Episode 38

1025 Words

Sabi ng iba, mahirap daw ang magdalang-tao lalo na kapag nasa stage ng paglilihi. Meron daw na nakahiga lang at hindi pwedeng bumangon dahil baka duguin at makunan. Meron suka ng suka at sobrang nanghihina na dahil hindi makakain ng maayos. Meron pa ngang nako-confine sa ospital dahil sa mga komplikasyon dulot ng pagbubuntis. Pero salamat naman ng marami at hindi ako maselan maglihi. Basta lang akong nahihilo at nasusuka pero nakakapagtrabaho pa naman ako. Ginagampanan ko pa ng maayos ang mga dapat kong gawin. Dahil kailangan. Dahil wala naman akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lang. Paano na lang si Doña Dorina kung hindi ako nakakabangon sa aming hinihigan? Sino ang magluluto ng aming pagkain? Sino ang maglalaba? Ang mag-aasikaso sa aking alaga? Kaya malaki talaga ang pasasal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD