KindHearted

2055 Words
Pagkababa ko pa lang sa kotse ay sinalubong agad ako nina Mia at Dinah. "Beh, sorry hindi kita nasamahan kagabi. Si mommy kasi, ayaw akong payagan," nakanguso si Dinah na sinundan ako ng tingin. "Ako rin, hayaan mo sa weekend gala tayo... ay no hindi pwede!" daling bawi ni Mia. "May date ka pala," bakas sa tinig ni Mia ang pagkadismaya. "Anong date, it isn't a date, Mia. Paghihigante ang layunin natin sa Sabado!" Pagtatama ni Dinah. Nagkibit balikat lang si Mia. "Tayo na baka malate pa tayo." Nag-iwas agad ng paksa na nauna nang humakbang. Tahimik lang akong sumunod kay Mia ngunit tila ba napako si Dinah sa kinatatayuan nang may ugong ng motorsiklo sa likuran. Paglingun ko nahuli ko ang kaibigan na sinusundan ng tingin ang kararating lang na si Henrick Russell na nakasampa sa mamahalin nitong motorsiklo. Nanatili ang mga mata ni Dinah sa binatilyo na may ngiti sa labi. She's head over heels for the Nerd Student Council President. "Dinah, halika na ano bang hinihintay mo?" Nilingon kami ni Mia. Gaya ko'y nahuli niya si Dinah na tulo laway na sinundan ang lalaki. "Dinah?" "Sandali lang, beh." Nagpaypay si Dinah ng sariling palad at tila pinagpawisan ng malagkit. Hindi nito nilubayan ng titig ang Student Council President. Gaya ni Dinah ay tila estatwang nakatingin lang ako sa lalaki mula sa di-kalayuan habang ito ay bumaba sa pagkakasampa sa motorsiklo. Sadyang dinama ko ng dila ang pang-ibaba kong labi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. It still gives chills into my being. f**k! A nerd boy made me uneasy for just a single f*****g kiss. Sa inaasahan ay nagtama ang aming paningin subalit isang malamig na titig lang ang pinukol nito sa'kin. And what do you expect, Violet? Napangiti ako ng mapakla. Hindi ako makapaniwala sa nasa isip ko. He is a nerd and not really my type! Yes! Absolutely! "Dinah, halika na!" Binalikan ni Mia si Dinah at ininunat ang braso ngunit tila ba nabingi ang babae. Naninigas lang itong sinundan pa rin ng tingin si Henrick na buong kompiyansang nagmartsa hanggang sa tumapat nga ito sa amin. "Good morning, Mr. President," bati ni Dinah na may kasamang maarteng paghawi ng ilang hibla ng buhok. Tumango lang ang lalaki at nilampasan kami. Sinundan lang namin ito ng tingin hanggang iyon ay lumihis sa isang kanto at nagtungo sa Student Council Room. "Bakit ba patay na patay ka kay Henrick, Dinah? Ang weird kaya noon," tanong ni Mia na nagsimula nang humakbang. "Ewan ko, basta may something sa kanya. Tuwing dumaan kasi ay kumakabog ang puso ko, beh." Tumaas ang boses ni Dinah dahil sa kilig. Pinili ko na lang na tumahimik at sumunod sa kanila na nagsimula nang humakbang. "Tanga mo, eh hindi naman 'yon kagwapohan. Ang laki nga ng salamin sa mata! At puno ng braces ang ipin!" Nakanguso ang labi ni Mia sa mga negatibo niyang komento. "Ah, basta sa likod ng salamin iyon. Nakikita ko ang isang makisig at gwapong lalaki." Dinah exaggeratedly exclaim. "Yuck," maarteng bulyaw ni Mia. "Napa-isip ako. Paano kung magkiss kayo, sakali lang 'to, ha. Magkiss kayo ta's di ba may braces ka rin?" Inihilig ni Mia ang ulo upang makita ang ngipin ni Dinah. May braces si Dinah clear braces nga lang hindi masyadong halata. "For the ferson, it's really giving a fencing clash vibes , beh!" eksaheradang tukso ni Mia na halos ikinatili ni Dinah. "Hindi naman siguro ganoon, Mia. Di ba nakausli naman ang labi kapag naghahalikan?" depensa ni Dinah. "Naka-usli nga pero kainan pa rin, beh. Ito talaga halatang wala pang first kiss!" "Ayy, nagsalita ang expert. Oo na ikaw na magaling, beh. Grabeh ka na, sobrang info dumping ka na, Mia. Pinahalata mo na sa mga readers, beh. Kulang na lang ipagsigawan mo na virgin pa akesh." "Eh, totoo naman di ba? Hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend?" "Ayy, grabe ang ferson. Kulang na lang halughugin muna pati mga ancestor ko, Mia." Umirap si Dinah. "Nakakamove on ka na kay Dylan at tinukso mo na ako." "Okay na ako pero slight lang." "Talaga ba? Umungol lang si Mia bilang puna kay Dinah. Tahimik lang akong nakasunod sa dalawa na nag-uusap pa rin. Hindi ko alam pero naging abala ang mata ko at tila may hinahanap. Hanggang sa dumapo iyon sa kabilang ibayo. Nakita ko si Henrick na kalalabas lang mula sa Student council room na may dalang mga folder. Lutang na nakasunod tanaw lang ako dito nang pinukaw ni Mia ang diwa ko. "Violet, have you ever kissed someone with braces?" Mia asked out of nowhere. Dahil nga wala sa mga kaibigan nakasentro ang aking diwa sinagot ko ng oo. Halos magsabay na tumili ang dalawa. "Really?" "Yes, I did!" "OMG, really?" hindi makapaniwalang tanong ulit ng dalawa. "Yeah—wait? What?" puna ko nang matauhan. "Ano nga uli ang tanong n'yo?" "Nahahalikan ka ba ng may braces?" Makahalong tukso at sabik ang bumakas sa boses ni Mia. Tumango tango si Dinah at kapwa sila huminto sa paghakbang at humarap sa'kin. "W-Wala pa," nabubulol na tanggi ko na bahagya pang pinamulahan. Nakatuon ang mata ko kay Henrick na walang kamalay- malay na naglalakad sa unahan patungo sa aming classroom. "Sure? Eh, bakit ka nagba-blush? Kilala kita, beh. Hindi ka nagba-blush kahit sobrang gwapo na ang nasa harap mo," pasaring ni Dinah na halatang hindi naniniwala. "May nakahalik na sa'yo na may braces, sigurado ako riyan!" "Oo na, tara na nga!" Sumusukong nauna na akong humakbang. "Di nga?" Hinabol ako ng dalawa. "Sure? Kailan?" Pangungulit si Mia. "Wala kang nasabi sa'min, Violet!" "I am not oblinged to tell you everything, guys." Nilakihan ko pa ang hakbang at nilampasan ang dalawa ngunit hindi ako tinigilan. "Di nga? Kailan?" Inabot ni Dinah ang braso at kinawit sa akin. Sumunod si Mia sa kabila. Puno ng intrigue ang mga tingin na pinukol sa akin. "Ito naman, parang di kaibigan...spill the tea, beh!" Pagpumilit ni Dihah. "Kailan ka nahalikan ng may braces, sabihin mo na dali!" "Last night," malamig ko na sagot nagtuloy-tuloy na pumasok sa classroom. Napalunok ako nang tumama ang mata ko kay Henrick na naka-upo sa isang sulok. Nakatuon ang mata nito sa pang-umagang kalangitan sa labas ng french window. "As in kagabi?" Umungol akong umupo at nilapag ang LV Ebene Monogram Montsouris PM backpack sa ibabaw ng aking desk. Sumunod ang dalawa na na-upo sa kabilang upuan. "Sino? Kilala namin?" segunda ni Dinah na humarap sa direksyon ko nang maiayos ang gamit. "Just random guy." Kunwa'y hindi interesado. Dinukot ko ang maliit na press powder sa bag at sinuri ang aking magandang mukha. "Random guy? I know you, hindi ka basta-basta pumapatol kapag hindi mo kilala. Sabihin mo sa'min sino kasama mo kagabi, kilala ba namin?" "Somehow." "Sino? OMG, mababaliw ako kapag di mo sinabi. Kaklase natin?" Hininaan ni Mia ang boses. "Teka nga, sino naman ang may braces dito?" Tumama ang mata ni Dinah sa Student Council President ta's nagkibit-balikat pagkatapos. " I hope hindi si Mr. President." Ibig kong masamid sa sinabi ni Dinah. "Si Mr. President? Siya lang naman ang may braces dito maliban sa'yo, Dinah." segunda ni Mia. "Why would I let that f*****g weirdo kiss me, for God sake, Mia?" Umirap ako ngunit nagtama ang mata namin ni Henrick na halos ikinaangat ng pang-upo ko sa silya. Dali ako nagbawi at tinuon ang mata sa maliit na salamin. "OMG, binigyan mo ako ng saglit na heart attack dun, beh akala ko talaga si Mr. President? Ikamamatay ko talaga, beh!" Tila nabunutan ng tinik si Dinah. "Oh well, may point ka naman, alam kong malandi ka pero pihikan ka naman." "True, true," sang-ayon agad ni Dinah. Nasa ganoong tagpo kami nang maghiyawan ang mga kaklase namin. Dumaan si Dylan sa labas ng aming silid-aralan. Tumahimik si Mia na kamo'y nags-scan scan ng aklat. "H'wag papaapekto, beh marami pang lalaki sa mundo. At saka ipaghihigante ka ni Violet, di ba Violet?" bulong ni Dinah kay Mia. Nagkibit balikat lang ako. Ngunit mas lalong naghiyawan ang mga classmate namin nang huminto si Dylan sa tapat ng pinto at sumilip sa loob. Tumama ang mata niya sa direksiyon ko. "Hi there, Violet!" Malapad ang ngiti ng lalaki sa labi. "Saturday at eight in the evening, right?" Isang pekeng ngiti ang pinakawala ko na tumango lang. Lahat ng mga mata ay nasa sa akin at nakarinig na naman ako ng panghuhusga. "Wala talagang pinipili, pati ex-boyfriend ng kaibigan pinatulan pa," pabulong pa na sabi ng isang classmate namin. Hindi ko na lang pinansin ang narinig. As if makakatulong sa buhay ko. *** "Bilisan mo riyan." Tinali ni Dinah ang mahabang buhok. Suot ang aming P.E uniform. "Mapapagalitan na naman tayo ni Sir Maligon nito, beh." Sinara niya ang locker. "Oo na." "Mauuna na ako, beh. Kanina pa nandoon si Mia!" Tumakbo na tumalikod si Dinah na hindi na ako binalingan. Kampanteng binuksan ko ang locker upang kuhanin ko na sana ang P.E t-shirt at pants pero talagang minalas at naiwan ko pala ang t-shirt. Pants lang ang laman ng tote bag. Siguradong sangdamakmak na sit on the air ang gagawin ko mamaya. Hinubad ko na lang ang pang-itaas na uniform. Ang puting crop bodycon tube top ko na lang ang sinuot ko pares ang P.E pants. Papalabas ako ng changing room nang may nagsalita sa likuran ko. "Wearing that isn't a good idea, Miss Ramirez," bungad ni Henrick. Ang kanyang mga mata ang nakatuon sa aking puting pang-itaas na hanggang ibaba ng aking dibdib at kita ang pusod. Inirapan ko lang siya. Nagtuloy-tuloy sana ako ng hakbang nang maghubad ito bigla ng pang-itaas sa harap ko. "W-what are you doing, Mr. President?" Tila nilipad ang katinuan ko sa sobrang gulat. Tumama ang mata ko sa abdominal muscles niya. Hindi ko lubos maisip na may magandang pangangatawan ang wierdo na lalaki. He has abs for goodness sake! Umayos siya nang tayo nang mahubad niya ng tuluyan ang t-shirt. "Wear this instead," inabot niya sa 'kin ang t-shirt. "Ewww yuck, who are you to tell me that—" "Being a Student Council President, I won't allow you to attend our P.E. class wearing that tiny piece of s**t! Very inappropriate, Miss Ramirez!" Nanibughong napabuntong hininga ako. "Oh, sure!" Hindi ako nakatanggi at kinuha ko na lang ang t-shirt. "How about you? Anong ang isusuot mo ngayon?" "May extra ako sa locker." "Okay, then." Hindi alintana ay dali ko iyong pinaibabaw sa suot ko na tube top. In fairness mabango. Tumalikod ako na hindi man lang nagpaalam sa lalaki. Malalaki ang aking hakbang na tinungo ang gym ngunit bago ko pa marating iyon ay may humablot sa aking braso at dinala ako sa isang kanto ng pasilyo. Bumungad sa mata ko si Noah. "Ano ba, Noah?" "Let's go back together, Violet!" Pwersahang diniin niya ako sa pader. He leaned closer. "Ano ba, Noah ang hirap mo namang paintindihin! Ayoko na!" Buong pwersang tinulak ko siya. Dali akong umatras para makalayo sa lalaki. "Tapos na tayo, okay?" "Violet, please!" Akma niya akong lapitan. Umatras ako at tumakbo papalabas ng pasilyo subalit hinabol at naabotan ako ng lalaki. Deritsong dinakma uli ang braso ko. "Violet—" nabitin ni Noah ang sasabihin nang dumating si Henrick. "What are you staring at, weirdo?" He glared at Henrick. Pasimpleng binawi ko ang braso ngunit hinigpitan pa lalo ni Noah ang pagkakahawak sa akin. Sa halip na pagtuonan ni Henrick si Noah ay sa braso ko na hawak ni Noah nakatuon ang kanyang mga mata. "Miss Ramirez, anong ginagawa mo? Kanina pa nagsisimula ang klase sa P.E." Hinagip niya ang kabila kong braso. "Sabay na tayo." May diin ang pagkakabigkas niya sa mga kataga. Noah hissed as he tightened his grip on my wrist. "Bitawan mo siya, four eyes guy—" "Let go, Noah. Male-late na ako!" putol ko kay Noah. Marahas na binitawan ni Noah ang braso ko na may kasamang mabigat na hininga. "What a weirdo!" He murmured as he walked away. Walang namutawing salita ay kinaladkad ako ni Henrick. Tila naging papel na lang akong nakasunod dito. For the first time, I saw him not as a weirdo but somehow a guy with a kind heart. "Thank you!" mahinang saad ko. Huminto siya sa paghakbang. Maingat niyang binitawan ang braso ko. Natulo-tuloy na siya na hindi na ako tinapunan ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD