Mula sa mahigit isang oras na paglalakbay ay natagpuan ko ang sariling sumama kay Henrick sa isang makitid at masukal na daan. Baybay ang daan na puro talahib at malalaking puno lamang ang makikita. Mula sa kinatatayuan namin maling galaw lang siguradong sa bangin kami pupulutin. Hindi ko alam kung saang parte ito ng Pilipinas. Langit o impyerno ay wala akong ideya.
"Sa lahat ng pwede nating puntahan ba't dito pa?" reklamo ko na nangangapa. Napakapit ako sa katawan ng mga punong kahoy sa gilid. Kaya pala nang nilisan namin ang bahay ay dinala ako ng binata sa isang department store upang ibili ng walking shoes. Hindi ko naman akalain na sa lugar talaga na pakiramdam ko walang umiiral maliban lang sa mga damo, puno at ibon sa kalikasan.
"Di ba sabi mo dalhin kita sa lugar na walang ibang makakaabot?" Ngumiti siya ng mapanukso. "This place defines it." Nilibot niya ang mata sa paligid. Walang ibang gumagawa ng ingay kundi ang huni ng ibon. Ang kaluskos na sumasayaw na mga dahon na sumasabay sa hampas ng hangin. "Halika na." Nilahad niya ang palad sa harap ko.
Napatiuna ako ng ilang segundo bago ko tinanggap ang palad niya. Muli nakadama na naman ako ng kakaibang pandama na dumaloy sa ugat ko nang maglapat ang palad namin. Napaangat ko ang mata sa mukha niya. Kita ko pa rin ang magandang ngiti niya kahit na ba papalubog na ang araw. The warm, golden sunlight caressed his face, offering a pleasant sight.
"Hindi ko naman sinabing pupunta talaga tayo sa masukal na lugar. It was a metaphorical phrase; you know what I mean."
Mahina siyang natawa. "Halika na, wala ng atrasan pa nandito na tayo. Just a few more steps and you will find yourself in paradise." Inakay niya ako. Nilakihan namin ang hakbang.
"Paradise? Baka hindi na tayo makakauwi ng buhay, baka may obsessed killer dito!"
Isang mahinang tawa muli ang pinakawala ni Henrick na tumigil sa paghakbang. "H'wag kang mag-alala pag-aari ng pamilya ko ang kagubatang ito. Wala tayong dapat ikapangamba. Trust me, Violet." Yumuko siya upang pagkatitigan ako.
And it made my heart race like bullshit! "A-As if I have another choice, I must trust you."
"Good." Muli namin na pinagpatuloy ang hakbang.
Tahimik akong nakasunod sa kanya habang akay-akay pa rin niya ako hanggang sa narating namin ang tuktok—ang sinasabi niyang paraiso. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Malaya ko na ginala ang mata sa paligid. Punong paghanga ang bumabadya sa aking mukha. Bumungad sa paningin ko ang malawak na kapatagan sa ibabaw ng matayog na bundok—talampas. Puno ng mga talahib, damo at mga ligaw na bulaklak na kulay dilaw, violet at blue. Napakaganda, nakakagalak sa mata. Ngunit may isa pa na nakakaagaw ng aking pansin ang malaking puno ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan. May tambayan sa ilalim. Sa tabi niyon ay may duyan na yari sa yantok.
"Wow, paradise nga, it is giving, Mr. President," bulalas ko dahil sa paghanga.
"Di ba?" Punong pagmamalaki na sinulyapan niya ako. Umungol lang ako bilang puna. Hindi ko mabura-bura ang munting ngiti sa labi.
Dinala niya ako sa ilalim ng malaking puno ng kahoy. May malapad na bangko na yari sa kawayan kung saan malaya naming masisilayan ang papalubog na araw. Magkasabay kaming naupo roon habang pinagsawa namin kapwa ang mata sa tanawin ng kalikasan.
Ang kaninang puno ng pait na pakiramdam ay sadyang napawi sanhi ng magandang lugar na pinagdalhan ni Henrick sa akin.
Nakangiting binalingan ko ang binata. He's not wearing his old-school glasses. Malaya ko na nasisilayan ang gwapong mukha niya.
"Hindi ko naman sinasabing dalhin mo talaga ako sa ganitong lugar pero... salamat, Henrick," mayumi ko na wika. Muli ko na tinunghayan ang malapad na kapatagan. Malaya ko na pinuno ang dibdib sa preskong hangin.
"Did the view help?" Nanatili ang kanyang paningin sa namumulang kalangitan.
"Yeah, so much," puno ng kasiguraduhang sabi ko. The scenery is breathtakingly beautiful.
"I'm glad you appreciate it, Violet."
"Not just like it, but I love it, Mr. President." Malapad ang ngiti ko sa labi na pinagsawa ang mata sa tanawin.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos. Kapwa kami nakatuon lamang sa papalubog na araw. Hanggang unti-unting nilamon ng karimlan ang natitirang liwanag. Hindi ko maintindihan pero kanina ko pa napapansin ang t***k ng puso ko na nakakabingi na halos hindi ko maipalagay ang sarili.
Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na isang matandang lalaki. Hindi ko alam kung saan nanggagaling basta na lang sumulpot sa likuran namin na may hawak na lampara.
"Young ma—"
Daling nai-angat ni Henrick ang palad sa ere dahilan upang hindi nito naituloy ang ibig sanang sabihin.
"W-Who is he?" Kinakabahang pinasadahan ko ito ng tingin ta's sinulyapan ko si Henrick. Naghihintay ako sa paliwanag niya.
"Si manong Silas kaibigan ko," tipid niyang sagot.
Lihim akong nakahinga ng maluwag. " I see."
"Manong, si Violet nga pala kaibigan ko." Inangat ni Henrick ang mata sa matanda.
Sa inaasahan ay nagpakilala ang matanda sa akin. Ito ang nangangalaga sa farm na kinaroroonan namin. Nilapag ng matanda ang maliit na lampara sa tabi na siyang tanging nagsisilbing tanglaw sa kinaroroonan namin. Iniwan kami ng matanda pagkatapos maihatid ang lampara at tubig na nakalagay sa maliit na pitsel.
"S-Should we head back?" mungkahi ko na tinungga ang tubig sa maliit na baso.
"You have not yet seen what is worth seeing, Violet."
"Mayroon pa ba?" Inosenteng binalingan ko siya.
"Yap." May dinukot siyang kung ano sa tabi at binato sa madilim na damuhan. Makalipas ang sandali ay lumutang at naglipana ang mga alitaptap sa kawalan.
My eyes widened at the sight of fireflies that seemed to dance above the violet wildflowers. As the insects zipped toward the horizon, the once-dim surroundings were bathed in violet and blue glows.
"The place covered with violet, Henrick!" manghang sabi ko na pinagsawa ang mga mata sa paligid. Tila ba dinala ako ng mga alitaptap sa kabilang dimension ng mundo.
Tumayo si Henrick at inabot ang aking palad. "Come."
Masaya ko na tinanggap ang palad niya. Dinala niya ako sa gitna ng damuhan kung saan walang sawang nagsasayaw at lumilipad ang mga alitaptap. Sa paglapit namin doon mas lalong nagwawala ang mga insekto at lalong nakulayan ang karimlan.
"Amazing!" Kumikinang ang aking mga matang pinagsawa ang sarili sa magandang tanawin na nilikha ng mga alitaptap.
"As I mentioned, Violet, this is worth the wait."
"Yes, it is, Henrick. Just seeing this magical place fills me with joy!"
"It's great to hear that from you, Violet."
Kapwa kami nakatingala na sinundan ng tingin ang mga alitaptap na kumukutitap sa ere. Lahat ng sakit na nadarama ko'y sadyang naglaho at napalitan ng tuwa at ligaya. Henrick made me forget my worries for a moment.
"Gaya ng pangalan mo. The place colored with violet, Violet." Ngumiti si Henrick at yumuko. Sadyang pinagpantay niya ang aming mga mukha.
Nanigas ako na nakatingin sa kanya. From the glow of the moon and the fireflies, his Xanadu-blue eyes shone as he kept his gaze fixed on me.
"Henrick," yon lang ang lumabas sa labi ko habang nakipagtagisan ng titig sa kanya. Ang dibdib ko ay mas lalong nilindol sa sandaling ito.
"Violets are blue, this is my view, whenever I'm with you, Violet." mahinang dagdag ni Henrick na hinaplos ang pisngi ko. He leaned closer. Tila ba nagapagong ang takbo ng oras sa sandaling ito. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang umiiral sa mundo.
Napalunok ako ng laway nang mapansin ko na mas lalo siyang yumuko. "H-Hen—"
Hindi ko na natapos ang salita. He automatically blocked my mouth with his intimate kiss. Masuyo at banayad niyang sinakop ang aking labi.
Hindi ko natagpuan ang sarili na umatras bagkus ay hinayaan ko siyang angkinin ang labi ko. Tila may sariling utak ang mga bisig ko't kusa iyong naipulupot sa leeg niya't malaya ko na sinuklian iyon. The kiss we shared was gentle, yet passionate. It made my knees tremble and go numb.
At nang magkamalay ako'y natagpuan ko na lang ang sarili sa loob ng aking silid. Kung paano ako naka-uwi ay wala akong matandaan. Henrick's kiss was so overwhelming that it made me lose myself for a moment.
***
Thanks for reading.