"Sir, wala po si Ma'am Debborah at Doña Dorina. May schedule raw po sila sa isang therapist ngayong araw." Imporma ko kay Sir Damian na hinahanap ang kanyang Mama at kapatid. Nagpaalam kasi sa akin si Ma'am Debborah kaninang umaga. Hindi na nga niya ako.sinama para daw mapractice na si Doña Dorina na wala ang aking presensiyan sa paligid. Tumingin naman sa akin ng seryoso si Sir Damian. "M-may kailangan po kayo, Sir? Gusto niyo na po bang kumain ng tanghalian?" tanong ko dahil halos kagigising lang mula sa pagtulog ng aking among lalaki. Lampas alas onse na ng umaga kaya naisip kong tanghalian na ang ialok ko sa kanyang pagkain. "Bakit hindi ka kasama kung umalis pala si Mama? Hindi ba tungkulin mo na samahan siya dahil iyon ang gusto niya? Paano kung hanapin ka niya at biglang may ma

