"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Mia? Sinabi nang paglalaruan ka lang ng Dylan na 'yon! Sugod ka pa rin ng sugod tanga ka ba?" pangaral ni Gundinah also known as Dinah. "Durog na nga ang puso mo pati kiffy mo, beh."
Sumisingot si Mia o si Maria Constancia. "I am so crazy about him. Alam n'yo na naman crush ko na siya since grade one," maarteng pahayag ng babae na walang tigil ang pagsingot ng sipon. Namumula na ang ilong at kanina pa nagngangawa nang malaman niya na may bagong kinakalantari ang boyfriend niyang si Dylan.
"Beh, sa simula pa lang alam mo nang f**k boy 'yang crush mo. Kaunting smile lang ng Dylan na 'yon eh namamasa na agad 'yang kiffy mo!" Halos bubula ang bibig ni Dinah sa pagpangaral kay Mia. "Anong gagawin natin ngayon?" Binalingan ako ni Dinah ngunit hindi ko pinansin at abala ako sa pagsko-scroll ng t****k. " Hoy, Violet!" Gigil na bigkas ni Dinah sa pangalan ko.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko. Matamlay na nilingon ko ang direksiyon ng dalawa kong kaibigan. "What do want me to do?" Inihilig ko ang likod sa konkretong pillar sa pasilyo ng gusali.
"Minsan talaga napa-isip ako kung kaibigan ka ba namin. Damayan mo naman kami dito, beh," pilit ni Dinah sa akin. Ta's hinahagod hagod niya ang likod ni Mia upang patahanin sa pag-iyak.
"Ano nga ang gusto n'yong gawin ko? Umiyak din?" Muli ko na tinuon ang mata sa nakabukas ng cellphone.
"Violet!" singhal ni Dinah sabay na pinandilatan ako.
"Ano nga, what's the point of crying? Eh sinuko mo na ang Bataan, Mia. Alangan naman na pupunta pa tayo sa doctor para ipatahi iyang kiffy mo." Pinandilatan ko si Mia na sa sandaling ito yumuko at hindi makatingin sa akin.
Napasingasing si Dinah sa binitawan ko na pangungusap." Violet tanga mo! Hindi naman ang kiffy ni Mia ang problema rito eh-"
"Eh, ano nga."
"Ang puso niya, beh. Durog na durog, beh dahil sa Dylan na 'yon!" Bulyaw ni Dinah na tumilansik pa ang laway.
"It's just puppy love. Iiyak mo na lang iyan pag-uwi mo mamaya-"
"Violet!" Ibig mapugto ang ugat sa leeg ni Dinah sa pagtitimpi. "Alam mo wala ka talagang ambag sa friendship na 'to eh, Violet?"
"Ano nga ang gusto mong gawin ko?"
"Ipaghihigante mo si Mia, seduce Dylan then paasahin mo!"
"Bakit ako?"
"Alangan naman ako?" bali ni Dinah na ikinatigil namin ni Mia. Kapwa kami ni Mia napasuyod kay Dinah. Sa halip na umiyak ay napangiti si Mia.
Dinah o Gundinah Alfonso from her name itself na mas matanda pa sa aking mga ancestor, ang dalaga ay napakaold-fashioned at plus-size. May angking ganda rin naman, iyong tama lang. Si Mia, from her name itself na Maria Constancia dela Cruz ay napaka-Maria Clara; maganda at may inosenteng mukha, mahinhin ngunit madaling ma-scam. Kindatan lang sasama agad. And here I am Violet Ramirez known as b***h in the campus. I am bratty, self-centered, pasaway na malandi. Siguro lahat ng mga hindi magandang katangian ay binansag na sa 'kin.
Well, somehow ang iba totoo naman at wala akong paki-alam kung ano ang isipin nila. I am not oblinged to explain. Dinah and Mia know me better. Magkakaibigan na kami simula kindergarten hanggang ngayon na nasa Senior High na kami.
"Kita mo na? Ikaw ang dapat maghigante sa pagkawasak ng puso ni Mia, Violet. You are pretty, seksi, matangkad, mataas ang s*x appeal at saka matalino. Sa ating tatlo ikaw ang may karanasan na sa pakikipagboyfriend... at ikaw itong malandi!" pahabol na biro ni Dinah.
"Please, Violet, help us out!" Sumisingot pa rin si Mia.
"No way!"
"Please-"
Sakto rin nagkakagulo ang mga ibang estudyante sa loob ng San Carlos University. Paaralan ng mga Elite Students. Sina Dinah at Mia ay galing sa pamilyang may kaya. So am I.
Tila walang mapaglagyan ang tili ng mga ibang mga dalaga nang mamataan ang basketball player s***h f**k boy na si Dylan Del Valle. Tila ba isang modelong nagmamartsa sa gitna ng pasilyo. Kasama ng lalaki ang mga ugok nitong mga kaibigan na gaya nito ay puro kabulastugan lang ang alam.
"Mia!"
Ang sigaw ni Dinah ang nagpagising sa aking diwa. Huli na't tumatakbo na si Mia at sinalubong si Dylan. Kapwa kami napatiuna ni Dinah na sinundan ng tingin ang kaibigan.
"Dylan!" sigaw ni Mia na hinarangan ang lalaki.
Napasingasing si Dylan at biglang nagtiim bagang na sinuyod si Mia.
"Dylan, paano mo nagawa ito sa'kin?" Humagulhol agad si Mia.
"C'mon, Mia kailan mo ba ako titigilan," saad ni Dylan na pinadilatan ang kaibigan ko. "Akala mo siguro si-seryosohin kita no? Hell no! I am too handsome to stick in one girl!"
Ang pahayag ng lalaki ay kinahiyaw ng mga estudyante sa paligid.
"Isa pa, Mia. I am done with you. Nakuha ko ang gusto ko," pasaring pa ni Dylan.
Siniksik ni Dinah ang sarili sa'kin na pinisil ang braso ko habang nakamasid kami sa eksina. Kita ko ang pag-igting ng bagang niya. "Violet, tulungan mo ang Mia natin!" mahinang giit niya.
"At saka ba't ko naman pahabain pa ang ugnayan natin eh, wala ka naman binatbat sa kama!" mayabang na saad ng lalaki na lalong kina-iyak ng kaibigan namin. "Get lost!" pahabol pa nito na nilampasan si Mia.
Hinakbang ko ang paa at nilapitan si Mia. "Pull yourself together. Broken pieces aren't meant to be fixed, Mia! You need us... your friend... to remind you na hindi lang kay Dylan umiikot ang mundo mo... move on, but before that... let me teach that f*****g boyfriend of yours a f*****g lesson!"
Gigil na kinalag ko ang tali sa mahaba at kulay mais ko na buhok. Nilugay ko iyon at inayos sa tamang pwesto.
"Violet, anong binabalak mo?" Bakas sa mukha ni Dinah ang pangamba.
"Watch and learn!" Iyong lang at iniwan ko ang dalawa.
Malalaki ang aking hakbang na sinundan si Dylan. Habang nagmamartsa ako na tila nasa runway hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata ng iilang estudyanteng nakasunod sa akin. Panghanga. Oo ngunit ang iba ay matang nanghuhusga but I couldn't care less.
Nilakihan ko pa ang hakbang hanggang ilang dangkal na lang ang layo ni Dylan sa akin.
"Hey, boy," malambing na panimula ko sa likuran ni Dylan. Sa inaasahan ay naagaw ko nga ang pansin niya. Nakakantiyawan ang mga kaibigan nito. Bumaling siya sa direksiyon ko.
Isang matamis na ngiti ang ginuhit ko sa labi. Mapang-akit na titig ang binato ko sa lalaki.
"Yes, Violet?" Ngumiti ang lalaki na may kasamang kindat.
Tang ina! Tama nga talaga ang kumalat na chismis na wala itong pinipili.
"Oh, you know my name?" Maarteng hinawi ko ang malambot na buhok.
"Of course, sino naman ang hindi nakakilala sa'yo. You are one of the most popular in the University because of your beauty."
Tumikhim ako upang alisin ang bara sa lalamunan. Hinakbang ko ang paa. Tumingkayad ako. Dylan is about 5'11" and I am only 5'6".
Mapang-akit na inabot ko ang necktie sa suot niyang uniporme. Inilapit ko ang labi sa tainga ng lalaki. "Do you wanna go on a date?" bulong ko na tanging kami lang dalawa ang nakarinig ta's binitawan ko siya bigla.
Dylan stunned of what he heard. Tumikhim siya pagkatapos. "S-Sure!"
"Saturdayl at 8:00 in the evening. Blackbird Restaurant!" bilin ko na tumalikod.
Dinig ko ang hiyawan ng mga kasamahan nito pero hindi ko na pinansin. Kalmadong nagmartsa ako patungo sa kinaroroonan nila Mia at Dinah.
"O ano na?" Sinalubong agad ako ni Dinah.
"I invited him on a date." Walang ganang hinakbang ko ang paa pasulong. Umaatras din si Dinah at sabik na pinakinggan ako. Kumapit naman si Mia sa braso ko na sibayan ang hakbang ko.
"Anong sagot?" Kimi-kiming tanong ni Mia na halatang takot malaman ang sagot ni Dylan.
"Of course, ano pa ba ang sagot ng isang f**k boy, eh di yes!" Umaatras pa rin si Dinah.
Pinili ko na hindi sagutin ang tanong ni Mia. Ayokong masaktan ito.
"Narinig ko kanina sabi mo sa Blackbird Restaurant kayo magkikita tama ba?"
Umungol lang ako sa tanong ni Dinah. Dama ko na ang pagdiin ng daliri ni Mia sa braso ko. "Don't be harsh on him, Violet."
"Mia, sinaktan ka na nga ng lalaking iyon ta's ganyan ka pa? Ewan ko talaga sa'yo!" Ibig ng sumabog ni Dinah. "So, alas otso sa sabado sa Blackbird kayo magkikita, tama?"
"Tama-" nabitin ko ang kataga nang biglang may nakabangga si Dinah na estudyante at sumimplang. Tumilapon ang dala niyang mga libro.
"Sorry," paumanhin ng lalaking nakabangga ni Dinah. His voice is deep. Nakayuko ito at tinulungan si Dinah na damputin ang mga libro. "Sorry."
Nang tumayo ito ng maayos ay ibig mapugto ang leeg naming tatlo na sinundan ang lalaki. Sobrang tangkad mga nasa anim na talampakan.
Nakibit-balikat ako nang makilala kung sino. Si Henrick Rusell ang aming class and student council President. Isang weirdo, na may malaking glasses at puno ng braces ang ngipin.
Napako si Dinah sa kanyang kinatatayuan. She was looking at him like he was her long lost prince.
"Heto, sorry," sabi ni Henrick na inabot kay Dinah ang ilan pang libro. Tumalikod na ito at hindi na lumingon pa.
And there, Dinah seems hypnotized by the nerdy boy's charm. Nakatulalang sinundan ng tingin ang lalaki.
Napaikot ko ang eyeballs. "Halika na, what is wrong with you?!"
"N-No, wala."
"Obiously, gusto mo si Mr. President," segunda ni Mia kay Dinah.
"Come on, Dinah kung magka crush ka lang naman doon na sa gwapo, ba't si Henrick pa? Ang pangit kaya n'on!" nakangusong nauna na akong humakbang.
"He is not pangit!" Sumunod si Dinah at Mia sa hakbang ko.
"Dinipensahan mo pa!"
"I am telling you, behind those nerdy glasses and braces is a man."
"No, he is a boy."
"No, he is man. An attractive man."
"Whatever!" Nilakihan ko pa ang hakbang at iniwan si Dinah at Mia.