Chapter One:

1810 Words
Chapter One: "Bes, sigurado ka na ba talaga na papayag kang magpakasal sa lalaking 'yon?" Tanong sa akin ni Lisa. "Of course, hindi pa ba ako sigurado sa lagay na ito? Halos limang taon na kaming engaged, bata pa lang kami, pinagkakasundo na kami ng mga magulang ko." kampanteng sagot ko at saka inayos ang pagkakalagay ko ng nude lipstick na gamit ko. "Pero hindi naman kayo magkasundo 'di ba? I mean, ayaw mo sa ugali n'ya kasi babaero at manyak." Umirap ako at ibinalik ang lipstick ko sa lagayan 'tsaka nilingon s'ya mula sa salamin. "Kaya nga mag uusap kami hindi ba? Gagawin namin 'to para makuha namin pareho ang gusto namin. At saka, malapit ng malugi ang kumpanya, kaya kailangan na talaga ng suporta nila." Nakita ko mula sa salamin ang pag irap n'ya. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa kama ko pagkatapos ay lumapit sa kinauupuan ko. "Basta bes, kapag nasaktan ka sa pinaggagagawa mo, nandito lang ang balikat ko. You can use me, wag mo lang singahan ang mga mamahaling damit ko, ha?" Humarap ako sa kanya at marahang hinampas s'ya sa balikat. "Gaga ka! Tingin mo ba sa akin, ma-iinlove ako sa lalaking iyon? Over my dead gorgeous body!" Nagkibit balikat s'ya at tumawa. "Okay, sabi mo eh." Tumayo na ako at inayos ang medyo wavy na buhok ko, hindi ko na kailangan pang ayusin dahil natural na maganda na ang buhok ko. Inayos ko rin ang laylayan ng suot kong off shoulder dress na kulay grey. Medyo lagpas ito sa aking tuhod kasi alam kong kapag above the knee ang isusuot ko, malamang sa malamang eh, sisipulan na naman ako ng manyak kong fiancé. Sobrang manyak! mantakin mo ba naman 'nong unang nagkita kami hinipuan ako sa legs pagkatapos tinanong ako kung pwede bang i-advance na namin ang honey moon! Diyos ko, halos himatayin ako 'non! "Ganda mo talaga bes, baka mamaya kahit hindi na kita iyong legs mo, manyakin ka parin 'nong fiancé mo. Pangit pa naman, sabi mo." Natawa ako sa sinabi n'ya. Ang alam n'ya kasi pangit ang fiancé ko base sa mga idini-describe ko sa kanya. Syempre para hindi s'ya ma-curious sa fiancé kong manyak. Masyado pa namang curious itong bestfriend ko sa lahat ng tungkol sa akin. Ewan ko ba d'yan. "Makikita mo rin s'ya bes, sa araw ng kasal namin. Bride's maid ka 'di ba?" Tumango tango s'ya at saka nag ayos na rin ng buhok n'ya. Sasabay kasi s'ya sa akin, may meeting kasi sila ng isa sa mga client n'ya. Sabay kaming lumabas ng kwarto. As usuall, kinukulit na naman n'ya ako na gusto na daw n'yang makita iyong fiancé ko. Gusto ko sana, pero paano? Hindi naman kami close ng lalaking iyon para ipakilala ko sa kanya si Lisa. At saka baka mamaya akitin pa n'ya ang bestfriend ko 'no! "Tita, alis na po kami!" Paalam ni Lisa kay mommy nang madaanan namin s'ya sa sala. Tumingin lang s'ya sa amin at saka tumango, pagkatapos ay ibinalik ng muli ang tingin n'ya sa binabasa n'yang libro. "Talaga si tita, hanggang ngayon kapag may free time, pagbabasa pa rin ng novels ang paborito! Ituro ko kaya sa kanya ang w*****d?" Natawa ako at nilingon si Lisa sa tabi ko, "Gaga, huwag na! Baka mamaya hindi na yun magtrabaho kakabasa ng nobela." Tumango tango si Lisa at sumakay na sa kotse ko, nauna pa talaga. Coding kasi s'ya ngayon kaya ito at nakikisabay s'ya. Sumunod na rin ako at pumasok sa driver's seat. "Sabagay, baka mamaya imbes na magluto sa restaurant n'ya, eh magbasa na lang ng mga romance novels!" Nagtawanan kami pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng kotse. "Pahiram ng phone, bes. Magpatugtog naman tayo, ang boring!" "Nasa bag ko," Agad n'ya naman iyong kinuha, binuksan at dinukot iyong phone ko sa bag. "Oh my gosh! Bago na naman yung design ng phone mo! Kaso hindi pa rin nagbabago yung character, hello kitty pa rin." Umirap na lang ako at nagpatuloy sa pagdadrive. Favorite ko kasi si Hello Kitty, pero hindi naman obsess ha. May mga gamit akong hello kitty pero hindi naman lahat. Maya maya pa ay pinindot pindot na n'ya ang phone ko, pero bago pa yata n'ya mahanap iyong music ay tumunog na ang phone ko. "Sino 'yan?" Tanong ko. Nilingon ko s'ya saglit, nangungunot ang noo n'ya. "Si Cash. Ito ba yung fiancé mo?" Tanong ni Lisa. Aagawin ko sana iyong phone ko sa kanya pero sinagot na n'ya iyong tawag. Si Lisa talaga! "Hello!" Masayang bati ni Lisa. "Gorgeous." Ini-loudspeak pa talaga. "Thank you, alam ko naman talagang gorgeous ako." Binatukan ko nga s'ya, gaga talaga 'tong si Lisa eh. Inihinto ko iyong kotse ko at inagaw ang phone kay Lisa. In-off ko rin ang loudspeaker. "Oh, bakit? Papunta na nga ako tawag tawag ka pa!" Tumawa s'ya sa kabilang linya. "Ang tagal mo kasi, akala ko hindi mo na ako sisiputin. Late ka na kaya ng 30 minutes." Tumaas ang isang kilay ko. "And so? It's better to be late than to arrive ugly." Tumawa na naman s'ya, sarap sakalin ng leeg n'ya kapag tumatawa. Kainis talaga. "You're gorgeous even without make up, baby..." Nag init ang pisngi ko sa sinabi n'ya. "Ewan ko sa'yo baliw!" Pinatay ko na ang tawag at ibinalik ang phone ko sa bag. Binuhay ko na ulit ang makina at pinaandar. "Huy, anong sabi?" "Wala, nang asar na naman." Sagot ko. Hindi na muling nagsalita pa si Lisa, malapit na rin kasi s'ya sa meeting place nila 'nong kliyente n'ya. "Dito na 'ko bes," sabi n'ya. Inihinto ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada. Inalis naman agad ni Lisa ang seatbelt n'ya at bumeso sa akin. "Goodluck! Sana mai-close mo 'yung deal." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Goodluck din, sana hindi ka manyakin ng fiancé mo!" Pinanlakihan ko s'ya ng mata, tinawanan lang n'ya ako at bumaba na. Iiling-iling na ini-start ko ulit iyong kotse ko at pinaandar. Late na late na ako sa oras na napag usapan namin ng lalaking iyon. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Pagkapasok ko sa coffee shop ay agad ko naman s'yang nakita. Nakakrus ang braso n'ya sa ibabaw ng kanyang dibdib at nakadekwatro ang binti. Base sa itsura n'ya, kanina pa s'ya naghihintay. Halatang inip na inip na eh. Lumapit agad ako sa pwesto n'ya, dahil nakakaawa na ang itsura n'ya. Napakahaba na kasi ng nguso n'ya. "You are 45 minutes late, baby." Inis na sabi n'ya at saka ibinaba ang kamay n'ya sa lamesa. "And so? Simulan na natin ang deal, I have no time. Nagmamadali ako," sabi ko kahit ang totoo wala naman talaga akong ibang gagawin. Nakaka-intimidate lang kasi ang klase ng tingin n'ya na halos ayaw ko s'yang tingnan. Parang hinuhubaran n'ya ako sa klase ng tingin n'ya. At isa pa, nakakadistract kaya ang buhok n'ya! Itim na itim iyon at bagsak na bagsak. Parang hindi manlang nag-effort na ayusin pero ang...basta! Nakakainis. "Wow! Ako na ang pinaghintay mo, tapos ikaw pa ang nagmamadali. Sa susunod talaga, paparusahan na kita kapag na-late ka pa sa susunod na usapan natin." Umangat ang kilay ko sa sinabi n'ya. "Sino ka para parusahan ako?" Ngumiti s'ya at inilapit ang mukha sa akin. Halos maiatras ko naman ang ulo ko sa ginawa n'ya. Nagulat ako! "I am your future husband, Gorgeous Catherine." Kinagat ko ang labi ko at mabilis na inilayo ang mukha n'ya mula sa akin gamit ang kaliwang kamay ko. "I know! So ano na? Pag usapan na natin ang ipinunta ko dito." Bumuga s'ya ng malalim na hininga pagkatapos ay dinilaan ang labi n'ya, ang suot n'yang kulay itim na t-shirt at simpleng jeans ay mas lalong nagpalakas ng appeal n'ya. Kung tutuusin simple lang s'ya manamit pero dahil gwapo s'ya, umaangat parin ang appeal n'ya. Oh gosh! Oo, he's handsome and I don't care. "Bakit ba gusto mong maghiwalay na agad tayo after 1 year?" Inis na tanong n'ya. "Bakit ba nangingielam ka? Eh, ayaw mo rin naman sa kasal na 'to hindi ba?" "Wala naman kaso sa akin kung ikasal tayo, I'm single. Wala akong sabit, marami nga lang akong flings." Tinitigan ko s'ya ng masama, ayan ang ayaw ko sa kanya. Masyado s'yang maharot, babaero at malandi! "Yun na nga eh, ayoko sa mga flings mo kaya pagkatapos ng isang taon kailangan na nating maghiwalay para magawa mo na iyong mga gusto mong gawin." Kumunot ang noo n'ya. "You mean, hindi ako pwedeng mambabae kapag nagpakasal tayo?" Gulat na tanong n'ya. "Of course! Ano na lang sasabihin ng mga nakakakilala sa atin? Na may asawa ka na tapos lumalandi ka pa? My gosh!" Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang daliri ko. "Okay, basta makaka-score ako sa'yo. Payag na akong walang babae." Nanlaki ang mga mata ko, awtomatikong naihampas ko ang isang kamay ko sa lamesa. "No way!" Tumawa s'ya at saka tumayo. "Oorder muna ako ng kape para kabahan ka na," natatawang sabi pa n'ya at naglakad na ng diretso. Napanganga ako, kabahan? Saan? Oh God! Bakit sa dinami rami ng magiging fiancé ko, si Cash Ford Brilliantes pa? Bukod sa mayabang na ang pangalan n'ya, mayabang pa pati ugali. Kakayanin ko kayang makasama sa iisang bubong ang lalaking iyon? Baka wala pang isang linggo sumuko na ako. At saka, ano daw? I-score s'ya sa akin? No way! Ibibigay ko lang 'to sa lalaking mahal ko! "Here's your coffee, my future wife." Naiinis talaga ako kapag tinatawag n'ya akong future wife, baby, babe, darling, honey! Lahat na yata itinawag n'ya na sa akin. Umupo s'ya ulit at mataman akong tinitigan. "Ano? Payag ka, hindi ako mambababae pero makaka-score ako sa'yo?" "Eh, kung ibuhos ko kaya sa'yo 'tong kape ko?" Tumawa s'ya at pumangalumbaba. "Ang ganda ganda talaga ng mapapang-asawa ko. Ang sungit sungit, parang laging nireregla. Oo na po, payag na isang taon lang tayong magiging mag asawa," sabi n'ya tsaka bumulong, "baka kasi isang taon din akong tigang." "Binulong mo pa! Rinig na rinig ko naman!" Tumawa s'ya at kinuha iyong kape. Uminom s'ya doon. Masamid ka sana...pero nakakainis, hindi manlang nasamid o kahit napaso manlang! "Sinadya ko talaga 'yon, para maawa ka." Inirapan ko s'ya at uminom na rin sa kape, pero kinarma agad ako. "Aah! Ang init," hinawakan ko kaagad ang labi ko. Bakit s'ya? Hindi napaso kanina, pero ako init na init. Ang sakit! Agad naman s'yang tumayo at lumapit sa akin. "Saan masakit?" Natatarantang tanong n'ya. "W-wala! Ok lang, para paso lang 'to sa dila." Nagulat ako nung hawakan n'ya ang baba ko at iniharap n'ya ako sa kanya. "Nasaan? Anong okay lang? Ikaw talaga, hindi ka pala maingat." Napakurap kurap ako ng haplusin n'ya ang labi ko. "Ayan namula tuloy." Napalunok ako dahil sa ginawa n'ya. Hinawi ko kaagad ang kamay n'ya at inis na tinitigan s'ya. "Don't act as if you care!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD