Episode 45

1033 Words

"Ilang buwan na lang manganganak ka na. Kailan ka ba magpa ultrasounds? Para sana malaman na natin kung ano ang kasarin ng matakaw na baby sa tiyan mo. Kailangan ko ng magpractice kung paano ko hahawakan si baby. Kung paano ang tamang pagkarga sa kanya. Lagi kaming mamasyal sa labas para maarawan siya at siyempre para masilayan ng buong baryo ang kagandahan o kagwapuhan ng aking inaanak." Tila nangangarap pa si Tine habang may hinehele sa kanyang mga braso. Wala siyang pasok sa trabaho kung kaya narito siya sa bahay. Nakaupo ako sa isang lumang monoblock habang pinapanuod kong maglaba ang aking kaibigan. Hinihintay ko na mabanlawan niya na ang kanyang mga sinabunan na damit para ako na ang magsampay. Alam kong tulad ko ay sabik na siya na manganak ako. Malapit na rin namin malaman kung an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD