Chapter 3

973 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog padin si Jacob dahil alam kong puyat ito kasalanan naman din kasi niya kasi hindi niya ako tinatantanan. Napangiti ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Napaka guwapo talaga ng lalaking to. Ang ganda ng hubog at tangos ng ilong. Ang nipis at mapupulang labi ang sarap niyang halikan. Nakayakap pa siya sakin at unti unti kong tinanggal ito para makapag ayos na ako ng makakain. Hinalikan ko siya sa mga labi niya na sobrang lambot at init. Ang sarap padin at ang bango ng hininga niya na parang menthol. Pagkabangon ko ay nag ring ang phone ko kaya nagtaka ako kung sino ang tumatawag. 7am palang kasi ng umaga. Tinignan ko kung sino at napangiti ako dahil si Sofie ang tumatawag. "Hello Sofie napatawag ka?" Masaya kong bati sakanya. "Hi Ruby uhm pwede ba kayo ni Jacob mamaya for dinner? Dito sa bahay sana kung okay lang?"  "Oh sure okay na okay. Namiss ko nadin ang mga inaanak ko na si Eve at Adam." Sabi ko. Ang kambal na anak nina Sofie at Nikko ang binabanggit ko. "Haha namiss ka na din ng kambal palagi ka ngang hinahanap eh." Sabi niya. Natuwa ako dahil napalapit nadin talaga ako sa kambal. Parang ilang linggo lang kasi akong nawala at pumunta ng America ay grabe na ang pagkamiss nila sakin. Ang sarap lang sa shower pakiramdam. Dalawang taon na ang kambal at halos kasing tagal ng relasyon namin ni Jacob ang edad nila.  Nagkwentuhan pa kami ni Sofie dahil wala naman gagawin ito at si Nikko ay nasa trabaho na maaga palang. Masipag talaga ang asawa ni Sofie at masaya ako para sakanila. Maya maya pa ay nagising na si Jacob ng di ko namamalayan at yumakap sa may likuran ko. "Sino yan?" Tanong niya.  "Si Sofie to" sabi ko sakanya at bigay sakanya ang phone. Nagkausap ang dalawa at inayos ko muna ang kama dahil yun ang routine ko sa umaga pagka gising namin ni Jacob. Ibinaba nadin ni Jacob ang tawag at niyakap nanaman ako. Mukhang alam ko na ang gusto nito dahil nakahawak nato sa mga dibdib ko. "Hey hon not now okay? Magluluto pa ako ng breakfast mo dahil malelate kana." Sabay tingin ko sa malaking wall clock sa kwarto niya. Tumango naman ito dahil malelate na nga siya. "Thank you hon lagi mo nalang akong pinagsisilbihan. Mahal na mahal kita." Sabi niya at hinalikan ako ng malumanay at masarap na halik. "Mahal na mahal din kita." Sagot ko sakanya at pinauna ko na siya maligo dahil baka malate pa siya. Well siya naman ang may ari ng kompanya at gagawin niya ang lahat ng gusto niya. Pero kilala ko si Jacob walang araw na hindi busy ito dahil sa sobrang kasipagan na mapalago pa ang kompanya kahit na masagana at napakalaki na nito. Nagtungo na ako sa baba para ipagluto siya at may napansin akong isang magandang babae na nakasuot na maiksing damit na nagluluto na. "Sino ka?" Tanong ko sakanya. Lumingon siya at yumuko sakin at dumating si Manang Pasing. "Ahh Senyorita siya po si Marie ang pamangkin ko. Pasensiya na po dahil hindi ko na nasabi sainyo kagabi dahil bigla nadin po kayong umakyat ni Senyorito." Tumango nalang ako sa sinabi ni Manang at nagsalita. "Ahh okay lang Manang. Pero Marie paki palitan naman ang suot mo sobrang iksi kasi." Tumango naman ito at ng matapos ang niluluto ay umalis na at pumunta sa maid's room para magpalit ng damit. Di ko mapigilang di makaramdam ng inis sakanya at hindi naman sa nainsecure ako dahil di hamak na mas maganda ang hubog ng katawan ko dito at bumabagay sa malalaki kong dibdib at malaking balakang. 36-24-36 ang vital statistics ko at proud ako doon dahil hindi ako nag eexercise sadyang ganun lang ang katawan ko. Sinisiguro ko din na alagang alaga ko ang mapuputi at mapula pula kong balat dahil sensitive ito kaya puro pure ang ginagamit ko sa katawan ko. Bumaba na si Jacob at napakagwapo talaga nito. Nakaayos narin ang damit niya at dala na niya ang case niya. Medyo nakataas ang buhok nito na lalo pang dumagdag sa kagwapuhan niya. "Hi hon. Nakahanda na ang pagkain di na pala ako nakapagluto dahil may niluto na si Marie yung pamangkin ni Manang." Lumapit siya sakin at siniil ako ng halik habang nasa harapan nina Manang at Marie. Palagi naman kaming nag memake out sa harapan ni Manang at sanay na ito samin. Hindi pinansin ni Jacob si Marie dahil wala naman talaga itong paki sa mga katulong niya sa bahay. Basta siguraduhin lang nila na maayos silang magtrabaho ay wala silang maririnig na masamang salita kay Jacob. Habang kumakain kami ay dinalhan ni Marie ng kape si Jacob dahil lagi ito ang iniinom niya sa umaga. Napakunot noo nanaman ako dahil sa kitang kita ang dibdib nito at halos lumuwa na sa harapan ni Jacob. Ngunit tila hangin lang ito at walang pakialam kay Marie kaya masaya ako. Kilala ko ang Fiancé ko walang pakialam ito sa kahit na sino except sakin sa mga kaibigan at pamilya. Masaya kaming nagkwentuhan ni Jacob at excited na ako mamaya sa dinner namin kila Sofie dahil marami pa kaming paguusapan. Ng makaalis si Jacob ay bumalik ako ng kusina at nakita ko si Marie na tinatanaw ang kasintahan ko habang papalayo na ang kotse nito. Tumikhim ako at lumapit sakanya. Sinadya ko ding buksan ang mga botones ng damit ko para lumuwa ang kayamanang pinagmamalaki ko. Nakita kong napatingin siya sa mga ito kaya nagsalita na ako. "Ako lang ang may karapatang maglabas o magsuot ng ganitong damit sa pamamahay na ito kaya itago mo na yan at ayusin mo ang damit mo." Mariing sabi ko. Tumango naman ito at yumuko samantalang umakyat na ako dahil umiinit lang ang ulo ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD