Hostility

1597 Words
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Nalukot ko ang mukha. Kontra gustong kinapa ko ang device sa ibabaw ng bedside table. "Ouch!" Napadaing ako. My head is banging like hell. "H-Hello?" Namaos ang boses ko't nanuyo ang aking lalamunan. Sobrang gusto ko pang ipikit ang aking mga mata. "Beh, ano na? Asan ka na?" bungad ni Dinah sa kabilang linya. "Kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo wala ka bang planong pumasok? May sakit ka ba? May emergency?" sunod-sunod nitong tanong. "I'll be there-" "Anong I'll be there? Tapos na ang unang subject natin! Talagang malilintikan ka kay Sir Dela Paz. Nagquiz tayo kanina!" Mariin kong naipikit ang mata. "Oo na, on the way na ako." "Bilisan mo riyan, ano bang pinagagawa mo kagabi ha-" Hindi ko na pinatapos si Dinah. Nilundag ko kama upang sumaglit sa banyo. "Violet?" Narinig ko si Nana Koretta sa likod ng pinto. "Wala ka bang planong pumasok? Alas nuwebe na!" "Andiyan na po, nana. Pakisabi na lang po kay kuya Ted hintayin niya ako." Walang kisap mata'y sinugod ko ang banyo. Wala ni kalahating minuto ay natapos ako sa pagbihis. Suot ang uniform ay tumatakbo ako pababa sa matayog na hagdanan. Sa sasakyan na lang ako mag-aayos ng mukha at buhok. "Nana, aalis na po ako." "Kumain ka muna-" "Sa cafeteria na lang po ako kakain, nana!" "Violet," bumungad si nana mula sa kusina. "Sino ba 'yong lalaki na naghatid sa 'yo kagabi?" "Po?" "Sa sobrang kalasingan mo hindi mo na alam ang nangyari! Hinatid ka ng gwapong lalaki kagabi." "Ah, si Henrick po, kaklase ko," amin ko nang maalala. "Sige po, nana aalis na po ako." Tinakbo ko ang nakaabang na kotse sumakay at nilisan ang mansion. *** "Beh, ano bang ginawa mo kagabi ha?" Sinalubong agad ako ni Dinah pagkapasok ko ng classroom. Ibig kong sabunutan ang sarili nang maalala ko ang nangyari. What am I thinking? Sinulyapan ko ang direksiyon ni Henrick. Ibig kong malagutan ng hininga at kanina pa pala nakatuon ang paningin nito sa akin. Tila ba nakuryenteng nag-iwas ako ng titig. Wala akong mukhang maihaharap sa lalaki dahil sa kalandian ko. Tang-ina! "Ano bang ginagawa mo kagabi?" segunda ni Mia. "H-ha?" Nabubulol ako't hindi pa ako nakabawi sa pagtama ng paningin namin ni Henrick. "Seems like you're very uneasy today, beh. May problema ba sa bahay?" pangungulit ni Dinah. "Wala," pagsisinungaling ko. Dinah and Mia are really like my sister but when it comes to my family issue, I am not really open to them. Ayoko rin na magkaproblema ang magulang ko. Sakto ring papa-upo ako nang may tumawag sa akin mula sa labas ng silid -aralan. Nakita ko si Dylan na makisig na naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Yumuko agad si Mia ng makita niya ang ex-boyfriend na nangahas na pumasok. Umirap si Dinah sabay na pinandilatan ako. "Hey, Violet." Timawid ni Dylan ang natirang pulgadang pagitan namin. Blangkong tingin lang ang pinukol ko sa kanya. Yumuko at inabot niya ang panga ko at inilapit ang labi sa aking tainga. "I can't wait for Saturday, I'll wait for you outside after class." Tumayo siya ng maayos pagkatapos at nilisan ang silid. "Anong sabi ng hinayupak na 'yon, beh?" usyuso ni Dinah na inusli ang ulo na sinundan ng tingin si Dylan na papalabas. Napatikhim ako. Hindi ko alam pero parang na ko-conscious akong sabihin sa kanila lalo na't nakatingin si Henrick sa amin. "Anong sabi, Violet?" di nakatiis na tanong ni Mia. "Sabi niya hihintayin niya raw ako mamaya pagkatapos ng klase," mahina ko na deklara na na-upo na sa silya. "Good! Basta ang usapan natin ha?" paalala ni Dinah. *** Nanakit ang daliri ko sa kaka-check ng mga sinasagutang mock test ng mga kaklase ko. Mag-alas singko na ng hapon at heto abala pa ako. I am subject under disciplinary action by being late without valid reason. Correcting all the mock test paper from Mr. Dela Paz handled subjects as punishment. Kakaalis lang nina Mia at Dinah tinulungan pa ako pero dumating din ang sundo nila't iniwan akong mag-isa sa classroom. Nakangiwing hinilot ko ang daliri nang matapos ko ang lahat. Inayos ko muna bago ako nagpasyang bumaba na ng gusali. Baybay ang maliit na pasilyo nang maulingigan ko ang isang pamilyar na bulto. Si Dylan nakasandal sa pillar na gwapong gwapo sa sarili. Nang makita ako ng lalaki ay umayos agad ito ng tayo. "Hey, there Violet." Malapad ang ngiti niya na sinalubong ako. Napilitan man ay ngumiti rin ako. Ayoko na masira ang plano namin patungkol dito. "Hi, ba't nag-abala ka pang hintayin ako?" mahinhin sa sabi ko na sinabayan ng maarteng paghawi ng ilang hibla ng aking buhok. "I can't wait for tomorrow, Violet." Isang maliit na ngiti ang pininta ko sa labi na tinapunan si Dylan ng malagkit na titig. "W-What do you mean, you can't wait?" maang-maangan ko na tanong. Sinimulan ko na ihakbang ang paa pasulong. Naging maagap naman ang lalaki na sinabayan bawat hakbang ko. "You know already what I mean, Violet." Isang maharot na tawa ang pinakawala ko. Mayumi ko siyang binalingan. "Ano nga?" kunwa'y wala akong ideya sa tinutumbok niya "I want you to be my girlfriend," madiin niyang deklara. "Dylan, I invited for a date. Hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo 'ko." "Ano naman ngayon, inviting me means you like me. It's a mutual feeling, Violet. I like you! Will you be my girlfriend?" Isang mahinang buntong hininga ang pinakawala ko. "Okay, then let's make it official." "Really? Girlfriend na kita?!" Bakas sa boses niya ang hindi makapaniwala. Umungol lang ako bilang pagsang-ayon. Napangiwi ako na sinulyapan ang malapad niyang ngiti. "Oh my God! Hindi ako makapaniwala. Girlfriend na kita, Violet. The prettiest girl in the University!" He exclaimed. Naging mapangahas ang kilos ni Dylan pagkatapos. Agad niyang hinuli ang panga ko. Sinakop ang labi ko na hindi man lang nanghingi ng permiso. Hinayaan ko ang lalaking halikan ako upang hindi mabulilyaso ang plano. Kusa ko na sinuklian ang halik ni Dylan hanggang giniya niya ako pasandal sa matayog na pillar ng gusali. Marubrob ang labi niyang sinakop ang aking labi na tila wala akong planong pakawalan. Sa sobrang bilis ng pangyayari namalayan ko na lang na isinilid ni Dylan ang palad sa ilalim ng aking blusa. Akma ko sana siyang itulak nang may bakas ng mga yabag patungo sa kinaroroonan namin. Tila nakuryenteng inilayo ko ang sarili. Inayos ko ang nagusot na blusa. Umatras si Dylan na nakatuon ang mata sa taong dumating. "Oh it's just the Student Council President ," nanunuya ang mata ni Dylan. Tumama ang mata ko sa imahe ni Henrick. Nakatayo ilang dipa mula sa amin na may hawak na libro. His eyes were on my unbuttoned blouse. His face is as dark as night. "Just continue what you both doing outside the school premises." Malamig niya akong binato ng tingin bago siya tumalikod. Dylan hissed. He painted a fake smile on his lips. "What a weirdo!" he muttered. "Mauna na ako, Dylan. See you tomorrow." Agad agarang hinakbang ko ang paa. "See you at blackbird, Violet!" paalam ni Dylan na lumihis sa kabilang direksiyon. Hindi ko na binalingan si Dylan. Natagpuan ko na lang ang sariling sinundan ang yapak ni Henrick patungo sa Student Council Room. Bago pa ako tuluyang makapasok ay isang kalampag na ingay ang aking narinig mula sa loob. Hindi nag-abalang kumatok ay tinulak ko ang pinto. Bumungad sa aking mga mata si Henrick na abala na pinagpupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig. Lumapit ako at yumuko upang tulungan siya. Tarantang pinagdadampot ko ang mga iyon. Hindi ko malaman kung bakit ako nabagabag pero iyon ang nadarama ko sa sandaling ito. "Are you okay?" ako ang unang nagbukas ng usapan. Sa halip na sagutin ako ay tahimik lang siyang pinagpatuloy ang ginagawa. "Am, Mr. President?" untag ko sa pananahimik niya. Huminto siya saglit subalit muli niyang pinagpatuloy ang pagdampot ng papel nang wala siyang narinig mula sa akin. Tumayo siya at nilapag iyon sa ibabaw ng mesa. "Mr. President," ulit ko na inabot sa kanya ang ilang piraso ng papel. "A-about last night-" "What about last night, Miss Ramirez?" Hinubad niya ang salamin sa mata. He leaned back to the table and rested his palm to support his weight. He looked at me in the eyes. I can barely see his tantalizing eyes. He is very handsome in my point of view. "What about last night, huh?" Umangat bahagya ang kanyang kilay na pinasadahan ako ng tingin. "Well the kiss we shared. I mean lasing lang ako no'n can we forget -" Tumawa siya ng mahina na kinaloko ng katinuan ko. It was very pleasing. "Why do you bother to explain? It's just a plain kiss, Miss Ramirez." Napadiin ko ang kagat sa pang-ibabang labi. Yeah, bakit nga ba ako nagpapaliwanag? Come on, Violet! "Yeah, i-it's just a kiss," ulit ko na pinilit ngumiti. Ngumiti ako ng mapakla. "Yeah, it's just a f*****g plain kiss!" madiin niyang ulit. His eyes became darker with a hint of hostility. "Like you both did earlier!" he added. "Y-Yeah a f*****g simple k-kiss," inulit ko rin na sobrang hina. His aggressive and hostile look made me stammer. "A-Anyway." Nanginginig na dinukot ko sa bag ang P.E tshirt niya. "Here." Inabot ko sa kanya. Tinanggap niya ang tshirt. Ta's umayos na siya ng tayo. Hinakbang niya ang paa hanggang sa tumapat sa akin. "Gumagabi na, Violet umuwi ka na." Iniwan niya akong nakatunganga. Tila may galit ang himig niya na hindi ko mawari. Nagkibit-balikat na lang ako na sumunod sa kanya na lumabas sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD