Chapter 4

1001 Words
Ruby POV: Nasa kwarto ako ngayon at nagpapahinga. Nakakabagot din pag walang ginagawa kaya naisipan kong bumaba at manood ng T.V tutal ay maaga pa naman dahil 2pm palang ng hapon at mamaya pang 9pm ang dinner. At dahil sa wala na akong mapanood na maganda ay nagpasya akong pumunta sa salon tutal naman ay mamaya pa ang alis namin ni Jacob at kailangan ko namang magrelax. Mag gogrocery narin ako kaya naisipan kong puntahan si Manang Pasing para may katulong akong magbitbit pagkatapos namin sa salon. Pumunta na ako sa kwarto niya ngunit wala ito. Naisipan ko naman na baka nasa laundry room siya kaya tumungo na ako roon. "Manang?" Tawag ko sakanya habang papalapit na ng laundry room. Pagbukas ko ay naglalaba nga si manang at nakaupo lang ang pamangkin niyang si Marie at nag lilinis ng kuko. Nakita ko din na kulay pula ang manicure nito sa kamay na nakakadagdag din sa kaputian niya. Lumingon ito sakin ngunit parang walang pakialam at patuloy lang sa paglalagay ng cutics sa kuko. Hindi ko na pinansin ito dahil sa Manang naman talaga ang sadya ko. Tumingin sakin si Manang at ngumiti. "Senyorita ano ho yun?" "Ah Manang samahan niyo ako magpapasalon kasi ako at kailangan kita para mag grocery." "Ah ganon ba Senyorita. Naglalaba pa po kasi ako ahm sandali lang po." Lumingon siya sa pamangkin niya at nagsalita. "Marie ikaw na ang magpatuloy nito dahil sasamahan ko ang Senyorita." Tumingin naman ng nakakalokong tingin si Marie kay Manang. "Auntie masisira ho ang kuko ko kapag naglaba ako. Ang ganda pa naman oh tignan niyo. Tapusin niyo nalang yan." Naginit nanaman ang ulo ko dahil sa asal ng babaeng to. Katulong lang siya ngunit talo pa niya ang donya kung umasta. "Ikaw talagang bata ka ang arte arte mo umuwi ka nalang kaya ng probinsya." Sabi ni Manang. Ako naman ay nakatingin lang sakanila at hinihintay ang mga susunod na mangyayari. "Ahhh Senyorita ahm papasamahan ko nalang po kayo sa pamangkin ko. Pasensya na po matatagalan pa kasi tong nilalabhan ko at ibababad ko pa ang mga puti." Saad sakin ni Manang. Nainis nalang ako lalo ngunit hindi kay manang kundi sa pamangkin niyang ubod ng kaartihan sa katawan. Aaminin kong may pagkabitch ang ugali ko at hindi ko gusto ang inaasal ng pamangkin nito kaya naman nakaisip ako ng paraan para pahirapan to. Ngumiti ako kay manang. "Sige Manang si Marie nalang ang isasama ko." Pumayag naman si Marie at bakas sa mukha nito ang tuwa dahil nalaman niyang sa salon ang punta ko. Hindi niya lang alam na pahihirapan ko talaga siya. Nakarating na kami sa salon ng kaibigan kong bakla na si Rebecca siya ang gustong gusto kong nag aasikaso sakin dahil magaling ito at gusto ko ang serbisyo ng salon niya. Nanlaki ang mga mata ni Marie dahil sa ganda at magarang salon na pinuntahan namin. Nakapasok na kami sa loob at sinalubong agad ako ni Reb. Reb ang nick name ni Rebecca. "Hi Ruby! Long time no see. Ang ganda ganda mo parin wala ka paring kupas napakaganda ng balat mo ahh ano sekreto mo? Ang glow at ang puti puti para kang si Lucy Torres." Mahabang puri nito. Sanay na ako kay Reb dahil sa mapuri ito at sadyang mapanglait sa mga di pinagpalang itsura. Ngumiti nalang ako dito at nakipagbeso beso. Maglalakad na sana si Marie ng pigilan ko siya. "San ka pupunta? Oh hawakan mo ang bag ko. Diyan ka lang sa couch mag antay ka." Sabi ko sabay padabog na bigay sakanya ng mamahalin kong bag na longchamp. Kulay itim ito at may halong gold. Napaka supistikada ang itsura nito at halatang mamahalin ang materyales sa pag gawa nito. "Huwag mong dudungisan yan at gagasgasan. Dahil kulang pa ang isang taon mong sweldo para mabayaran yan." Sabi ko at inirapan ko siya. Tumungo na ako Kay Reb dahil kanina pa ako nasstress kay Marie. Nilingon ko si Marie at bakas sa mukha nito ang inis ngunit wala akong pakialam.  Pagkatapos kong magpaganda ay hindi ako nag grocery dahil nagbago ang isip ko at namili ako ng magagandang dress at long gown sa ibat ibang mamahaling boutique. Si Marie naman ay halatang namamangha sa magagandang damit na sinusukat ko. Way ko yun para mainggit siya dahil naiinis talaga ako sakanya. Pagkatapos ay sinoot ko na ang napaka gandang semi long gown na napili ko. Halos 8pm na kami natapos at pinabuhat ko sakanya ang lahat ng pinamili kong damit. Ramdam kong inis na inis na ito pero wala akong pake. Ng makauwi na kami ay agad kong nakita ang sasakyan ni Jacob na kararating lang at nakita ko na siyang lumabas ng kotse niya. Agad ko siyang niyakap at sinugod ng sunod sunod na mga halik. Nakabihis nadin ito at mas malo siyang gumwapo sa suot niyang sky blue na toxedo. "Hi hon buti naman nakauwi kana." Bungad ko sakanya. "Inagahan ko talaga para makita ang pinakamagandang babae sa buong mundo." Sabi niya. Napangiti naman ako sa narinig ko at hinalikan ko ulit siya ng mapusok at nag aalab na halik. "Napaka ganda mo talaga Ruby wala kang katulad." Dagdag pa nito. "Ikaw ah nakakarami kana ng halik sakin mamaya na natin ituloy." Sabi ko naman at sineksihan ko talaga ang tono ng boses ko. Napatawa naman siya at bigla nalang niyang hinimas at pinisil ang pwet ko. Nagulat ako sa ginawa niya at nagsalita siya. "I love your ass hon ang laki." "Nako Jacob wag dito okay? Tara na nga at baka malate pa tayo sa bahay nila Sofie." Sabi ko. Tumango naman ito at tumawa. Napansin kong nakatayo lamang si Marie sa harap namin at di ko namalayan na kanina pa pala ito nakatitig samin. "Ipasok mo na yan sa loob. At paki ingatan lang baka masira at madumihan ang mga binili ko." Pukaw ko sa lumilipad niyang isip. Tumango naman ito at yumuko. Tsaka na kami umalis ni Jacob dahil alam kong mahaba haba ang biyahe na tatahakin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD