Episode 10

1281 Words
"Paano ko kaya lilinisan tong mga nagtataasang agiw?" bulong ko sa sarili habang nakatingala sa itaas ng mataas na kisame. Buhol-buhol na ang mga agiw pati na rin ang malaking chandelier. Nakakalula nga kung titingnan ang maka-agaw pansin na chandelier. Bilog ito at maraming palawit na hugis diamond. Nais ko sanang kalkulahin sa isipan ko kung magkano ang presyo pero naisip kung huwag na lang at baka hindi kayanin ng utak ko. Sa gara at laki ng chandelier ay malamang nasa libo ang halaga o higit pa. Kaya naman nakakahinayang na natatabunan lamang ng agiw at alikabok . "Kapag siguro nilinis ko 'tong chandelier ay mas kikinang lalo. Totoo kaya ang mga dyamante at crystal na nakasabit sa paligid niya?" tanong ko ulit. Unti-unti ko na kasing nililinis ang loob ng mansyon. Tuwing mahimbing ang pagtulog ng Doña Dorina ay sinasamantala kong maglinis ng sa ganoon ay mabawasan naman kahit paano ang kapal ng alikabok dito sa loob ng mansyon. Inaalis ko na rin ang mga agiw ng mga gagamba sa paligid basta abot ng mahabang pang-agiw na walis. Ang hindi ko lang talaga maabot ay mataas na ceiling dito sa sala at ang napakagandang chandelier na kung malinis ay mas gaganda ang kinang ng mga palamuti. Naalala kong may nakita akong hagdan sa likod bahay. Mabuti na lamang at magaan lamang ang hagdan na gawa sa aluminum kaya naman kayang-kaya kung bitbitin. Foldable din naman kaya hindi problema kung kasya ba sa pintuan. Pinwesto ko siya sa harap ibaba mismo ng chandelier. "Salamat naman at naabot ko na," usal ko ng umakyat ako ng dahan-dahan at maabot ng hawak kong pang-agiw ang chandelier. Ewan, pero habang tahimik at seryoso akong naglilinis ay naaalala ko ang sinabi sa akin ni Manong driver ng tricycle. Na pinatay ni Sir Damian ang sarili niyang asawa. "Grabeh! ganun ba talaga kasama si Sir para patayin ang sariling kabiyak?" tanong sa aking sarili. Patapos na akong maglinis ng biglang may nagsalita. "Anong ginagawa mo?" Dahil sa pagkagulat at pagkataranta ay hindi ko nagawang i-balanse ang timbang ko kaya naman alam kong mahuhulog ako. "Ah!" Tili ko at pumikit na lamang dahil alam kong lalagpak ako sa matigas na marmol na sahig ng mansyon. Ngunit ang inaasahan kong pagbagsak ay hindi nangyari dahil may sumalo sa katawan ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Si sir Damian, na seryosong nakatingin sa akin habang salo-salo ko sa kanyang mga bisig. Ewan pero bakit ang gwapo ni Sir Damian sa aking paningin. Para bang hindi ko nakikita ang sunog na bahagi ng kanyang mukha.. Tanging makikita ko lamang ay ang matangos na ilong na nais kung pisilin. Ang kanyang mga mata na pinarisan ng makapal na kilay at pilikmata ng malalantik ay hindi maipagkakaila ang lungkot at nais kong arukin kung bakit. "Ana Joy?" may pagka-inis sa kanyang tinig ng tawagin ang aking pangalan. Tila naman ako nagising sa isang panaginip. "Sorry po, Sir." Paghingi ko ng pasensya at mabilis na umalis sa matigas na bisig at malapad na dibdib ni Sir Damian. "May kuryente ba o apoy ang katawan ni Sir Damian?" tanong ko sa aking sarili. Para kasi akong nakuryente na naman. Inayos ko pa ang aking damit. Naka spaghetti strap akong sandong dilaw at maikling dolphin short na kulay cream. Nahiya ako dahil ganun lamang ang suot-suot ko. Gayong itong lalaking nasa harap ko ay naka three piece suit na parang gusto ko tuloy ayusin ang kurbata niya kahit hindi naman kailangan. "Anong ginagawa mo?" ulit niyang tanong sa seryosong tinig at tumingala pa sa kisame. "Naglilinis po ko Sir Damian at inaalisan ko po ng agiw ang chandelier." Agad ko namang sagot. Nanatili lamang nakatingala sa chandelier si Sir Damian. Seryosong nakatingin o may naalaala siya sa bagay na tinitingnan. "At sinong nag-utos sayo para maglinis?" matigas niyang tanong sa akin habang seryoso pa rin na nakatunghay sa chandelier. "S-sir, wala po. Naisipan ko lamang po. Kasi po maagiw na po at maalikabok." Nakangiwi kong pagpapaliwanag. Kinakabahan na ako. Nanlalamig at namamawis na ang aking mga palad. Tumingin ako sa ibaba ng marahas akong lingunin ni Sir Damian. "Tanging utos ko lamang sayo ay ang bantayan ang Mama ko. Wala akong sinabing maglinis ka lalong-lalo na ang pakialaman ang mga bagay sa bahay na to!" Dumagundong ang boses ni Sir Damian sa buong mansyon. Marahas akong napalunok at mariin din akong napapikit habang sinisita ni Sir Damian. "Ano namang masama sa paglilinis?" naitanong ko tuloy sa aking sarili. "Sir, napaka-alikabok na po ng bahay. Iniisip ko lamang po na baka ma-allergy si Doña Dorina kapag nalanghap ang mga alikabok dito sa bahay." Maagap kong sagot pero nananatiling nakatutok ang tingin sa ibaba. Ayoko kasing salubungin ang mga mata ni Sir Damian na malamang na nag-aapoy na naman at nais akong tupukin gayong naglinis lang naman ako ng mansyon niya. "Pasensya na po kayo, Sir. Hindi ko po alam na ayaw niyo po pala ng malinis na paligid." Dugtong ko. "Pino-pilosopo mo ba ako?!" asik niya ulit sa akin. "H-hindi naman po, Sir." Alam kong nakatitig siya sa akin pero ayoko talagang salubungin ang kanyang paningin. "Kumusta si Mama? " maya-maya'y tanong niya. "Ganun pa rin po, Sir. Natutulog na po siya ngayon. Napakain ko na po at nalinisan ng katawan. Pinainom ko na rin po ng mga vitamins niya." "Good, siguraduhin mong na alagaan mo ang Mama ko dahil katumbas ng buhay mo kapag may nangyaring masama sa kanya." "O-opo, Sir." Sagot ko. "Ipaghanda mo ako ng pagkain." Utos niya. "Opo." Saka lamang ako napataas ng tingin ng makita kong tumalikod na si Sir Damian at nagsimulang umakyat sa hagdan. Ewan pero bakit hindi ko maalis ang paningin ko habang pinapanuod siyang humahakbang paakyat sa itaas. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanyang likuran. "Tatayo ka na lang ba riyan?!" biglang sigaw niya ng ako ay lingunin. Nasa ikasampung baitang na siya ng dalawampung baitang ng hagdan. Para siyang hari na na aking tinitingala. Makapangyarihan. At hindi mababali ang anumang iutos. "Ay! Sorry po! Sir! Paghahanda ko na po kayo." Dali-dali kong sagot at madaliang umalis papuntang kusina. Habang ako ay naghihiwa ng karne ng baboy na aking iluluto ay hindi ko maiwasang masagi sa aking isipan ang eksena namin kanina ni Sir Damian. Bakit parang ayokong umalis sa kanyang mga bisig habang ako ay buhat-buhat mula sa pagkakasapo niya sa akin? Tila ba namamagnet ang aking mga mata para titigan siya. Waring habang buhat niya ako at alalayan upang tumayo ay tila nakarinig ako ng isang awit. Sa naisip ay ay natampal ko ang sariling pisngi. Napapala ng matanda na pero fairytale pa rin ang binabasa. "Ano ba tong iniisip ko? At iniisip ko bang si Sir Damian ay isang Beast at ako ay isang Beauty?" Totoo naman Beast si Sir Damian. Sa panlabas na anyo at maging sa ugali. Sana nga lang ay tulad sa kwento ay magbabago ang itsura at ugali ni Sir Damian kapag hinalikan ko. Natutop ko ang sariling bibig sa nararating ng aking imahinasyon kahit ako lang naman ang nakakaalam. "Halikan?! Anong halikan?! Hindi kaya mapatay talaga ako ni Sir Damian kapag nabasa niya ang laman ng aking isipan?" At binatukan ko rin ang aking sarili. "Magluto ka na nga! Anu-ano ang iniisip mo! Sa fairytale lang mangyayari ang mga ini-imagine mo," sabi ng utak ko. Napa buntong-hininga ako at tila nanghihinayang. Nanghihinayang sa? Na sa fairytale lang mangyayari ang halik ni Beauty ang nakapagpa-iba sa anyo at ugali ni Beast o ang katotohanan na nasa reyalidad ako at kailanman ay hindi magiging isang Beauty sa isang Beast na gaya ni Sir Damian. Parang sumakit ang puso ko sa kaisipan na 'yun at hindi ko maunawaan kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD