Sacrifice? Perhaps

1468 Words
Kabababa ko pa lang ng kotse nang bumungad sa akin ang ilang mga estudyante. Mukhang napaaga ang dating ko't hindi ko pa namataan ang mga kaibigan ko. I have dark circles under my eyes from not sleeping enough—that f*****g Henrick was the reason why. "Who is that?" gulat na turan ng estudyanteng babae. Nakatuon ang mga mata nito sa isang estudyante na kararating lang din. Napasunod ko ang mga mata kung sino ang tinutukoy ng babae. Binaba ko bahagya ang signature sunglasses na suot ko. My eyes narrowed. Lihim akong napasinghap habang tinututukan ko ang tinutukoy nito. Inis na hinubad ko ang salamin. Kontra gustong sinilid ko iyon sa bag. "Let me think," segunda naman ng isa ta's mayamaya ay napasinghap ito nang tuluyang makilala kung sino. "Could it be the weirdo student council president Henrick Russell?" mahinang bulong nito sa kasama na siniko pa ang tagiliran. "Is he? How is it possible? Did the ugly frog turn into a handsome prince?" Eksaherada at maarteng sabi ng babae na kinangiwi ng labi ko. Matalas ko na binato ng tingin ang kinaroroonan ni Hernick. Ang puta ay kampanteng bumaba sa motorsiklo na tila isang modelo. His handsome features are quite noticeable to the young women on campus, especially since he's not wearing his old-school glasses for the first time. "OMG! Surprisingly, someone perceived as a nerd can also be considered attractive," bulalas pa ng isa na hindi maialis ang tingin kay Henrick. "Behind those old-fashioned glasses lies a devastatingly gorgeous presence—it is giving, girls." "It is really giving," dagdag pa ng isa na tila nakalutang sa ulap. "Idagdag natin sa listahan, girl!" suhestiyon pa ng isa. Napairap ako sa narinig na hindi sinasadya. Suddenly, I quickened my steps in the direction of where Henrick stood. Hindi ko napansin ang mga mata na nakasunod sa akin. Nanaig ang kagustuhan ko na lapitan ang binata. "Come on, the laspag girl," patutsada ng isa nang tumapat ako sa kanila. Ngumiwi pa ang tatlo na pinasadahan ako ng tingin. Napabuntong hininga ako sa narinig ngunit pinili ko na huwag pansinin at pinagpatuloy ko ang hakbang sa kinaroroonan ni Henrick hanggang sa narating ko iyon. "Hey!" Ngumiti ang lalaki. Lumutang sa paningin ko ang kanyang braces. "Good morning, Miss Ramirez—" Hindi na natuloy ni Henrick ang sasabihin. Naging mabilis ang palad ko na hagipin ang braso niya. Puwersahan ko siyang kinaladkad patungo sa kung saan. Hindi siya kumontra at kusa siyang sumama. "God! Pati ba naman si Henrick?" parinig ng isang estudyante na nadaanan namin. Inirapan ko lang ang babae. Mas lalo ko na kinaladkad ang binata na tila ba nakagawa ng malaking kasalanan. Hanggang narating namin ang tahimik na pasilyo saka ko siya binitawan. Naging mabilis ako na dinukot sa loob ng signature bag ko ang isang bagay. "Isuot mo 'to!" Tumingkayad ako na inabot ang kanyang mukha upang ipasuot sa kanya ng salamin sa mata na sadyang pinaayos ko noong isang araw. Gulat ang rumihestro sa gwapong mukha ng binata. "I wear my contact lenses—" "Shut up! Just wear this f*****g glasses!" Singhal ko na inayos iyon sa kanyang mukha ngunit ibig ko magsisi kung bakit ako pa mismo ang nagsuot niyon sa mga mata niya. Lihim akong napalunok na nakatitig sa kanyang mukha. Nais ko na lang ayaw huminga nang magtama ang aming mga mata. My heart skips a beat, again holyshit! "I can see naman. May suot naman ako na lenses," pilit ng binata ngunit nanatili siyang nakayuko bahagya upang bigyan ako ng daan. Kagat niya ang labi na nakatunghay sa akin ng malapitan. Nabibilang ko bawat pakawala niya ng hininga. "M-maski na, I must shield you from those flirtatious glances out there!" wala sa tamang pag-iisip na mahinang sabi ko. Huli na't narinig na ng binata. Gusto ko na lang maglaho o kaya lamunin ng lupa. "Could you clarify what you're referring to?" Isang pilyong ngiti ang ginuhit ni Henrick sa labi na mataman akong tinititigan. "Do you find me attractive, don't you?" Naging mabilis ang kanang palad ni Henrick na tinukod sa pader dahilan upang mapaatras ako't mapasandal. He pressed me against the wall. "A-ako? Nagagwapohan sa'yo?" Tumawa ako ng pagak upang ikubli ang aking hiya. "Nagpapatawa ka ba! Ang benta ng joke mo, Mr. President!" Nag-iwas akong ng tingin. "You're not really that gwapo, hello!" pagsisinungaling ko. Pinamulahan ako ng tainga. Umungol siya na may tonong nadismaya. Habang mataman ko siyang tinititigan mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Anong nangyari? He isn't the weirdo that I used to see but a gorgeous being! This is bad! "H-Hindi naman sa hindi ka gwapo, it's just that hindi ako sanay na wala kang salamin!" depensa ko. Dinala ko ang daliri sa buhok niya't ginulo baka sakali maibsan pa ang paghanga ko ngunit palpak at tila mas lalo pa itong gumagwapo sa paningin ko. Messy look na nga ba't ang gwapo pa rin! "Pero naga-gwapohan ka sa akin?" singit pa rin niya na bahagyang inihinilig ang mukha papalapit sa akin. Nanunuot sa ilong ko ang kanyang mamahaling pabango. Mariin ko na nakagat ang labi. Umirap ako. Parang gusto ko na paypayan ang sarili biglang uminit ang hangin sa paligid. "W-well," God damn it! Hindi ko na maituwid ang dila ko't nabubulol ako. "Aren't you?" He leaned closer and I could barely breathe. Sasagot na sana ako ng oo nang biglang may tumawag sa akin mula sa kung saang ibayo. "Violet!" Sa sobrang gulat ko'y tila nakuryenteng tinulak ko si Henrick na may kasamang sapak sa dibdib. Kita ko ang pilyong ngiti niya sa labi. Pinandilatan ko siya bago ko hinarap ang panauhin. Nakita ko si Mia na pabaling-baling ang tingin sa amin ni Henrick. "B-Beh, kumusta?" Ngumiti ako ng peke sa kaibigan. Inayos ko agad ang tayo. "Violet, long time no see," turan ni Mia na makahulugang sinundan ng tingin si Henrick na tumalikod. "Teka nga, paki-explain nga ang eksina na naabotan ko, beh?" Bakas sa mukha ni Mia ang naintriga. Isiniksik niya ang sarili sa akin. "W-What?" maang-maangang tanong ko. Nagsimula na akong humakbang na pilit sinabayan ni Mia. "Anong, what? Bakit parang gusto n'yo nang maghahalikan ni Mr. President—" Pinigil ko ng malakas na tawa ang tanong ng kaibigan. "Anong ba 'yan, sinauli ko lang ang salamin niyang nabasag." Ibig ko nang tirisin ang sarili. "Weh? Ba't kailangan gano'n kalapit?" Pangungulit pa rin ni Mia. "Anong lapit? Ang layo namin baka namalikmata ka lang," tanggi ko na nilakihan pa ang hakbang. "Hindi eh, I am sure of it. And that Henrick guy looks at you like no one else is there—" "Mia! Nag-ooverthink ka lang, beh!" "Hindi eh, what if gusto ka ni Mr. President. OMG our Dinah, beh," eksaheradang napa-indak si Mia. Napatiuna ako sa sinabi ni Mia. Isang pilit na ngiti ang pininta ko sa labi. "Paano nga, if gusto ka ni Henrick—" "Hindi ko naman siya gusto," matabang ko na tanggi. "But what I saw earlier seems not—parang isipin ko you're head over heels to that weirdo—" "Tumigil ka na nga!" Nilakihan ko ang hakbang ayoko nang marinig pa ang sinabi ni Mia. "Beh, what if lang kapag nagkataon na ma-inlove ka nga kay Henrick? Itatanggi mo ba ang nararamdaman mo for the sake of Dinah?" "You're thinking too much," hindi ko sinagot ang tanong ni Mia. Iniwas ko ang sarili at hindi siya binigyang diin. Nagtuloy-tuloy na ako sa classroom. Sumusukong sumunod na lang si Mia sa akin na hindi na muling nangungulit. Physical Education nang sumaglit ako patungo sa vending machine nang mag-isa upang bumili ng maiinom. Hindi ko alam kung saan nagsusuot ang dalawa kong kaibigan at biglang nawala sa tabi ko. Napinto ko ang pagdukot ng coins sa bulsa ng P.E uniform ko nang may narinig akong mahinang halakhak. Napangiti ako't halatang si Dinah iyon. Dali-dali akong nagdispense ng tatlong maiinom. Masaya ko na dinampot ang mga iyon. Nasasabik na hinanap ko kung saan nanggagaling ang halakhak ni Dinah. Subalit, napaatras ako't napinto ko ang hakbang. Nakita ko sina Dinah at Henrick na nakakubli sa isang kanto. I can smell the aroma of smoke coming from their direction. Henrick gazes at Dinah, a smile gracing his lips. Kampante nitong hinihithit ang sigarilyong naka-ipit sa daliri. Hinahayaan niya si Dinah na makita siyang naninigarilyo. Henrick revealed his other side to her. When did they become so close? Did I miss something? Napatikom ko ang labi habang nakamasid sa kanila. Bakit parang tinaga ang puso ko sa eksinang naabotan ko? Does this mean I'm falling for him? Biglang naalala ko ang tanong ni Mia sa akin kanina. Paano kung gano'n nga? Paano kung mahal ko na nga siya? Am I prepared to set aside and sacrifice my feelings for the sake of friendship? Perhaps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD