sinabi na niya na hindi siya manliligaw, tumango ka lang at tanggapin iyon. Walang iyakan! "Why are you up so early?" Tanong pa ng lalaki sa kanya at talaga namang siniksik ang sarili sa likod niya. Ngayon si Elmo na ang nakasandal sa may dingding at siya naman ay nakasandal sa malapad nitong dibdib. Naramdaman pa niyang inaamoy amoy nito ang batok niya. What was happening? Hindi mapakali ang loob niya. Ganito ba si Elmo? Sweet bago basagin ang puso niya? Para hindi ganun kasakit? Hindi ba nito alam na mas masakit pa nga ang ginagawa nito? "Hey are you okay?" Tanong pa sa kanya ni Elmo na hinalikan ang sentido niya. Nalilito na talaga siya. Or maybe she was overthinking things. Ano ngayon kung babalik na si Ehra diba? Baka siya naman na talaga ang gusto ngayon ni Elmo? Sometimes a ray of hope is all it takes. She shook her head and leaned against the guy placing her head on his chest. Napapikit siya at napahinga ng malalim. "Nothing..." "Hmm? You're troubled by something." Bulong pa ni Elmo. He hugged her close. Julie shook her head. Baka may mangyari pa kung sabihin niya eh. She badly wanted to ask him about Ehra pero kasi malalaman nito na narinig niya ang usapan nila. Pero heto ngayon at litong lito siya. Dahil buong akala niya ay iiwan na siya nito. But what the heck was Elmo doing? Paglalaruan lang ba nito ang feelings niya? Paikot ikot na ang pagiisip mo Julie Anne! "N-nagugutom na ako." Sabi na lang ni Julie. Pasimple siyang nagpumiglas kay Elmo at tumayo na mula sa kandungan nito at dumeretso sa kusina. What the heck was she doing anyways. She shook her head and proceeded to take out some eggs and also some bread. Gagawa na lang siya ng paborito niyang scrambled eggs. Hindi naman na siya nagtaka nang marinig na nakasunod sa kanya si Elmo. Kahit hindi niya ito linilingon ay alam niyang may gusto ito sabihin sa kanya. Ang problema lamang ay wala siya masabi or rather ayaw muna niyang kakausapin siya nito sa kaba na baka madulas siya. "Tags, is everything okay?" Pasimpleng lumingon si Julie sa tanong sa kanya ni Elmo. "Huh? What? Everything's fine." "No it's not." Ani Elmo at napahalukipkip. "Come on you can tell me anything." Medyo lumambing na ang boses ni Elmo. He was standing behind the dining table while Julie was still situated by the stove. Dahan dahan na pinatay ni Julie ang apoy. Mabuti na lamang at hindi pa talaga siya nakakasimula mag luto. Gusto niya pigilan ang sarili but call it impulsiveness or what pero nagsalita na rin talaga siya. "Paano ba kayo nagbreak ni Ehra?" Hinid niya alam kung galit o gulat si Elmo sa tanong nya dito. Nakakunot kasi ang noo nito na parang hindi alam kung ano isasagot sa kanya. But she stood her ground and also crossed her arms in the process. HInahamon na tiningnan niya ang lalaki a para bang pinapakita na hindi niya titigilan ito hangga't sa hindi pa nakakasagot. And so Elmo sighed and pulled a chair before sitting down. Nagkatinginan silang dalawa pero hindi pa rin umuupo si Julie. Nanatiuli siyang nakasandal sa bandang counter na katabi ng stove. "Hindi naging kami ni Ehra." Ani Elmo. Nanatiling tahimik si Julie kaya tinuloy ni Elmo ang sasabihin. "Matagal ko pa siyang linigawan at sinasabi niya sa akin that she needed time to think things further." Need time to think things further e ito nga ang naghahabol kay Elmo noon? "Sabi niya gusto rin naman niya ako pero naninigurado lang siya. And I respected that. I waited for her." Hindi alam ni Julie pero parang ang sakit ng dating na iyon sa parte niya. "Tapos?" Ungkat pa niya. Parang nahihirapan na napabuntong hininga si Elmo. "Her parents got her a scholarship sa ibang bansa. So naturally, she took the chance. So, we said our good byes and that was that." Saglit na napaisip si Julie. Parang unti-unting nabubuo ang mga isipan sa utak niya. She sighed and uncrossed her arms before nodding her head then giving a small sad smile. "Tags---" Simula ni Elmo pero napatigil nang marinig nila ang ingay mula sa taas. At nakita nilang pababa ng hagdanan si Maqui. Nagtatali ito ng buhok at nakangiti na hinarap silang dalawa. "Hi friends. Nakakgutom. Nagluto na kayo ng breakfast?" "Magluto ako ng scrambled eggs Maq, pahelp na lang." Mabilis na sabi ni Julie. Anything to avoid Elmo. At dahil hindi siya makasingit ay nanlulumo na lumabas muna ng kusina si Elmo. Narinig din nilang sumara ang pinto ng bahay. At dahil hindi naman manhid at insensitive si Maqui ay kaagad ito kay Julie. Kinuha nito ang bowl na hinahaluan ng itlog ni Julie. "Bes may problema ka, para kasing iniimagine mo na itlog ni Elmo yang linalamog mo." Julie sighed and sat down on the chair in front of her. "Bes...narinig ko kasi na kausap ni Elmo si Ehra kagabi sa telepono." Kitang kita ang gulat sa muhka ni Maqui at talaga namang intrigang intriga na umupo ito sa harap ni Julie at nagtanong pa. "What? Ehra as in yung Ehra na liniligawan niya dati??" Julie nodded her head in answer to Maqui's question. Tapos ay nagsimula ulit siyang magsalita. "Babalik na siya Maq. And I think all of this is a lost cause anyway. Kasi babalik din lang din naman ako ng Cali diba? And maybe this is a sign. Kasi nga babalik na si Ehra edi masaya na si Elmo. Yung totoong masaya. Hindi ko naman haharangan iyon no. Matagal ko na sinabi sa sarili ko na hindi ko pagpipilitan ang sarili ko sa isang bagay." "Bes malay mo naman ikaw talaga ang gusto ni Elmo." Ani pa Maqui. The girl sounded hopeful but Julie only smiled sadly. "Iniisip ko din yon bes eh. Ang kaso lang kasi, nalaman ko na kaya lang naman hindi naging sila ay dahil umalis si Ehra. Walang tampuhan na naganap. Walang away. Hiwalayan lang talaga. And I think this is their second chance so sino ba ako para harangin si tadhana diba?" She said in such a dead-pan manner that Maqui was actually worried. "Bes ano nanaman iniisip mo?" Ani Maqui. Julie merely shook her head. "Wala. Back to the way things were. Magkaibigan kami ni Elmo...that's it." "You know that he was never just a friend to you." Maqui said slowly. Julie merely shrugged and nodded her head. Pilit niyang pinupokpok sa isipan ang kanina pang tumatakbo sa kanyang utak. Sometimes you have to save yourself from getting hurt too much. At sanay naman na siya. Bata pa lang ay siya ang naghahabol kay Elmo. Ngayon parang pinain lang siya ng lalaki. But she didn't hate him. Nararamdaman naman niya na pinapahalagahan naman siya kahit papaano ni Elmo. Hindi nga lang kung papaano talaga gusto niyang papahalagahan siya nito. Halos magtago si Julie buong umaga sa lalaki. Hanggang sa hayun nga at binalikan sila ni Kuya Gerald dahil ito ang maghahatid sa kanila. "Tags..." "Medyo pagod ako Elmo. Tutulog muna ako." Mabilis na sagot ni Julie nang tawagin ni Elmo ang atensyon niya. Siniksik ni Julie ang sarili sa gilid ng van at mabilis na hinila si Maqui para maging katabi niya ito. Then she immediately put her earpods on and used Maqui's shoulder as her pillow. Si Tippy atSam ay nanahimik na lamang dahil pareho naman nakatunog na may mali. And Elmo had no choice but to stay in his side of the car though was still wearily looking at Julie's way. The car ride was silent. The only sound between them all was the music playing on the car radio. Pasulyap sulyap si Elmo kay Julie Anne pero tulog pa rin ang dalaga. Himbing na himbing itong nakasandal kay Maqui na kanina pa pasimpleng sinasamaan ng tingin si Elmo. Imbis na parang malito ay mas lalo naguilty ang muhka ni Elmo. Si Maqui ay hindi na lamang nagsalita at natulog na din. It only took them 2 hours to reach home. Si Julie ang unang natulog pero ito pa rin ang huling nagising. "Nako, gusto na ata mag endless sleep nitong bes ko." Bulong ni Maqui. Nasa may entrance na kasi sila ng village. "Bes. bes malapit na tayo. Gising ka na." Ani Maqui at tinapik tapik pa ang braso ni Julie. The latter's eyes fluttered awake. She turned her head and immediately saw Elmo still worriedly looking at her. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Kunwari ay inayos muna niya ang kanyang buhok bago dumeretso ng upo. Hinatid muna si Sam at Tippy, huli ay si Maqui. "Bes..." Mahinang bulong ni Julie. Maqui patted Julie's head. "Kaya mo yan bes..." She whispered. Kaya naiwan sa loob ng kotse si Elmo at si Julie. "Tags..." Kaagad na tawag ni Elmo. "Tags please, pwede ba bukas na lang?" Mabilis na sabi ni Julie. Wala siya sa mood kausapin si Elmo at medyo jetlag siya sa byahe. "But Tags..." "Dito na tayo!" Maligalig na sabi ni Kuya Gerald na walang kaide-ideya sa away ng dalawa niyang alaga. Binuksan kaagad ni Kuya Gerald ang pintuan at gusto man harangin ni Elmo si Julie ay hindi niya nagawa dahil mabilis na nakababa na ang babae. "Tags wait..." "Elmo!!!!" Nasa loob pa rin ng van si Elmo habang si Julie ay nakatayo na sa kalsada nang marinig nila ang boses na iyon. Julie stopped and turned just as a fast blur ran past her and straight to Elmo. "I'm backk!!!!!" Muntik pang tumilapon pabalik sa loob ng van si Elmo nang yakapin siya ng babae. Parang bigla napalaro ng piko ang puso ni Julie nang mapagtanto kung sino ang babae sa harap niya. Umikot ito matapos humiwalay ng yakap kay Elmo. Wow. Kung si Julie maganda...iba si Ehra. Sobrang ganda nito. They both matured in their own way but Ehra's had a whole new level. She looked prim and proper and very very pretty in a charming manner. "Julie! Nakabalik ka na din pala! Grabe ang ganda ganda mo na!" Bati pa ni Ehra. At nagulat si Julie nang hilain siya nito para makipagbeso. She returned the gesture and tried her best to avoid looking awkward about it. "Ikaw din!" "Galing daw kayo ng Tagaytay? Ang awesome naman! Yung biniling bahay nila mama dito na din sa village na ito." Sunod sunod na sabi ni Ehra. "T-That's great!" Sabi pa ni Julie Anne. Pasimple siyang napatingin kay Elmo na ngayon ay nasa labas na din ng van at muhkang di mapakali. She still had that smile on her face when she faced Ehra. "Uhm, sorry Ehra, don't mean to be rude. Medyo nahihilo lang ako. I'll catch up with you later." "Oh... feel better." Sabi naman ni Ehra. "Tags!" Elmo called out but Julie ignored him. Julie walked back inside the house. Her movements felt so robotic. Pero wala na siya magawa. Ayaw lang niya mahalata siya. Sobrang bigat ng puso niya ngayon. Brave ka Julie. Big girl ka na Julie. Nagpromise ka sa mommy mo na magiging brave ka diba? Hindi ka iiyak. Hindi ka iiyak! At sa sobrang galing niya ay hindi nga siya naiyak. Pero masakit ang dibdib niya. Hinayaan na lang niya. She breathed in and tried not to think of what Elmo and Ehra we're doing right now. Ayan na simula na ng forever nila wag ka makikisabat pa Julie. Kontrabida ka nanaman eh. Naghilamos na lamang siya ng muhka at humiga sa kama. Sakto naman ay tumawag sa kanya si Maqui. Mabilis niyang sinagot ito. "Hello Maq?" "Bes! Gaga ka wag ka magpapatalo!" Julie sighed and rested back on the bed. "Matalino ako Maq para hindi lumaban lalo na at alam kong talo naman ako." "Paano kung hindi? Ganun ba kagago si Elmo na gagamitin ka lang niya ng ganun ganun lang? Dapat pinagexplain mo muna!" Parang natuahan si Julie sa sinabi ng kaibigan. Oo nga naman. Unti unting napabangon mula sa kama si Julie. Asan kaya si Elmo? Kasama pa rin kaya nito si Ehra? Bumaba siya ng bahay at lalabas na sana ng bahay nang marinig sa may kalsada si Elmo at Ehra na naguusap. "Elmo, I know it's Julie now. But we had something back then. I guess, inisip ko lang na maibabalik ko pa. I mean, you did it because her dad told you to right? Dahil alam ng dad niya na may gusto siya sa'yo. But please, give yourself a chance Elmo. Do something for yourself for once. Hindi ko inakala na magboboom dito yung business nila mama. Maybe this is the sign right?" Napakapit si Julie sa pinto. At dahil masokista siya, ay hindi sapat na pinakinggan niya kung ano ang nangyayari. Sumilip pa talaga siya at saktong nakita tumingkayad si Ehra para gawaran ng halik si Elmo. She quickly turned away before returning to her room. Parang tuluyan na siyang namamanhid sa mga nalalaman at mga natatanggap. She sat down on the bed and made a quick decision. One that she'd done before. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Bumangon sa kama si Elmo kahit na hindi naman talaga siya nakatulog. Ilang oras lang ata. Buong gabi ay hindi niya ginugulo si Julie dahil alam niya kailangan lang ng espasyo ng babae. Gulong gulo pa siya dahil sa pagbabalik ni Ehra. Bumaba siya ng living room at sakto ay nakita na papasok ng main door si Kuya Gerald. Tinawag siya nito nang makita siya. "Elmo, pinapabigay ni Julie." Nagtatakang tiningnan ni Elmo ang envelope na hawak ni Kuya Gerald. Kinuha niya iyon at naramdaman na may maliit na bagay sa loob. Umupo siya sa living room couch at inilabas iyon para lamang magulat nang makita na ang regalo niyang dog tag ang nandon. Along with a letter written in Julie's neat and familiar handwriting. Hi Tags! Sorry kung bibiglain kita kagaya ng dati; pero at least meron na letter ngayon diba? Hahaha! Anyways, I don't want you to feel like you have to do some things just because of dad or whatever you think you're pressured to do. I would have been fine with us being just friends because that alone was enough for me. I've learned to accept things as they are. Kahit nasanay ako na prinsesa ako noon marunong naman ako mag-adjust. But you don't have to adjust for me. And I know na malilito ka lang lalo kung sasabihin ko ito but; I love you Elmo, kahit nung hindi ko pa alam kung ano yun love. I know it's no use because you love someone else but I feel I just have to say it. I just want you to be happy and don't let me being in love with you get in the way of that. Don't worry. I'll move on. And maybe someday when I come back we'll be friends again? You will still be my Tags no matter what. Until we see each other again. Bye Tags!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD