Puting kisame at kakaibang amoy ang tumawag pansin sa aking kamalayan ng magmulat na ako ng mga mata. Waring amoy ng alcohol at gamot. Unti-unti kong sinanay ang aking paningin liwanag. Tila ba kay tagal ko ng nakapikit. "Ana Joy! Salamat naman at nagising ka na!" bulalas ni Tine at saka niya ginagap ang aking kamay at maluha-luha na nakatunghay sa akin na para bang miss na miss niya ako at matagal kaming hindi nagkita. Natulog lang naman ako. Hindi naman ako umalis. Nanghihina pa rin ang pakiramdam ko. Wala pa rin lakas ang katawan ko na kumilos ng mabilis ngunit mas maayos na kung ikukumpara sa huli kong kalagayan sa naalala kong eksena sa ambulansya. Halos mawalan na akong ng hininga kung hindi lang ako kinabitan ng oxygen. Dehydrated na ako at wala ng ugat na mahanap para sa dextro

