Ngayon na ang araw para malaman ko na kung ano ang kasarian ng aking anak na sobrang likot sa loob ng aking tiyan. Madalas akong magulat kapag bigla na lang gagalaw. Hindi na rin ako makalakad ng maayos sa bigat ng tiyan ko. Si Tine na ang umasikaso kay Doña Dorina. Pinakain niya na ito at pinaliguan. Pinainom ng mga gamot at vitamins na dapat inumin. "Ana Joy, kaya mo pa bang maglakad? Baka kailangan mo ng tulong?" nag-aalala na tanong ng aking kaibigan. Kahit kasi si Tine ay nahihirapan akong tingnan at panoorin na maglakad. Wari raw akong matutumba sa tuwing ako ay hahakbang. Ngumiti ako sa kanya para mabawasan ang kanyang pag aalala. Alam ko kung gaano niya kami kamahal kahit pa kailan lang naman kami nagkakilala at hindi naman kami magkadugo. Ang turing ko kay Tine ay isa ng tunay

