"Hindi mo ako susunduin dito sa condo? Dito ako matutulog?" mga tanong ko kay Trevor habang kausap ko siya sa cellphone. Buong akala ko ay buong maghapon ko lang kailangan alagaan si Sir Damian at pagdating ng gabi ay uuwi ako ng mansyon ng mga Zarrate. Pero ng tawagan ko si Trevor para magtanong kung anong ako oras uuwi ay ano raw ang sinasabi kong uuwi ako gayong may alaga ako. Gusto ko man mainis ay kasalanan ko rin naman. Hindi ko nilinaw kay Trevor kung stay out o stay in ako dito sa condo ni Sir Damian Kung hindi ako uuwi, ibig sabihin lang ay talagang buong at magdamag kaming magkasama ng tatay ng mga anak ko sa isang bubong. Isang buntong-hininga na lang ang ginawa ko at saka umupo sa malambot na sofa sa sala. Mahaba naman ito at pwede talagang gawin na tulugan. Dito na lang a

