Talaga naman palang sasakit ang ngipin ko sa dami ng chocolates na binigay sa akin ni Trevor. Nakakahinayang naman na hindi kainin dahil tatak mamahalin at katakam-takam. Hindi ko naman pwedeng pakainin si Doña Dorina dahil bawal sa kanya ang pagkain nito. Nilagay ko na lamang sa sa freezer para unti-unti kong ginagawa na panghimagas sa araw-araw upang maubos ko lang. Tulad ngayong tanghalian, mag-isa na naman akong kumakain ng pananghalian. Bakit hindi pa ba ako sanay? Kahit naman noong nasa poder ako nina Tito Hernan ay mag-isa lamang akong kumakain ng tira nilang mag-anak at kung wala silang tirang pagkain, tubig ang aking magiging tanghalian o hapunan. Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa mamahaling chocolate. Kung dati ay masaya na ako kung may konting pagkain na sas

