Episode 60 Damian

2039 Words

Halos paliparin ko ang minamaneho kong sasakyan. Makarating lang agad sa bahay. Dapat pala ay tinawagan ko muna si Trevor bago ako tumuloy sa bahay niya. "Narito ba sa loob ng bahay si Trevor?" tanong ko agad sa isa sa mga kasambahay na babae sa aking bahay na pinagbuksan ako ng pinto. "Nasa sala po sila, Sir. Kasama na po ang Mama niyo." Sagot naman niya habang nakangiti. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makarating agad sa sala kung saan ko matatagpuan ang taong buong akala ko ay hindi ko na muling makikita at makakasama. At matapos nga ang limang taon. Nakita ko na ulit siya. Ang aking Ina. Halos hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman ng makita ko siya. Narito siya sa bahay ko. At higit sa lahat ay buhay siya. Buhay na buhay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD