Naglinis na lang ako ng condo kahit wala naman talaga akong dapat linisin. Napakalinis ng lahat ng sulok at kahit guhitan ko ang mga gamit ay walang alikabok. Maraming iba't-ibang klase ng pagkain sa loob ng ref na pinainit ko na lang dahil wala naman kahit anong hilaw na karne o gulay na pwedeng kong lutuin. May ilang piraso ng maduming damit na dapat kong labhan na kinusot ko na lamang sa aking kamay upang magtagal lang ako at maubos ang oras. Gustuhin ko man na manood sa nakakalula ang laki ng flat screen tv sa sala ay hindi ko naman alam kung paano buksan. Ayoko naman gumamit ng cellphone at baka tawagan ako ni Tine at ng mga anak ko. Baka kasi habang kausap ko sila ay bigla na lang sumulpot ang aking amo at sigawan ako. Mahirap ng mabuko kung sino ba talaga ang kasama ko sa kasaluk

