Abala ako sa pagtutupi ng mga tuyong damit na aking nilabhan habang nakaupo ako sa bakal na upuan samantalang pinapatong ko naman ang mga damit na nakatupi sa lamesang bakal. Tulog naman si Doña Dorina kaya naman sinamantala ko ang oras sa pagkuha ng mga sinampay sa sampayan at dito ko na rin itinupi para pag-akyat ko sa itaas ay akin na lamang isasalansan sa mga cabinet. Narinig kong bumukas ang sliding door ng likod ng mansyon kaya naman napagawi ang ang tingin ko doon. Iniluwa si Sir Damian na nakasuot ng plain white shirt at khaki short. Nakalugay na naman ang kanyang mahabang buhok. Kasama niya si Trevor na nakasuot naman ng printed blue t-shirt at nakapanatalong kulay itim na may hiwa na naman sa bandang tuhod. Pareho silang may hawak na in can na malamang ay nakakalasing na

