I stood there, my feet rooted to the ground. I didn't dare to move an inch even after he left to chase after her ten minutes ago. Hinayaan ko na maubos ang aking luha sa pagdaloy. I am his priority, right? Yes, dahil girlfriend naman niya ako pero bakit ako ang naiwan? When he returned, he didn't say a single word. Hindi rin ako nangahas na magbukas ng paksa. Kinuha niya ang aking palad. Marahan niya akong inakay patungo sa kotse niyang nakaparada sa di-kalayuan. Pinasakay niya ako. Sumunod din siyang pumasok sa kotse. Akma niyang buhayin ang makina nang isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya. Nangungusap ang mata niyang binalingan ako. Pinaglandas niya ang daliri sa sulok ng aking labi. Napangiwi ako nang makadama ako ng kirot. Hindi ko napansin na pumutok pala ang labi k

