Episode 107

1089 Words

Wala na ngang nagawa pa si Ma'am Debborah. Ayaw niya sana na ihatid pa namin sila sa airport ni Doña Dorina ngunit hindi niya nagawang tanggihan ang hiling ng kanyang mga pamangkin. Sama-sama kaming nakasakay sa sasakyan ni Trevor na siya mismo ang nagmamaneho patungong airport. Kandong ko si Drei habang si Duke ay katabi ng kanyang Ninang Tine. Si Dreau ay nasa pagitan ng kanyang Tiyahin at Lola. Siyempre, may nauuna at kasunod na sasakyan ang aming sasakyan kung saan nakasakay ang ilang kalalakihan na hindi ko lang alam kong mga tauhan ni Trevor o ni Sir Damian. Hindi rin pala talaga masarap ang buhay ng mayayaman. Lalo pa sa usapin na kaligtasan. Sa pagbabalik namin sa munti naming bahay ay balik na rin kami sa simple namin na pamumuhay. Sana lang ay maging tahimik kami gaya ng dati.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD