Episode 108

1169 Words

Matapos kaming makatiyak na nakaalis na ang eroplano na sinakyan ni Ma'am Debborah at Doña Dorina ay umuwi na rin kami agad. Nagpaalam na rin kasi si Trevor na kailangan niya ng bumalik sa ospital at kabilin-bilinan niyang hintayin namin siya bukas dahil siya raw ang maghahatid sa amin. Pasado alas otso na ng gabi ng makauwi kami dito sa mansyon dahil inabutan na kami ng mabigat na daloy ng trapiko sa national highway. "Tine, konting damit na lang ang bitbitin natin dahil baka masira naman ang bag kung isiksiksik natin lahat ang mga damit," wika ko sa Ninang ng mga anak ko na abala na rin sa pagtutupi ng mga damit na amin ng dadalhin pauwi. "Heto na nga at gumawa ako ng paraan," ani ni Tine at seryoso sa ginagawa na pagtutupi ng damit upang magkasya lang sa dalawang backpack na aming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD