"Sigurado ka ba talaga, Ana Joy? Ayaw mong ipa-DNA test ang mga bata?" untag ni Tine sa akin habang abala akong nilalabhan ang mga pinagbihisan ng tatlo kong anak matapos silang maligo sa swimming pool kanina. "Oo, Tine. Huwag na at hindi na kailangan." Nakangiti kong sagot kahit ang totoo ay nagdurugo ang puso ko para sa mga anak ko. Bakit kailangan pa nila na dumaan sa isang DNA test para lang mapatunayan nila na mga anak sila ni Sir Damian? Hindi lang ako ang na insulto kung hindi pati na rin ang pagkatao ng mga anak ko. Kaya hindi ko kailangan na patunayan pa na nagsasabi ako ng totoo. Okay lang naman na wala ng kilalanin na Tatay ang mga anak ko. Dahil doon naman sila nasanay. Sanay naman sila na ako lang ang kilala at nag-iisa nilang magulang. Kaya hindi na, huwag na at salamat na

