"Violet!" Hinabol ako ni Henrick ngunit hindi ako nagtangkang lumingon pa. I was so devastated that even the sight of him would make me feel nauseous. Ibig ko nang matumba ngunit pinilit kong kalapin ang lakas. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha na tinalikuran ang binata. Pilit ko na nilakihan ang hakbang habang hila-hila ko ang pole ng dextrose. "Violet!" Naabotan niya ako't hinagip ang braso ko. "Violet, please pakinggan mo 'ko!" "Putang ina, huwag mo kong hawakan!" Marahas ko na binawi ang braso at iniwas ang sarili. Binato ko siya ng titig na nakakamatay sa talim. "Violet, please." Akma niyang muling hagipin ang braso ko. Umatras ako. Hindi ko ininda ang pagtumba ng Telescopic pole. "D-Don't you f*****g dare touch me, Henrick!" babala ko kasama ang walang humpay ng pag-agos

