Julie and Elmo, age 23.
Nakangiting bumaba ng eroplano si Julie Anne at nagpasalamat pa sa mga flight attendant na binabati siya.
She went through the process of getting her baggage before walking through the main lobby of the airport.
Hila hila niya ang bagahe nang makita ang dalawang pamilyar na pigura na nasa may waiting area. Nakatayo ang mga ito na napangiti din nang makita niya.
"Julie!!"
She smiled and ran to her friends who gave her a big bear hug.
"Bakit habang tumatanda gumaganda ka pa lalo?"
"Grabe ka naman Tips." Tawa ni Julie sa kaibigan. Bumaling ang tingin niya kay Sam na binuksan ang mga braso para yakapin siya.
"I missed you too." Ani Julie nang higpitan pa ni Sam ang yakap sa kanya.
They stopped when they noticed that Julie wasn't alone. May babaeng nakatayo sa likod nito na nakangiti lang sa kanilang lahat.
"Oh! This is my friend...Jen Bocar." Pagapakilala ni Julie sa kasamang babae kay Sam at Tippy.
"Hi!" Ngiti naman ni Jen.
"Same kami ng apartment sa Cali and umuwi siya dito para bumisita." Julie explained.
"Ang saya makapagtagalog ulit." Tawa naman ni Jen dahilan para matawa na din si Sam at si Tippy.
"Sasama si Jen muna sa atin." Sabi naman ni Julie at sinulyapan pa ang kaibigan na ngumiti lamang sa kanya. "Sa San Jose holdings din kasi siya papasok. And gusto ko siya ipakilala kay daddy."
Tumango naman si Sam at si Tippy. "Oh that's good then." Ani Tippy.
"Ako na magdadala ng bag mo Jules..."
"I think that's my job, Sam."
Natigil silang lahat sa boses na nagsalita. It wasn't far where said voice came from.
Julie's breath hitched in her throat as she saw who was there.
5 years...
It was 5 years since she last saw him. And the years were very good to him. Mas tumangkad pa ata ito. He still had that same clean look but now his body got even more bulkier and he looked more mature.
He intensely looked back at her.
Kailangan niya magsalita. Kundi magmumuhka silang tanga na lahat dito sa gitna ng airport.
"Hi Tags." She gave a small smile.
Elmo was still intently looking at her. He moved close.
She stilled when his face came close to hers. But she let out a sigh of relief and dismay when he did that only to reach for the stroller she was holding.
Pwede naman niya abutin sa likod bakit kailangan ilalapit pa ng ganun ang muhka sa akin.
"Moe pare anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa office ka pa?" Tanong naman ni Sam kay Elmo.
Already pulling Julie's stroller, Elmo looked at his friend. He had a straight look on his face. "I told you I wanted to come. Tinakasan niyo ako ni Tippy. And besides, dad is waiting for us."
Napalingon pa ang lalaki kay Jen na tahimik lamang na nakatayo doon.
"Tags... Si Jen, kaibigan ko. Jen, thisnis Elmo."
Mahinang tumango lang si Elmo at hinila na ang stroller.
Napaigik si Julie nang maramdaman niyang hinawakan ni Elmo ang bewang niya at iginiya siya palabas ng airport.
"Elmo wait..." Tawag pa ni Tippy but Elmo wouldn't have it.
"You're free to go with us to the restaurant but Julie is riding in my car."
Nanahimik silang lahat doon. Paano ba naman, sa tono pa lang ni Elmo ay hindi na pwede sumabat pa.
Naramdaman ni Julie ang pamilyar na init sa paghawak ni Elmo sa kanya. It was like he wouldn't allow her to get away.
"Uhm Elmo...hindi naman ako tatakas eh." Sabi pa niya para kahit papaano sana ay luwagan nito ang paghawak sa bandang bewang niya.
Umakyat ang kilabot sa sistema niya nang ilapit ni Elmo ang bibig sa kanyang tainga at bumulong. "You're known for doing that Tags."
Nakarinig sila ng munting tawa mula sa likod ay nakita na si Jen pala ito. Tumigil lang ito sa pagtawa at umiling na kunwari ay hindi siya iyon.
Hindi alam ni Julie kung ano mararamdaman ngayon. Alam naman niyang makikita niya ulit si Elmo pero hindi ganito kabilis! Yung tipong hindi pa nga napupuno ng 30% ang baga niya ng hangin ng Pilipinas eh makikita na niya ito. Akala niya ay paguwi sa bahay nila niya makikita ito. Or better yet mamayang gabi pa dahil baka nga nasa opisina pa ito.
Though she didn't talk to him for five years, her dad would be the one to tell stories about Elmo.
He graduated magna c*m laude as a Civil Engineer. After graduating, he immediately worked for Chavez Industries. And that was the extent of her knowledge. Natiis niya sa limang taon na hindi alamin kung ano ang nangyari sa buhay ni Elmo.
Para na rin sa ikabubuti niya. Para sa ikabubuti ng loob niya.
As for her? She also graduated magna c*m laude as an Interior Designer. Puros pagaaral na nga lang ang ginawa niya nang nasa ibang bansa siya. And she stayed for a few more years there. She was already working at a structural firm and so had her share of work experience. But of course she had to come back to the Philippines.
Bibigyan daw kaagad siya ng trabaho ng daddy niya kahit na ayaw niyang ganun ang magiging kaso. Dahil lagi niya sinasabi sa sarili na hindi muna siya prinsesa ngayon at malaki na siya. Gusto niya maging reyna siya ng sarili niyang gawain.
"Julie..."
"Huh?" Napatigil sa mga iniisip si Julie Anne nang tawagin siya ni Jen.
Nakaupo kasi ito sa backseat at si Julie naman ang nasa passenger seat.
Tumingin naman si Julie sa gilid at nakitang nakatingin din sa kanya si Elmo.
Nang makitang gising na siya sa realidad ay tinanggal na nito ang belt at binuksan ang kotse. "Nandito na tayo." Simpleng sabi naman nito.
Nauna itong lumabas ng kotse at mabilis na binuksan ang pinto para kay Julie. He had this intense expression on his face. Na para bang kakainin siya nito ng buhay lagi. At dahil gusto niyang ipakitang palaban siya ay hinamon ng tinign ni Julie ang lalaki.
"Pasok muna ako ah..." Biglang sabi ni Jen na una na palang nakababa mula sa kotse.
Bahagyang naglayo si Elmo at si Julie Anne.
Napaiwas ng tingin saglit ang lalaki bago ilapat ang kamay sa bandang likuran ni Julie. "Tara na, nasa loob na si daddy."
Masyado yata itong komportable sa ganun. But he maneuvered her so well that she felt so powerless.
Paktay kang bata ka Julie Anne. Hindi pwede! Asan na ba kasi si Ehra? Bakit hindi ito ang kasama ni Elmo?! Gusto muna niya ma-relax! Kahit ngayong araw lang!
They entered the restaurant and saw that Tippy and Sam were also already there.
Nasa loob na din si Jen na nakita ni Julie ay kausap na ng daddy niya.
Art stopped talking though when he saw his daughter. Tumayo ito mula sa inuupuan at si Julie naman ay mabilis na tumakbo papunta sa kanyang ama.
"Daddy!" Excited na sabi ni Julie Anne at halos lumundag para yakapain ang kanyang ama.
Art hugged back and they just savored the feeling of being together again.
"I missed you princess." Sabi ni Art.
Julie smile as they slightly pulled away from each other so that Art could take a good look at her.
"You're becoming more and more beautiful, anak."
Julie only smiled in answer before she turned to Jen who was just smiling. "Dad, si Jen nga po pala, yung sinasabi ko na nagapply din po sa company natin."
"Yes we've talked. I trust she'll like it at San Jose holdings." Saka naman ito tumingin kay Elmo na tahimik lang na nakatayo sa isang tabi. "Elmo anak, akala ko sila Sam ang susundo kay Julie? Diba may naiwan ka pa na trabaho sa office?"
"Nagpumilit tito eh." Panlalaglag pa ni Tippy.
Elmo glared at their friend but Tippy simply shrugged her shoulders.
"It's all taken care of dad." Sagot naman ni Elmo.
Art merely shrugged and they all sat down to ate. Nag order muna sila nang kailangan sagutin ni Art ang isang tawag.
Pasimpleng iniiwasan ni Julie ng tingin si Elmo at napansin naman ito ni Jen.
"Gurl, yan ba yung kinukwento mo lagi sa akin?"
Napatignin si Julie sa sinabi ng kaibigan at nakita na pasimpleng nakatignin din sa kanya si Elmo.
"Yeah." Simpleng sabi niya na para bang napapagod.
"Gwapo ah." Bulong pa ulit sa kanya ni Jen. "Baka naman wala na sila nung girlfriend niya? Kayo na lang. Bagay kayo."
Julie smirked and shook her head. "Di na no. Mahal na mahal kaya niya yon." She's learned to move on anyways. Well...at least hindi na siya ganun na naaapektuhan. Although wala siya naging ibang love life sa ibang bansa ay masaya naman siya.
"Sorry about that." Ngiti sa kanila ni Art at bahagyang napailing pa sa iniisip.
Nagsimula na sila kumain at nangamusta silang lahat kay Julie na panay lamang ang kwento tungkol sa buhay sa Cali.
"Wala ka pa rin boyfriend Jules?" Tanong naman ni Tippy.
Nakita ni Julie na tumigil sa pagkain saglit si Elmo pati na ang kanyang daddy.
She shrugged it off before answering her friend. "Wala eh. Hindi naman ako naghahanap." At sinundan pa niya iyon ng tawa. "How's the company pala dad?" Tanong niya kay Art para lang maiba ang usapan.
Art sighed before replying.
"Marami na rin talaga ang gusto magpabagsak sa kompanya eh. Marami tayong shares and stocks na naluougi. Kailangan maging mas trusted ang board of directors. And that's why I have an announcement to make..."
Natigil silang lahat sa sinabi ng padre de pamilya ng mga San Jose.
Nakikinig ng maigi si Tippy at si Sam habang si Julie at Jen ay parehong nagtatakang nakatingin kay Art.
At si Elmo. Tahimik lang...na parang may alam na rin.
Bahagyang kinabahan si Julie. Ano ba itong sasabihin ng tatay niya at napakatahimik nito bigla.
Huminga muna ito ng malalim at tumingin kay Julie Anne. Tapos ay tumingin naman kay Elmo.
Mas lalong kinabahan si Julie Anne lalo na nang sumulyap sa kanya si Elmo.
What the hell was going on?
Bumuntong hininga muna si Art bago tumingin muli kay Julie Anne.
"I've decided that you and Elmo will get married."
"WHAT?!"
"Hay nakakamiss talaga dito sa Pinas. Exciting lagi mga kaganapan!" Natatawa na sabi ni Jen.
"Dad what are you talking about?" Tanong ni Julie Anne habang si Sam at Tippy ay parehong tulala sa mga pangyayari.
"Elmo is one of Chavez industries best engineers. And he is also the COO, kapag kinasal kayo, pwede mag merge ang Chavez Industries at San Jose holdings."
Parang nahihilo si Julie sa mga naririnig. Her father was talking about marriage here!
"Sister company na rin naman kasi silang dalawa. But it will be written in stone if you two get married."
Tigagal na tiningnan ni Julie Anne ang sariling ama bago ibaling ang tingin kay Elmo na blangko lang ang muhka. He couldn't seriously be agreeing to this right?!
"Dad, are you in over your head? Elmo and I can't get married!"
"Because?" Tanong pa ni Art.
Nanonood lang sila Sam, Tippy at Jen na animo ay nasa isang sinehan.
"B-Because we don't love each other!" Julie stuttered.
Art sighed. "You two were together back then." He said simply as if he was talking about the weather.
"B-but Elmo's with someone else!" sabi pa ni Julie na hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig. Kakauwi pa lamang niya at ganito kaagad ang bubungad sa kanya.
Nalilitong tiningnan ni Art si Elmo. "Akala ko break na kayo ni Ehra?"
"Opo dad. Matagal na po kaming nag break." Sagot pa ni Elmo.
Mouth agape, Julie looked at Elmo, still not being able to say anything.
"You and Elmo will live in the condo I've bought which is nearest to the San Jose and Chavez buildings."
"What?" Parang kanina pa na ganun lamang ang nasasabi ni Julie. Tumingin siya kay Elmo na para bang nanghihingi ng tulong. Surely he wouldn't want to go ahead with what her dad was thinking!
"Elmo...payag ka ba sa lahat ng ito?" Tanong pa niya sa lalaki.
"It's a good idea for the company." Tanging sagot ni Elmo dahilan para mapatunganga na lamang si Julie Anne.
"Very well then. Elmo anak take Julie to your condo. Para makapagpahinga na siya."
"Dad wait--"
"Paguusapan natin ito Julie bukas. I have to get back to the company at ang rami pa aayusin."
They paid for the check and Elmo quickly held Julie's luggage and led her to the car.
Nakasunod lang si Jen sa kanila.
"Uhm, Jen diba?" Biglang tanong ni Elmo.
Natulala saglit si Jen pero mabilis din naman na tumango.
"Ihahatid kita, saan ka ba tutuloy?"
"Ha? Nako wag na." Tila kinakabahan na sabi naman ni Jen. "Malapit lang kasi dito yung bahay nung kapatid ko. Doon na ako dederetso."
"Hatid ka na namin." Ngiti naman ni Julie Anne.
And they did. Mula sa restaurant na iyon ay malapit nga lang ang bahay ng kapatid ni Jen.
"Salamat Julie ah. Balitaan mo ako sa kung ano mangyayari sa inyo ni pogi." Sabi naman ni Jen nang nagpapaalam na siya sa kanila.
Naglakad na pabalik ng kotse si Julie at si Elmo pero tumigil muna sa labas ng mismong kotse si Julie Anne.
"Elmo magusap tayo."
"What, right here?" Tila hindi makapaniwala na sabi ni Elmo.
"Anong pumasok sa kokote mo at--"
"Maguusap tayo sa condo."
"Hindi! Ayoko dito ta--"
Julie stopped when Elmo slightly pushed her against the car door. His face was so close that she could feel his hot breath on her face and could smell the cologne he was using. God he smelled so good.
"Sa condo tayo maguusap. Kapag hindi ka tumahimik hahalikan kita dito hanggang sa maubusan ka ng hininga."
Kakaiba nga naman talaga ang homecoming niya.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Hallo faneys! Kamusta naman po ang homecoming ni Julie Anne hahaha please give some people love by voting and giving comments mwah! Thanks for reading!