A Secret

1445 Words
Namumugto ang mga mata. Matamlay akong bumangon mula sa pagkakasalpak sa malapad na kama. Hinagilap ko ang susi ng aking 718 Cayman. Nagtuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto. Pagkakababa ko ng hagdanan ay sakto rin na papaakyat si Mommy Rowena. Abala sa kapipindot ng kanyang cellphone. "Mommy-" pumiyok at hindi ko na natuloy ang sasabihin nang nilampasan lang niya ako at magderi-deritsong umakyat sa ikatlong palapag ng mansion na tila hindi ako nakikita. Napabuntong hininga na lang na pinagpatuloy ko ang pagbaba ng hagdanan. Hindi ko napansin na kanina pa pala nakatayo si Nana Koretta sa sala. "Nana." Sinalubong ako ni nana saka tinapik ang aking balikat. Ibig umalpas ang aking mga luha pero pinigilan ko. Nagtuloy-tuloy ako sa pandalawahang pinto nang magsalita si nana sa likuran. "Saan ka na naman pupunta, Violet?" Nahihimigan ko ang pag-alala sa tinig ni Nana Koretta. Si nana ay malayong kamag-anak ni mommy na hindi nakapag-asawa. "Magpapahangin lang po ako, nana." Sadyang hindi ko siya binalingan dahil alam ko na hindi ko na mapigilan ang mga luha kapag magtama ang aming mga mata. Madiin ko na tinikom ang labi. "Hayaan mo muna ang mommy at daddy mo, abala lang sila sa trabaho," dahilan ni nana na tuluyang kinabalong ng luha ko. Tumakas ang luha ko na kanina ko pa tinitimpi. Palagi lang ganoon ang dahilan ni nana sa'kin. Hindi ko siya sinagot sa halip pinagpatuloy ko lang ang mga hakbang. "Violet, h'wag masyadong magpapagabi," bilin niya. Tumango lang ako na hindi na binalingan si nana. Ayoko makita niya ang mga nangingislap ko na mga mata. Nilakihan ko ang hakbang hanggang narating ko ang garahe. Pumasok ako sa loob ng kotse saka ko roon malayang pinakawala ang aking mga hikbi at hagulhol. *** "Hindi ako makakasama, mapapagalitan na naman ako ni mommy kapag lumabas pa ako," dahilan ni Dinah sa kabilang linya. "Ako rin, alam mo naman sina mommy sobrang higpit. Sa weekend na lang tayo gagala kapag wala nang pasok," segunda ni Mia sa aming group call. Inaya ko sina Mia at Dinah na magkikita kami pero tinanggihan ako ng dalawa. Matamlay na nilapag ko na lang ang cellphone sa tabi at muling binuhay ang makina ng koste. Kalahating oras na akong pagala-gala sa kalsada. Hindi rin naman pwedeng pupunta ako ng bar na wala ang mga kaibigan ko at siguradong haharangan ako't hindi papasukin. Baybay ang kalye na hindi ko alam kung saan patungo. Hanggang sa nakadama ako ng pagka-uhaw. Naghanap agad akong ng convenience station. Dalidali ko na inusad sa malawak na parking space ang dala na sports car. Sinukbit ko sa ulo ang oversize hoodie ko na kulay itim. Ayoko na may makakilala sa akin. I am wearing a simple shorts and jacket very contrary to what I've wearing everyday. Kampanteng pumasok lang ako sa loob. Kumuha sa chiller ng tubig, nagbayad at tumalikod. Pagkalabas ko ay na-upo ako sa bakanteng silya at tinungga ang mineral bottle nang may namataan akong pamilyar na motorsiklo na nakaparada sa tabi ng Cayman na dala ko. Sinipat ko ang mata sa lugar at nakita ko nga ang hinahanap ng mata ko. Henrick Russell? So, siya ang may-ari ng motorsiklo kanina. Nailing-iling na iniwas ko ang mata sa lalaki na sa sandaling ito ay hindi pa napapansin ang aking presensiya. Ngunit ibig kong batukan ang sarili at natagpuan ko na lang na binalingan muli ang direksiyon nito. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ko ang hitsura ng lalaki. He's taller than an average Senior High students. Nakasuot lang ito ng simpleng t-shirt na kulay abu ngunit bakat doon ang malalapad nitong balikat. Nashort ng kulay puti at simpleng tsinelas pero mamahalin na tsinelas. Tumama ang mata ko sa iilang beer can na nasa mesa nito. Paminsan minsan nitong tinutungga. At mas lalong nagulat ako nang mahagip ng mata ko ang daliri nitong may naka-ipit na sigarilyo. Is our Nerd Student Council President smoking a cigarette? What the! Isang pilyang ngiti ang ginuhit ko sa labi. Tinanggal ko ang hoodie sa ulo. Pasimpleng tumayo ako sa kinauupuan at tinungo ang kinaroroonan ng lalaki. Tumikhim muna ako upang mapansin nito. Sa inaasahan ay nag-angat ito ng tingin. Tinapunan ako nito ng titig ngunit malamig at walang bakas na emosyon. Maagap nitong naikubli ang nagbabagang sigarilyo. "Don't worry your secret is safe with me," dali kong pigil sa kanya. "Would you mind if I sit?" Hindi ito nagsalita at nagkibit balikat lang. The sound of creaking noise echoed as I pulled the chair. I am sitting next to him. Napagitnaan namin ang mesa. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tanging ang mga sasakyan na dumadaan sa lugar ang gumagawa ng ingay sa paligid. Kapwa nakamasid lang kami sa kalsada na gising pa at sobrang abala. "By the way, thank you." Ako ang unang bumasag sa katahimikan. "For what?" Napakalalim ng boses niya na nakakapanayo ng balahibo. Deritso lang ang paningin niya sa harap. "For giving me a ride earlier." Tumango lang siya at muling humithit ng sigarilyo. Ta's kampanteng inabot niya ang isang can ng beer. Nilahad niya sa akin. "You want some?" "Yeah, sure!" Hindi ko tinanggihan at tinanggap ko. Muli na namang tumahimik at walang nagbukas muli ng paksa. Paminsan minsan sinulyapan ko ang kanyang hitsura. Maayos ang kanyang buhok. Makinis din ang kanyang balat na halatang kutis mayaman. Suot pa rin nito ang malaking salamin sa mata. Ngayon ko lang ito natitigan ng malapitan. Matangos pala ang ilong niya. Speaking of his family background, I don't have any idea. Since grade 7 ko lang ito unang nakita at hindi ko binigyang pansin. He is always on the top list. He is a smart but weirdo. "Paano ka nakabili ng beer—" I paused when I realized. Hindi ito halatang minor de edad. Matangkad ang lalaki. Tarantang binuksan ko ang lata ng beer at nilagok iyon. Hindi ko alam pero nakadama ako ng tensyon. Inubos ko ang beer at hindi nag-iisip na may dala akong kotse. "Gusto mo pa?" Kinuha nito ang isa pa binuksan at nilahad sa harapan ko. Tinanggap ko uli at tinungga. At dahil sa beer ay tila uminit na ang tainga ko. Hindi ko na namamalayan at tinititigan ko na ang lalaki. Bawat galaw niya ay sinusundan ng mga mata ko. Ang kanyang adams apple ay gumagalaw sa tuwing tinutungga nito ang lata at napapalunok din ako. His disgusting braces slightly peeked. It was really disgusting but not until now, it was so pleasing to look at. What am I thinking? Natamaan na ata ako ng alak. Tinungga kong muli ang beer. "How does it feel to be kissed by someone with braces?" hindi nag-iisip na tanong ko. Napadiin ko ang kagat sa pang-ibabang labi nang mapagtanto ko ang sinabi ngunit huli na't narinig na niya. Isang mahinang tawa ang pinakawala ni Henrick. Tawa na nakakabaliw ng katinuan. "Do you wanna try?" Nanghahamon ang tuno ng boses niya. Napalunok ako ngunit nanaig pa rin ang kuryusidad ko. "Sure." Bahagya siyang natigilan sa sagot ko. Nagpinta siya ng malapad na ngiti sa labi. I am not gonna lie behind those glasses is a cute boy. Bigla siyang tumayo na ikinawindang ng katinuan ko. Hindi ko alam sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng nerbiyos sa harap ng isang lalaki at sa weirdo pa. Tinawid niya ang distansiya namin. Yumuko siya't pinagpahinga ang kapwa palad sa arm rest na inuupuan ko na silya. He cornered me. Hindi nakaligtas sa pang-amoy ko ang mamahalin niyang perfume na magkahalo sa amoy ng sigarilyo. Ang hindi ko maintindihan ay tila nahihipnotismo ako sa amoy niya. He looks at me with a naughty smile on his lips. "W-What are you doing?" Damn, his naughty smile made me stammer. "I thought, you wanna feel a kiss from someone with braces?" His warm breath landed on my cheeks. Sobrang lapit niya na gusto ko na lang ayaw huminga. My mental state is unstable right now due to Henrick Russell. Nerd Student Council President. Akma siyang tatayo nang walang narinig mula sa akin. Ngunit dali kong inabot ang suot niyang t-shirt. "Then, kiss me!" mahina ko na utos. Walang kisap mata'y nadama ko ang mainit niyang palad na dumapo sa batok ko. He reached and claimed my lips in an instant. It wasn't just a kiss, but it was torrid and steamy and made my knees weak and tremble for the first time. As he withdrew from the kiss, he looked at me and smiled. "Let's keep it a secret." Naiwan akong nakatulala na sinundan ng tingin ang lalaki na sumampa sa motorsiklo at lumisan. **** Unya lami ang kiss, Violet? **** A little slow pacing ang kwento.. but hope may magbabasa pa rin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD