"Are you alright?"
Pasimple ko na pinahid ang namamasa ko na pisngi sa likod ng aking palad. Ngumiti ako ng sobrang pilit na binalingan ang lalaki. "Of course, Mr. President." Pinilit ko maging kaswal ang hitsura.
"May I sit?"
"Yes, I guess?" Pinasadahan ko siya ng tingin. Kanina pa siya naka-upo sa kabilang silya. What the!
"Let me buy you a drink, Miss Ramirez." Tumayo at tumalikod ang lalaki. Pumasok sa tindahan. Pagbalik ay may dala na itong dalawang bote ng orange juice.
"Here." Maingat niya iyong nilapag sa ibabaw ng mesa at na-upo na rin sa kabila. "Bakit ka nandito?" Tanong niya na sinulyapan ang relo sa braso.
"Hindi ba pwedeng tumambay rito, Mr. President? Prohibited ba?" sarkastikong pahayag ko na sinulyapan siya.
"Well, hindi naman. Alas dose na ng madaling araw delikado ang manatili lalo na kapag isang kang babae."
Ngumiti ako bahagya. "Ikaw ba't nandito ka?" Sa halip na sagutin ay binalik ko ang tanong.
"Katatapos lang ng part-time job ko."
"May part-time job ka?" gulat ko na tanong.
Umungol lang siya saka tinungga ang bote ng juice na hawak. Tinuon niya ang sa malayo.
Inabot ko ang juice na binigay niya at sinuyod iyon. He bought my favorite orange juice but I need a drink not just a drink but alcohol. "Would you mind, if you buy me a beer?"
Napinto niya ang pagsara sana ng bote. Binalingan niya ako. He looks at me intently as if he is reading my mind.
Tila ba nakuryenteng nag-iwas ako ng tingin. "I-I can't sleep!" depensa ko.
Nang binalik ko ang mata sa kanya hindi ko napigilang mapasinghap. He painted a mesmerizing smile on his lips. Bahagya pang sumilip ang makinang niyang braces. It gives shivers in the depths of my being for God's sake.
"Bakit naman hindi ka makatulog? Did the kiss we shared last time made you restless?"
Isang mahinang tawa ang pinakawala ko. "No!" Umirap na tanggi ko. "Bakit naman ako mababagabag sa halik mo? I kissed lots of boys and seems nothing... including you!" sabi ko na diniinan ang huling kataga.
"Oh," he sounds disappointed. "Then, what makes you uneasy then?" Umayos siya ng upo.
"It's personal!"
Umungol at tumayo siya. "Okay, ibibili kita pero bayaran mo. I do a part time job not to buy beer for you."
Napangiti ako sa narinig. Dinukot ko ang maliit na wallet akma akong kukuha ng cash nang muli siyang nagsalita.
"Pay me later."
Iniwan niya ako na nakabitin ang kamay ko sa ere. Naiiling na sinundan ko ng tingin ang lalaki.
Bumalik siya na dala ang iilang can ng beer. Pinagbuksan niya ako ng isa saka muling na-upo sa kabilang upuan.
"Thank you."
"No problem."
"Anyway, I am sorry about earlier-"
"Earlier?"
"P.E class?" Ang tinutukoy ko ang nangyari kanina. Ang parusa na natanggap nito mula kay Mr. Maligon.
"Ah wala 'yon. Ginawa ko lang ang dapat. You're showing too much skin."
Tumaas ang kilay sa narinig. Hindi nito pinahiram sa akin ang t-shirt upang makaiwas ako sa parusa-but to cover my skin? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sandaling ito. Isa lang ang sigurado ako, tila hinaplos ang puso ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon-"
"Ayokong makakita ng babaeng nababastos at pinagpipistahan ng mga lalaki."
Napatikom ko ang labi. Most boys that I have been with, ay sila pa mismo ang magkusa at gustong hubaran ako. They wanted to see me naked but this guy beside me is something.
Isang malutong na tawa ang pinakawala ko. "You know what, Mr. President you're such a weirdo!" pasaring ko upang ikubli ang katuwaan ng puso ko.
"Why?" Inosenteng binalingan niya ako.
"Halos lahat ng lalaki ay gusto akong hubaran. They want me in their bed and here you are-"
"So, you found me a weirdo because I don't want to see you naked, gano'n ba?"
"Oo-"
"Women should be respected, Miss Ramirez."
"You know, Mr. President sa simula ay ayoko sa'yo pero now-parang gusto na kita."
"What do you mean, gusto?" Napabaling niya ang mata sa direksiyon ko.
"Not something na gusto kitang maging boyfriend. Your personality is somewhat likable," pagtatama ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Kumuha na rin siya ng beer at uminom ng kusa. We talked casually. Talk non-sense and laugh about it.
We stayed for a few hours. Sa loob ng maiksing oras na 'yon hindi ko namamalayan na naging komportable ako sa presensiya niya. Nakikita ko ang ibang katauhan ng lalaki. He isn't a weird nerdy but he a cool guy.
May maliit na ngiting tinungga nang tinungga ko ang beer. Hindi ko namamalayan na naparami ang alcohol na nainom ko't dalawang cool nerd na ang nakikita ko sa harapan.
"M-Mr. President," hindi sinasadyang naging malambing ang boses ko, siguro'y dala ng alak na nainom ko. Nginitian ko siya ng sobrang lapad.
Nilingon n'ya ako. His eyes were on my smiling lips. "Yes, Miss Ramirez?" He gulped.
"It's Violet, Mr. President," pagtatama ko.
"Y-Yes, Violet?"
"I see two of you now, Mr. President!" I drunkenly mumbled.
"You're drunk-"
"Hindi ako l-lasing, naka-inom lang," tanggi ko na nginitian na naman siya. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang ngiti at kusa iyong gumuhit sa aking labi. "H-Hindi ako lasing ano ka ba?" Napasinok ako.
Sinulyapan ni Henrick ang relo sa braso. "Alas tres na ng madaling araw, Violet."
"Is it?" Napanguso ako.
"I think kailangan na nating umuwi. May pasok pa tayo bukas."
"Okay!" Tumayo ako ng tuwid. Walang lingun-lingon na naglakad ako patungo sa nakaparada ko na kotse ngunit tila ba bawat hampas ng hangin ay sumusunod ang katawan ko. I am totally drunk!
Bago ko pa muling maihakbang ang paa ay hindi ko na kaya't akma akong matutumba. Mariin ko na naipikit ang aking mga mata. And when I opened my eyes, I found myself in Henrick's arms. Dama ko ang bisig niyang nakasuporta sa katawan ko. Mainit iyon na kahit lasing ako dama ko na parang may hatid iyong init sa kaibuturan ko.
"Where is your car key?" kampanteng tanong niya na inalalayan akong makatayong muli.
Isang lasing na sinok ang kumawala sa aking labi. Ngumiti akong nakatitig sa kanya. "I never thought you're this sturdy, Mr. President."
"I repeat, where is your car key, Violet?" madiin na tanong niya na hindi binigyang diin ang sinabi ko.
"Inside my pocket!"
"Give it to me, I will drive you home!"
"But-"
"You're drunk, Violet. Now, give me the key."
"S-Sure." Lasing na umayos ako ng tayo. Kinapa ko sa suot ko na maiksing maong short. Nahihirapan ako't medyo fit. Ibig nang lumaylay ang talukap ko. Kinapa ko pero hindi ko mahanap ang b****a ng bulsa ng short ko.
I heard him hiss. Namalayan ko na lang na kusa niyang sinilid ang daliri sa bulsa ko. Naglulumikot iyon sa gawing singit ko tuloy hindi ko napigilan ang mahinang hagikgik. "Mr. President, nakikiliti ako," maarteng ko na turan na tiningala siya. Tila gumagwapo ang lalaki sa lasing kong mga mata.
Umungol siya na kinapa pa. "I found it! Now, tell me your address so I can send you home safely." Umayos siya ng tayo na nanatiling nakasuporta ang kabilang palad niya sa beywang ko. I don't have much strength to stand still.
"Mr. President?" I looked at him intently. However, due to the alcohol, I'm about to lose my balance again.
Henrick automatically pulled me closer. I can smell his hypnotizing scent sticking to my senses. Dala ng kalasingan hindi ko mapigilan ang sarili. Tumingkayad ako upang ibulong sa kanya ang address.
"Okay, let's go."
Namalayan ko na lang na umangat na ang paa ko sa ere. Pinasan ako ng lalaki na tila isang sakong bigas. Binuksan niya ang pinto at pinapaupo ako sa upuan. He leaned and reached the seatbelt, fenced my waist. Nang akma siyang tatayo ay inabot ko ang collar sa suot niyang polo.
"V-Violet?" nagtatanong na titig ang pinukol niya sa akin.
Kusa ko na tinanggal ang suot niyang salamin sa mata. Mula sa maliit na tanglaw sa loob ng sasakyan ay nakita ko kung gaano kapungay iyon. Mata na nakakaakit.
"Your eyes are tantalizing, Mr. President."
"Violet!"
"I want to see your beautiful eyes... to look at you this close-"
"Stop seducing me, Violet!" paanas niyang saway.
"I am not-"
"But you sound sexy." He reached some strands of my hair.
"Do you want to kiss me, again?" usal ko na nakatitig sa mga labi niyang nakaawang. Hindi ko mapigilang mapalunok. He is so tempting.
"V-Violet, you are drunk!" His deep voice echoed to my senses. Ang mata niya ay naglakbay sa kabuuan ng mukha ko't huminto sa nakaawang ko na labi.
"I am not drunk! Nakikita ko kung gaano ka kagwapo, Henrick." Inabot ko ang pag-ibabang labi niya. I teased his wet sexy lips.
"Violet!"
"Kiss me, Henrick. I want you to kiss me, again-"
Hindi ko na natapos ang pangungusap at kusa nang sinalakay ni Henrick ang labi ko. Mapusok at mapanghanap. Sinibasib niya na tila ba walang nang bukas. Sapilitang naghahanap ng entrada ang kanyang dila sa bibig ko. Tanging mahinang ungol ang kumawala sa lalamunan ko habang malayang tinanggap at sinuklian ko ang mapusok niyang halik.
I tightened my grip on his shirt. It seems my knees got numb upon savoring Henrick's kisses.
Who would have thought a nerd like him is such a good kisser? Oh God, I am in trouble! Really trouble! One more move and I will lose.
***
Violet ang harot mo, for today's chapter.