"Ana Joy, mag-ingat kayo ng Nanay mo sa bago ninyong bahay. Alagaan mo rin ang sarili mo lalo pa at ikaw lang ang gumagawa sa lahat. Huwag kang mahiya na humingi ng tulong kung kailangan mo. Laging bukas ang pinto ng bahay ko." Bilin ni Aling Piling habang pinanonood na isa-isa ng hinahakot ang lahat ng mga gamit namin ni Nanay Dorina dito sa maliit na kubo na nagsilbi naming tirahan sa loob rin ng ilang buwan. Nagdesisyon kasi ako na lumipat ng ibang lugar kung saan malapit lang sa ospital at sa mismong bayan. Iniisip ko kasi ang kalagayan ko. Nahihirapan na ako sa mahabang biyahe kapag kailangan kong magpunta ng palengke para sa pang araw-araw na pangangailangan at sa ospital para sa monthly check-up na kasama ko pa si Doña Dorina na kailangan pang akayin kapag naglalakad. Halata na r

