Are You Alright?

1364 Words
"You should act as a model, Mr. Russell?" pangaral ni Mr. Maligon nang dumating si Henrick sa P.E class na nakasuot lang ng simpleng puting t-shirt. "Hinirang ka pa naman na pinakamatalino sa klase at ikaw pa ang class president. Ngayon ikaw pa ang pasimuno at hindi sumunod sa patakaran! Give me a hundred push-ups!" Madiin akong napakagat labi. Kung hindi sa akin hindi mapaparusahan si Henrick. Tahimik lang itong sumunod sa utos ng guro. Nag-push-up sa isang sulok ng gym. "Ano ba kasi ang nangyari?" pabulong na tanong ni Mia. "Di ba magkasabay kayong dumating kanina?" "Malay ko." Nakanguso na nakatuon ang aking mata kay Henrick na nagpu-push up. His veins surge as he bends his arms. He isn't really lampa. In fact, normal ang pangangatawan ng lalaki. Hindi gaya ng mga nasa movie na pino-portray nila na nerd. "H'wag kang magsisinungaling, beh. Ang laki ng apelyidong Russell sa likod mo!" Patuloy pa rin ni Mia na bumulong. "Malilintikan ka talaga kay Dinah, kapag napansin iyang t-shirt na suot mo—" hindi na natapos ni Mia ang sasabihin nang magsalita si Dinah sa likuran namin. "Now, anong nangyari? Sabihin mo, Violet you owe an explaination!" Nakatuon ang mata ni Dinah sa apelyido ni Henrick sa likod ng t-shirt na suot ko. Isang pekeng ngiti ang ginuhit ko sa labi. Napabuntong hininga ako. "Pinahiram niya sa'kin-" "At bakit?" Pinandilatan ako ni Dinah. "Naiwan ko ang akin sa bahay. Sinaway niya ako't pinahiram na lang niya sa 'kin 'tong t-shirt niya," kuwento ko sa mga kaibigan. "Iyon lang ba talaga? Wala nang iba?" May pagdududa ang titig ang binato ni Dinah sa akin. "What else could it be, Dinah? My God, he isn't my type TBH! Nagmamagandang loob lang iyong nerd mong crush!" Pinandilatan ko siya. Napangiti si Dinah na tila lumutang sa alapaap. "He is so kind," hiyaw pa niya na tinapunan ng malagkit na tingin ang Student Council President na pawis na pawis. Katatapos lang ng punishments. "Buy him a drinks, Dinah," mungkahi ni Mia kay Dinah. "Oh, that's a good idea, beh." Daling tumalima ni Dinah. Sinamahan namin ang babae sa vending machine upang bumili ng maiinom. Subalit pagbalik namin ay wala na roon si Henrick. Ang mga kaklase na lang naming iba na naglalaro ng ball game. Wala na rin si Mr. Maligon. "Ano ba 'yan di man lang ako pinagpawisan," reklamo ni Mia nang wala kaming napala sa P.E class. Inuna ni Mr. Maligon ang activities ng boys at naubusan na kami ng oras. "Sa 'yo na nga 'yan." Padabog na binigay ni Dinah sa akin ang orange juice na binili namin kanina na para sana sa crush niya. *** "Nana, matutuyo po ba 'to ngayon din?" Nakatuon ang mata ko sa P.E tshirt na nasa loob ng dryer. "Bakit ba atat na atat ka?" "Eh, kailangan ko po iyang isauli mamaya." "Di ba pwedeng bukas na lang?" Natahimik ako sa pahayag ni nana. Kung tutuusin pwede ko naman talaga isauli ang tshirt bukas. "No, ngayon ko na 'yan isasauli at gagamitin 'yan ng may-ari bukas," dahilan ko. "Kuring, tuyuin mo 'yan at plantsahin mo pagkatapos at isasauli iyan mamaya ni Violet," utos ni nana sa isa sa kasambahay namin. "Opo, madam." Tumalikod na si nana ngunit pinili ko na magpa-iwan sa laundry room. "Seniorita, ako na po bahala rito, ihahatid ko na lang sa silid kapag natapos ko na." "Hindi ba 'yan tutuyo agad, Kuring? Ihahatid ko pa kasi 'yan—" "Saglit lang po 'to." "Hihintayin ko na lang." "Sige po, seniorita," sumusukong hinayaan na lang ako ni Kuring na naka-upo sa isang sulok habang hinihintay siyang matapos. Makalipas ang isang oras at kalahati ay natuyo na rin ang tshirt. Suot ang simpleng pink na oversize jacket at maiksing maong short ay kumaripas na ako papalabas ng bahay dala ang tote bag na may lamang P.E tshirt. Narating ko ang convenience station. Nagbabakasakaling makikita ko muli sa Henrick doon. Kailangan na maisauli ko ang tshirt. Mas nakakabuti na kami lang ang nakaka-alam. Lumipas ang isa't kalahating oras ay wala akong nakitang Henrick sa tindahan. Naglakas loob akong magtanong sa cashier sa loob ngunit iling lang ang nakuha ko na sagot. Laglag balikat na tinungo ko na lang ang nakaparada ko na kotse sa di-kalayuan. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang may naulingigan akong ugong ng motorsiklo. Sabik na nilingon ko ang pinanggalingan niyon ngunit hindi pala ang taong inaasahan ko ang dumating. Umuwi na lang ako na hindi naibalik ang tshirt kay Henrick. *** "Aalis ka na naman, Emmanuel?" "You don't have to ask, Rowena!" bulyaw ni daddy kay mommy. Narinig ko na naman ang magulang ko na nagsagutan. "We've been living together for almost sixteen years, Emmanuel sana naman pahalagahan mo iyon!" "Hindi kita mahal, Rowena! Sa loob ng labing anim taon na iyon kahit kailan hindi kita minahal!" Mariin kong napatikom ang labi sa narinig mula sa nakaawang ng pinto ng study room ni daddy. "At kahit kailan hindi kita mamahalin!" dadag pa ni daddy na mas lalong kinabalong ng luha ko. "Ang pamilya mo lang naman ang gusto at pinagpilitan ka nila sa'kin!" "E-Emmanuel!" Gumaralgal ang boses ni mommy Rowena. "Sa simula pa lang, sana marunong kang lumugar, Rowena! Akala mo naman tunay kitang asawa, sa papel lang kita asawa! Ang pagbawalan akong umalis ay hindi mo na dapat pakialaman pa." "Minahal kita, Emmanuel. Pumayag ako sa kasal dahil minahal kita pero hindi ko akalain na magiging impyerno ang buhay ko dahil lang sa pinanghahawakan kong pagmamahal! Paano na si Violet ang anak natin." "Hindi ko hiningi sa'yo na bigyan ako ng anak! In fact, pinikot mo 'ko, Rowena! Dapat nga magpasalamat ka at naging responsable ako sa financial." Tumayo si daddy. Padabog niyang kinuha ang coat na nakasabit sa hanging rack. Lumabas na iniwan si mommy. Napaatras ako nang bumungad si daddy sa harap ko. Tinititigan niya ako na walang bakas na emosyon. "Daddy!" mahina ngunit alam ko narinig niya iyon. "You heard everything, Violet! Hindi ko na kailangan pang sabihin sayo!" Deritso siyang tumalikod na hindi man lang ako pinapagsalita. Maingat ko na tinulak ang pinto at pumasok sa loob ng silid. "Mommy?" Dali na nagpunas si mommy ng kanyang namamasang pisngi. "Do you want something? May gusto ka bang bilhin?" Yumuko siya kunwa'y hinalungkat ang mamahaling purse. "Here." Nilahad niya sa akin ang kanyang card. "Bring either Dinah or Mia to buy some clothes. Anything na gusto n'yo. " "Mommy—" "Hurry." Sapilitang inabot niya sa akin ang card. Nilampasan niya ako pagkatapos. "Violet?" Huminto si mommy sa kanyang hakbang. "Po." "I'll be away for a week. Ayokong makarinig mula kay Koretta ng mga hindi magandang balita," paalala niya saka tinapunan ako ng malamig na titig. Tumalikod si mommy na hindi na ako binalingan. Nakatayo lang ako roon. Nakatitig sa hawak kong card. What's the point of having everything? Ni simpleng ngiti di nila maibigay sa akin. Ni simpleng kumusta kung okey lang ba ako, hindi nila matanong. "Kumusta ka na, Violet?" mahinang tanong ko sa sarili saka ko tinapik ang sariling balikat. "Okay lang, kaya ko pa naman," sinagot ko ang sariling tanong. Tuluyan ko na pinakawala ang mga luha na kanina pa nagbabantang tumakas. I just need someone to ask me if I am alright. Kung nakakain ba ako sa tamang oras. Kung nakakuha ba ako ng perfect score sa pasulit. Maliit na bagay lang naman ang hinihingi ko pero bakit ang hirap makuha? Sobrang lapit lang nila pero bakit ang hirap nilang abutin? Natagpuan ko na lang ang sarili sa convenience station. Pinapalipas ko na lang oras doon na nakamasid sa mga sasakyan na dumadaan. Hindi ko inintindi ang cellphone na kanina pa tumutunog. Kanina pa tawag nang tawag si nana. Blangkong nakatitig lang ako sa madilim na kawalan. Nasa ganoong punto ako nang pinukaw ang aking diwa sa langitngit ng metal na silya. Nang inangat ko ang mata tumambad sa aking paningin si Henrick Russell. "Are you alright?" Pagkadinig ko sa tanong niya hindi ko namamalayan at kusang tumakas ang aking luha sa mga mata. Bakit sa ibang tao ko pa marinig ang tanong na kailanman ay gustong gusto kong marinig mula sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD