Chapter Two:

1817 Words
Chapter Two: Cash Ford Brilliantes' Point of View: "Buy a house. Kailangan mo ng lumipat ng bahay, since you are getting married. Hindi pwedeng dito lang kayo sa condo tumira," sabi ni dad at inilibot ang tingin sa buong condo ko. "Yeah, I know. I was already looking for a house, dad." Tumango-tango s'ya at ibinaling ang tingin sa akin. Ipinasok n'ya ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang bulsa ng pantalon n'ya at mataman akong tinitigan. "Remember this, I will give the company to Frederick without hesitation if you refused to get married with Catherine." Bumuga ako ng malalim na hininga. Naglakad ako papunta sa couch ko at umupo doon. "Dad, don't worry. I will marry her, no matter what." Binuksan ko ang TV para naman gumaan ang pakiramdam ko. Ilang araw na akong busy sa pagiging ulirang anak. Ako na ang nagpapatakbo ng buong Brilliantes Tower sa ngayon at kapag ikinasal pa kami ni Catherine, malamang ay pati ang ilang branch ng hotels and resorts ng Brilliantes ay ako na rin ang magpapatakbo. Oh, God! I don't like this life but the f**k, I can't just give it to my cousin. "Good," sagot ni dad. "I have to go, baka maghurumintado na naman ang mommy mo kapag hindi pa ako umuwi ng maaga." Tumawa ako at nilingon si dad. "Uwi ka na dad, baka outside the kulambo ka na naman!" Sinamaan ako ng tingin ni dad, "We don't have kulambo, Cash." Nagkibit-balikat lang ako. Tinanguan ako ni dad at naglakad na palabas ng condo ko. Kumamot ako sa ulo ko at saka tumayo. Hinubad ko iyong coat ko at inilapag iyon sa couch. Hinilot ko ang sentido ko nang maalala ko iyong kasunduan namin ni Catherine. Napailing ako, hindi kaya bawiin sa akin bigla ni dad iyong kumpanya kapag naghiwalay kami ni Catherine sa loob ng isang taon? Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi n'ya ako agad hiwalayan. Pero paano? Sobrang sungit ng babaeng iyon at parang ilag sa lalaki. Parang laging may regla eh, siya lang ang babaeng nakilala kong gano'n kung umasta pagdating sa akin. Ang ganda pa naman n'ya at ang sexy pa. Sa tingin ko nga 38B ang b*a size n'ya, 24 ang bewang and damn, her butt? Sa tingin ko kapag inupuan ako no'n, malulunod yata ako. Ang sarap no'n! s**t, pinagnanasahan ko ba s'ya? Well yeah, I won't deny it. Talaga naman kasing nakakaakit s'ya. I shook my head trying to remove her from my mind. Baka mamaya kung ano pang magawa ko kakaisip ko sa kanya, mahirap na. Hinubad ko ang long sleeves ko pati na rin ang sando na pang-ilalim ko. Sobrang init ng sinusuot ko araw-araw, ayaw pa naman ni dad na hindi ako sobrang formal. He's really a perfectionist. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at pinindot doon ang number ni Uno. I need to hang out. Nakakabagot rin ang puro trabaho. Kaya siguro panay ang isip ko sa katawan ni Catherine dahil halos isang buwan na akong tigang. "Hello?" he answered in a husky tone. "What are you doing?" tanong ko. Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang background. I heard a moan, the f**k. What is this man doing? "I think you should continue what you are doing, I'm sorry man." "Gago ka talagang Uno ka!" Umangat ang kilay ko, what the? Ano iyon? "Kasalanan ko pa?" Napailing-iling ako at pinatay ang tawag. Mukhang kasama n'ya si Jamila at nag-aaway na naman sila. Pero bakit may ungol? Bahala nga silang dalawa sa buhay nila. Matatanda na sila. Nagpasya akong magbihis at kumain na muna. Pupunta na lang ako sa bar nang mag-isa. Iinom lang ng kaunti and of course, to get some girl to f**k. — "Long time no see, Cash!" bungad sa akin ni Jaxton. "Yeah, busy ako masyado sa trabaho ngayon. Nagpapabango ako kay dad," I said then turned my head to him. Tinapik n'ya ang balikat ko at saka s'ya umiling. "So tuloy na talaga yung naririnig kong magpapakasal ka na daw?" Tumawa ako at umayos ng upo sa high chair. "Yeah, punta ka. Papadalhan kita ng invitation. My fiancée is beautiful and I will never regret that I will marry her." Tumawa si Jaxton, saktong dumating naman iyong in-order kong beer. Ibinaling ko ang tingin ko sa bartender at nagpasalamat. "Pero hindi mo naman mahal," sabi n'ya. "Hindi na uso `yon, man." Uminom ako sa bote ng beer na hawak ko, gumapang agad ang pait niyon sa aking lalamunan. "So, bakit nandito ka?" Ibinaba ko ang baso ko at lumingon kay Jaxton. "To find a girl." "And to f**k?" he asked. Tumango ako at nginisihan s'ya. "Of course." "You're getting married and you're looking for a girl you wanted to f**k? Why don't you f**k your fiancée?" Inisang lagok ko ang beer na natira sa baso ko at saka tumayo na. Nakakapagod sumagot sa mga tanong. "Mahabang storya. Sige, una na ako sa dance floor." Tumawa na naman s'ya at saka sumagot. "Sige, goodluck!" Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa dance floor. Ang malakas na tugtog ay nang-aakit na mas lumapit ako sa dance floor. Siksikan pero kahit ganon, napapalingon parin sa akin ang mga babaeng nakakasalubong ko. "Hi handsome, wanna dance?" May lumapit sa akin isang blonde ang buhok na babae. Nginitian ko lang s'ya at saka nilagpasan. Ayoko sa pekeng blonde. Halata namang pinay lang. Nagpatuloy ako sa pagsayaw sa dance floor pero wala pa rin akong makasayaw ng matino. Hanggang sa may mapansin akong isang babae. Kunot noong tinitigan ko s'ya, grabe s'ya kung gumiling. Hataw na hataw at halos makita na iyong panty n'ya sa kakatalon. Ang iksi pa naman ng suot n'yang kulay pulang dress. Pero nanlaki ang mga mata ko nang medyo humarap s'ya sa direksyon ko. Hindi ba ako nagkakamali? Si Cath ba `yon? Lalapit sana ako kaya lang may biglang humarang sa akin na babae. "Cash, long time no see, baby!" Kumapit agad s'ya sa leeg ko at hinalikan ako sa labi. Mabilis ko namang hinawi ang mukha n'ya at tinanaw muli iyong babaeng nakakulay pula para kumpirmahin kung s'ya ba talaga `yon. Nandoon pa naman s'ya pero hindi ko makita iyong mukha n'ya dahil nahaharangan ng ibang mga tao. "Ouch, why did you push me?" inis na tanong 'nong babaeng yumakap sa akin kanina. Nilingon ko s'ya saglit at nginitian. "Sorry miss, may hinahanap kasi ako." Nagmadali akong hanapin ulit si Cath, hinawi ko ang mga taong madadaanan ko. May mga nagalit pero hindi ko sila pinansin. Namuo ang galit sa dibdib ko nang makitang siya nga iyon at lasing na lasing. May kasayaw s'yang lalaki na mukhang malapit na s'yang hipuan. "Excuse me," hinablot ko kaagad ang braso n'ya at napalingon s'ya sa akin. "Bro, she's mine. Nauna ako!" Inis na bulyaw sa akin ng lalaking kasayaw n'ya. Binalingan ko naman iyong lalaki at sinamaan ko s'ya ng tingin. "If you'll excuse, she's my wife." Hinila ko na si Catherine palabas ng dance floor. Hindi na s'ya nagsasalita, malamang dahil sobrang lasing na s'ya. "Ano bang ginagawa mo? Ikakasal ka na sa `kin tapos maglalasing ka at makikipagsayaw sa kung sino-sinong lalaki?!" Nilingon ko s'ya at nakitang lasing na lasing na s'ya, nakayuko lang s'ya at hindi nag-aangat ng tingin sa akin. "Catherine!" sigaw ko sa kanya. "Yesh?" tanong n'ya pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin. Nakapikit ang isang mata. "Tinatanong kita, kung anong ginagawa mo dito?!" Naiinis na ako ha, sabi n'ya sa akin ayaw n'ya na nambababae ako kaya gusto n'yang maghiwalay kami sa loob ng isang taong pagiging mag-asawa tapos ngayon s'ya rin pala ganito. "Shino ka bwa?" tanong n'yang muli tapos ay pilit idinilat ang mga mata. I was about to answer when someone grabbed her hand. "Oh my God! Cathy!" Nag-angat ako ng tingin doon sa tumawag sa kanya. Naaninagan ko ang isang babaeng may mahaba at itim na itim na buhok. Nabitiwan ko si Cath nang hilahin s'ya ng babae. "Sino ka? Bakit hinahawakan mo ang kaibigan ko?" galit na tanong n'ya. "Look, wala akong masamang intensyon sa kanya. At isa pa, I am her fiancée." Napanganga s'ya sa sinabi ko. Tila nagulat yata. "I'm sorry, you're her what?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya. "Ah, ikaw pala `yan Cash! Ang manyak kong fiancé!" humalakhak si Catherine. Manyak? Tingin n'ya sa akin manyak? "Okay, mag-usap tayo, fiancé ni Catherine sa labas. Tulungan mo muna akong ilabas si Cath dito sa bar, okay? Ang bigat kasi n'ya." Bumuga ako ng malalim na hininga at nilapitan ang kaibigan n'ya para buhatin si Catherine. Nang mabuhat ko na s'ya, halos matumba ako. "Ang bigat naman nitong kaibigan mo!" "Feeling superman ka kasi," natatawang sagot n'ya. Nagpatuloy na lang ako sa pagbuhat kay Cath kahit na sobrang bigat n'ya, nang makalabas kami ay didiretso sana ako sa direksyon kung saan iyong kotse ko pero pinigilan ako ng kaibigan n'ya. "Saan mo s'ya dadalhin?" tanong n'ya. "Sa kotse ko," simpleng sagot ko at nagdiretso na sa paglalakad. "Kung sa bagay kapag umuwi `yan sa bahay nila na ganyan kalasing, baka bungangaan lang iyan ni tita." Napahinto ako sa paglalakad at nilingon s'ya. "Una, anong pangalan mo?" tanong ko, kasi ang tawag ko lang sa kanya ay babae. "Lisa," nagtatakang sagot n'ya. "You mean, iuuwi ko si Catherine sa bahay ko?" Tumango-tango s'ya. "Sa bahay ko sana s'ya iuuwi pero since nandyan ka naman, iuwi mo na s'ya sa bahay mo. Fiancé mo naman s'ya, pero!" Inangat n'ya ang isang kamay n'ya at itinutok sa mukha ko. Napailag ako doon kasi akala ko sasaktan n'ya ako. Nakakagulat talaga ang mga babae, hindi mo alam kung ano ang biglang gagawin. "Anong pero?" "Kapag may ginawa kang kababalaghan sa bestfriend ko, malilintikan ka sa akin. As in," sumenyas s'ya na gigilitan ang sarili n'yang leeg gamit ang daliri n'ya. "Patay ka sa akin." Nakangangang tumango na lang ako. Pagkatapos ay tumango rin s'ya at tumalikod. "Oh, sige na Cash. Una na ako, ingatan mo bestfriend ko ha?" "Teka! Bakit nga ba `to naglasing?!" Sigaw ko pero nagmamadali na s'yang naglakad palayo sa amin. Huminga ako nang malalim at bumaba ang tingin kay Cath na karga-karga ko. "Ang ganda ganda mong babae tapos ang lakas ng loob mong maglasing. Eh, kung magahasa ka roon? Sayang ka." Sandali ko pang tinitigan ang mukha n'ya, kapag tulog akala mo hindi makabasag pinggan. Ang lambing-lambing ng mukha, pero parang kakain ng tao kapag gising. Sana nga lang iba ang kainin n'ya sa akin... Inalis ko na ang tingin ko sa kanya, kasi kung hindi baka kung ano na naman ang maglakbay sa isip ko. Kainis, panira `tong babaeng `to. Kung hindi ko sana s'ya nakita, edi sana nakahiga na ako sa kama ngayon at nagpapakasarap. Iiling-iling kong binuksan ang pinto sa backseat ng kotse ko at dahan-dahan ko s'yang inilapag doon. At daka ko isinara at lumipat na sa driver's seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD