Animo ay bata na nakaupo sa harap ng kotse si Julie at nakahalukipkip pa habang nakanguso. Patuloy lang sa pagmamaneho si Elmo hanggang sa narinig niyang natatawa na din ang lalaki. Bumaling ang ulo niya sa direksyo nito. She still had that pout on her face and a furrowed brow.
Hindi natiis ni Elmo at bahagya ito napangisi.
"Para kang bata."
"Because this is madness Elmo!" Hindi natiis na sabi ni Julie Anne. "Ano naman pumasok sa kokote mo pumayag ka kay daddy sa iniisip non?! Masyado na siya matanda! Wala na siya sa katinuan!" Pilit pa ni Julie. Nagh-hysterical na siya sa loob ng kotse na iyon habang si Elmo ay nakangiti pa rin sa kanya.
"Will you stop smiling at me!" Irita pa rin na sabi ni Julie Anne. Kanina pa siya naiinis dito habang si Elmo ay ngingishan lang siya ng ganun!
"Cute mo kasi." Elmo said, his voice deep and mischievous.
Parang naipit ang boses ni Julie at hindi kaagad siya nakasalita sa sinabi ng lalaki. Namula ang pisngi niya at bahaga siya nag iwas ng tingin.
Hay hayop. Wala ba nagawa ang limang taon na iyon at sa isahang pagkikita pa lang ay ganito nanaman ang epekto sa kanya ni Elmo?!
Nanahimik siya. Medyo napapagod siya sa pakikipagaway sa lalaking ito at panay naman pagngisi lamang ang ginagawa nito.
Makakatulog na sana siya sa kinauupuan nang marinig na may tumatawag sa telepono ni Elmo.
Pasimple siyang lumingon sa gawi ng lalaki at nakitang dinala nito sa tainga ang telepono.
"Yeah? What? Now?...osige sige. Dadaan lang ako saglit." At binaba na ni Elmo ang tawag.
Kunwari ay hindi siya nakikinig at patuloy na isinandal ang ulo sa may bintana ng kotse ni Elmo. Kaso hayun at lumingon sa kanya ang lalaki.
"Do you want to sleep? Iwan na muna kita sa condo? May aasikasuhin lang ako sa kompanya."
Parang may bumbilya na tumubo sa taas ng ulo ni Julie pero nanahimik lamang siya.
But Elmo looked at her. Bahagyang napakunot ang noo nito bago parang may naisip at mabilis na napailing bago tinuloy ang pagmamaneho.
"No no. You're coming with me to the company."
"Why?!" Laban pa ni Julie Anne pero patuloy lamang si Elmo sa pagmamaneho habang seryoso ang muhka.
"Argh!" Julie groaned as she sat back down on the car seat.
"Kapag iniwan kita sa condo sigurado akong tatakas ka. So you're coming with me." Simpleng sabi ni Elmo at tinuloy ang pagmaneho.
Julie grumbled. Because that was exactly what she was going to do. Tatakas siya at pupunta muna sa ibang lugar.
Kaya wala siya nagawa hanggang sa umabot sila sa Chavez buildings.
"Bakit hindi ka sa San Jose nag-apply?" Tanong ni Julie habang papasok sila sa loob ng malaking building.
Elmo shrugged his shoulders."I didn't want to work for dad. Baka kasi sabihin ng iba kaya lang ako nakapasok kasi inaanak niya ako."
Julie left it at that. May point naman si Elmo. Ambisyoso pa naman ito at ma-pride kaya siguradong pasok sa katotohanan ang sinasabi nito.
Halatang kilalang tunay si Elmo sa kompanya dahil marami ang bumabati dito. Mostly the girls but Julie was fine with that. Hindi naman siya apektado.
"Pare sino yang chick na kasama ni Sir Elmo?"
"Di ko kilala pare pero tangina...hot!"
"Sexy kamo...shit."
Napaigik si Julie Anne nang bigla na lamang siyang hapitin ni Elmo at naramdaman na mahigpit nitong inikot ang isang braso sa kanyang baywang at hinapit siya papalapit.
"Elmo what are you doing?" She hissed as they continued walking.
Their bodies were so close that she could feel the side of his belt pressing to her waist.
"Dito ka lang." Elmo said with a sneer. Hinila niya ito palapit at sakto ay dumating ang elevator. Sa dulo sumandal si Elmo nang sakto ay nagsipasok din ang iba pang empleyado ng building na iyon.
"Good morning po sir Elmo!" Bati naman ng ibang empleyado nang makita si Elmo at nanahimik pa nang makita si Julie Anne.
Tila nakakita ng dyosa ang mga ito dahil sabay sabay napanganga.
Si Julie ay pasimpleng ngumiti sa mga ito dahilan kaya napasinghap pa sabay sabay ang mga tao.
Hinapit pa palapit ni Elmo si Julie at nagulat na lamang ang babae nang bigla nitong ilapit ang ilong sa buhok niya. He subtly sniffed her hair and that made her tense up. Pucha kahit na nakatalikod na ang mga tao sa kanila ay nakapalibot pa rin ang mga ito!
Wala siya magawa. Ayaw niya mag-salita dahil maririnig din naman ang sasabihin niya. Ayaw din niya gumalaw dahil mahahalata ng tao sa sobrang kasikipan.
What the eff was wrong with Elmo?! Naka-droga ba ito o ano?!
Sa wakas ay unti-unting nagsisilabasan sa bawat floor ang mga tao sa loob ng elevator kaya naman lumuluwang na. Balak sana ni Julie lumayo kahit kaunti kay Elmo pero mahigpit pa rin ang pagkakaikot ng malaki nitong braso sa maliit niyang baywang.
"Tags...hindi ako tatakas okay?" Bulong pa ni Julie. Apat na lang sila sa loob ng elevator na iyon at medyo malayo na ang kinatatayuan ng dalawang ibang tao kaya naman panatag si Julie na hindi na masyado maririnig ang usapan nila.
"I won't take that chance." Sabi pa ni Elmo na bumubulong pa rin sa tainga niya at muli nanaman ay inamoy amoy ang kanyang buhok.
Ano mabaho ba siya? Bakit ba kanina pa nito inaamoy ang kanyang buhok!?
Hindi na rin naman siya nagulat nang malaman na nasa top floor ang pinaka opisina ni Elmo. Aba kung siya nga ang COO ibig sabihin ay sa pinakamataas ang opisina nito.
"Good morning sir Elmo." Bati ng isang babaeng naka-plunging na neck line.
Wala namang boobs.
"Good morning Ana." Sabi lang ni Elmo. He wasn't wringing his arms around Julie's waist but hand his hand by her shoulder.
Pasimpleng tiningnan ni Ana si Julie. Yung tingin na mula ulo hanggang paa.
Hindi natiis ni Julie ang sarili at napataas ang kilay sa babae. Aba aba. Makatingin to. Dukutin ko mata mo dyan eh.
"Tags, let's go inside my office." Sabi naman ni Elmo at marahan siyang hinila papasok.
"S-sir Elmo! Gusto niyo po ba ng kape?" Habol na tawag pa ni Ana at halatang nagpapacute lamang kay Elmo.
The latter turned, his hand on his office door's handle. "No thank you Ana." Saka hinila si Julie papasok sa loob ng opisina.
"Will you stop pulling me!" Inis na sabi ni Julie at pilit na hinila ang braso mula kay Elmo.
"Easy there feisty." Elmo said amusedly.
Kahit na gwapo ito ay kanina pa gusto sapakin ni Julie ang pagmumuhka nito!
"This is no laughing matter Elmo Moses! We can't go through with this agreement!"
"What agreement?" Maang maangan pa na tanong ni Elmo.
Julie gritted her teeth. Nasa kabilang side siya ng desk at si Elmo naman ay nasa likod nito.
She had her palms flat on the glass surface and Elmo was looking back at her. First it was at her face, but his eyes went lower to her chest.
Napansin naman kaagad ni Julie ang ginagawa ng lalaki at kaagad na dumeretso ng tayo. "Bastos!"
Elmo only smirked in answer.
Kanina pa ito ngisi ng ngisi! Masampolan nga!
"Nangangati ba yang bibig mo at kanina ka pa nakangisi?" Hamon ni Julie.
Ang kaso lang ay lumalaban si Elmo. "Oo eh. Will you kiss it for me?"
Nanlaki ang mata ni Julie at nag-iwas nanaman siya ng tingin. "f**k you."
"I'd be happy to Tags."
"Argh!!"
Naupo na sa sofa si Julie at nakahalukipkip na tiningnan ang lalaki. Paano ba niya makakausap ng maayos ito? "Alam mo, mag-usap tayo kapag wala ka na muna ibang gagawin."
"Great. Paguwi sa condo natin maguusap tayo." Simpleng sabi ni Elmo at naupo na sa likod ng sariling desk.
He started going over through some files while Julie stayed in the couch and just explored her social media.
Marahil ay dahil sa kakagaling nga lang niya ng paglipad ay nararamdaman niyang bumibigat na ang kanyang mga talukap.
Ang sunod na lang niyang nalaman ay nagising siya dahil parang may dumampi sa kanyang pisngi.
Bahagya siyang nag-unat dahil ayaw niya sobrahan sa pagaalalang mapupulikat siya. Then she opened her eyes and saw that Elmo was at his desk.
Nakasalamin ang lalaki at busy na busy sa ginagawa.
Huhu ang gwapooooo.
Bago pa siya tuluyang makagalaw ay siyang angat naman ng tingin ni Elmo at nakita nga ng lalaki na gising na siya.
"You're awake. Are you hungry? Di ko alam gusto mo kaya nag padeliver ako ng marami."
Nagulat na lang si Julie nang mapansin na sobrang dami ng plastic bag na nandoon. At hindi sila from fast food chains! From restaurants!
Napaderetso siya ng upo sa sofa at inayos ang buhok bago tumayo at lumapit kay Elmo.
Tumigil sa pagtrabaho ang lalaki. He gazed up at her from his sitting position.
"May delivery na pala ang mga restaurant ngayon?" Tanong pa ni Julie.
Elmo simply shrugged his shoulders and stood up. "They can kapag nagbayad ako ng extra."
Ay o iba. Iba talaga ang mayaman.
Julie sat down by the small glass table that Elmo had inside his office.
Lumaki ang mata ni Julie sa pagkain. Ang dami!!!
"A-ang dami naman nito." Bukod sa iba't ibang lugar ang restaurant, malalaki pa rin ang serving.
"Dapat lang kumain ka pa. Ang payat payat mo na kaya." Napatingin kaagad si Julie sa lalaki at tumaas pa ang kilay sa sinabi nito.
"Diba dati inaasar mo akong mataba."
Elmo smirked in answer. "Sexy ka kahit ano pa shape mo."
Nanlaki ang mata ni Julie at namula kaagad ang muhka niya. She turned away and shrugged her shoulders as if not minding what Elmo was saying.
"Kakain na ako." Sabi na lang niya. Una niyang linantakan ang carbonara dahil kanina pa siya natatakam sa itsura nito. Sunod ay sinamahan pa niya ng potato balls atsaka kumain ng cheesecake.
All the while ay pinanuod siya ni Elmo na hindi matiis ang mapangiti habang pinapanuod siya.
She stopped when he suddenly reached out and wiped some sauce off of her face. Well f**k if that didn't bring butterflies to her stomach. Pero pucha ano ba kasi itong ginagawa ni Elmo?! Kagaguhan ito eh.
Dahil ba ito sa mga pinagsasabi niya sa sulat niya para sa lalaki? That's it. She just realized it. Hindi siya magpapagamit ulit dito. She admitted to him that she loved him.
Akala siguro nito...
"Tags?" Tanong bigla ng lalaki sa kanya. His face was so close since he's just wiped some sauce off of her face.
"Hindi ka pa ba tapos dito?" Biglang sabi ni Julie. "Akala ko ba may kaunti ka lang na aasikasuhin?" She wiped her hands on some napkins and patted her lips too bago tumayo. Inaayos niya ang pinagkainan nang makarinig sila nang usapan sa labas ng opisina ni Elmo.
"Mam di ko po alam kung sino nasa loob--"
"What? Bakit? May babae ba siya? Akala ko ba wala siya dito?"
Napatayo si Elmo at hinila palapit sa kanya si Julie na muntikan nang mapatumba sa sobrang lakas ng hila ng lalaki. "Elmo!"
"You can't leave." Nakalapat ng husto ang dibdib niya sa dibdib nito at nakita pa niyang bahagyang naninilim na ang paningin nito na para bang kakainin siya ng buhay. Nakaikot ang isang braso nito sa balikat niya at isang kamay naman nito ay nakahawak sa kanyang pulsuhan upang di siya makatakas.
Nasa ganoon silang posisyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina ni Elmo.
To say that Julie was surprised would be an understatement. Because standing now in the room was a woman very familiar to her.
"Julie?" Tila namamangha na sa sabi ng babae.
At pati siya ay hindi napigilan ang magsalita. "Ehra?"
Si Elmo ay nananatiling tahimik. He didn't look fazed but seemed to be concentrating on holding on to Julie and making sure that she doesn't run away.
"Oh my god I'm so sorry I barged in." Sabi naman ni Ehra bago parang naguguluhan na naglakad palabas. Si Ana ay muhkang gulat din pero sumunod at mabilis na sinara ang pinto.
Julie quickly turned to Elmo who had the same expression on his face.
"Ehra works with you here?" She figured since she saw Ehra wearing an identification card clipped on to her blouse.
"Ang dad niya ang nagpasok sa aming dalawa dito." Simpleng sabi ni Elmo. He loosened his hold on her but not enough so she could get away.
Mas lalo lamang nalito si Julie sa sinabi ng lalaki. "What? Magkasama pa pala kayo pumasok dito! Matagal na naging kayo!" Sa wakas ay nakawala siya mula sa hawak ni Elmo pero nanatiling nakatayo sa gitna ng kwarto. Iba't ibang palaisipan ang umiikot ngayon sa kanyang ulo. Parang biglang nagsolve ang utak niya. Solve na walang kasamang equations.
Hanggang sa naalala niya ang binitawang salita ni Elmo sa kanyang ama kanina lamang;
"It'll be good for the company."
Dito na tuluyan nanlaki ang kanyang mga mata at di makapaniwalang tinignan niya ang lalaki.
"No..."
"Julie..." Nalilito na sabi ni Elmo.
He took a step forward but she took a step back.
"Hindi." Tila naguguluhan na sabi ni Julie at bago pa maka-react si Elmo ay mabilis na nakalabas ang babae ng opisina at nagmamadali na dumeretso sa elevator.
Napapatignin na ang ibang tao lalo na nang sumunod si Elmo at sinisigaw ang kanyang pangalan sa pagtawag.
"Tags!" Julie wouldn't stop walking briskly. Ayaw naman kasi niyang tuluyan nang tumakbo. From the corner of her eye she saw Ehra at one cubicle looking worriedly at what was happening.
Pero bago pa makaabot ng elevator ay nahabol nga siya ni Elmo.
"Julie hindi ka pwede umalis."
"At hindi mo pwede gawin ito." Tila nalilito at nasasaktan na sabi ni Julie. You could see clearly in her eyes what she was feeling.
"Papagalitan ako ni tito kapag may mangyari sayo." Sabi pa ni Elmo.
"I-I just need to think." Sabi ni Julie. Muhkang may gusto pa sabihin si Elmo pero mabilis niyang pinigilan ito sa pagsasalita muli. "Ibibigay ko sayo ang passport ko at ibang gamit; hindi ako tatakas. Sabihin mo sa akin ang address ng condo. Doon ako uuwi. But for now I need to think."
"No. Sa tingin mo maniniwala ako? I have had it with you running away." Sabi naman ni Elmo.
But Julie wouldn't have any of it. "If you want me to talk to you again. You'll let me go. Babalik ako promise."
At sa binitawan niyang salita ay tila naging bato si Elmo sa kinatatayuan.
All of these thoughts were running through her head now. She needed to think. She needed to talk to somebody. She needed her best friend.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Ano kaya ang biglang naisip ni Julie? Sino kaya ang makakahula? ahahaha! At handa na ba kayo sa pagbabalik ni Maqui? MWAHAHA! Kapag natuwa ako sa votes and comments, mas mabilis ang update huehuehue! Thank you for reading!