"Don't tell me na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin kumbinsido na mga anak mo sina Duke, Drei at Dreau? Damian, you need to visit an optalmologist at malabong-malabo na ang mga mata mo." Payo ni Trevor na kararating lang dito sa bahay. Alam kong hindi naman ako ang dahilan kung bakit siya narito. Ang triplets ang dinadalaw niya dahil na rin sa mga hawak niya na plastic bag na may tatak ng sikat na toy store. Naisip ko tuloy na palitan ang laruan na kailan lang ay naapakan ko ng hindi sinasadya kaya nasira. Tinanong niya ako kung ano ang balak ko sa mga bata. Ngunit ang sagot ko ay wala dahil wala naman talaga akong balak dahil bakit naman ako magkakaroon ng plano tungkol sa kanila. Hindi ko sila mga ka anu-ano. May sarili silang magulang at hindi ako 'yon. "Bro, hindi mo ba nakikita sa

