Episode 9

1308 Words
"Manong, para na po riyan sa tabi," sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko pauwi ng mansyon. Tinotoo nga ni Sir Damian na patunguhin ako sa bayan para makabili ng mga sarili kong pangangailangan. Bagong damit, mga bagong panty at bra, bagong tsinelas, bagong sapatos at kung anu-anong pang gamit na pambabae ang mga binili ko. Hindi ako magkamayaw sa pamimili sapagkat talagang ngayon ko lamang naranasan muli ang mamili ng gamit pansarili. Noong nabubuhay naman si Mama at Papa ay madalang lang din naman nila akong mabilhan ng mga gamit sapagkat sapat lamang ang kita ni Papa para sa pang araw-araw namin na pamumuhay. Nang makakita ako ng ternong panali ng buhok na katulad ng nauusong mother and daughter ay agad ko itong binili. Kung nabubuhay lang ang Mama ko ay ibibigay ko sa kanya ang isa ng sa ganun ay pareho kami ngunit dahil wala na siya ay kay Doña Dorina ko na lamang ibibigay. Napansin ko kasing wala man lamang panali sa buhok ang mayamang Doña gayong napakahaba na ng kanyang abuhing buhok. Muntik ko na nga yatang magastos ang lahat ng pera ko sa sobrang dami ng nais kong bilhin. Itinabi naman ng Manong driver ang kanyang sasakyan ngunit nagtaka ako na medyo malayo pa sa gate ng mansyon. "Dito ka pala nakatira sa mansyon ng mga Zarrate?" nagtatakang tanong ni manong driver habang nakatingin sa Malaking lumang gate. "Opo, kasambahay po ako diyan." Nakangiti ko namang sagot habang sinasamsam ang mga plastic bag na pinaglalagyan ng mga binili ko. "Mabuti at pumasok ka sa kanila? Hindi mo ba nabalitaan na mamamatay tao ang mga nakatira sa riyan?" halos pabulong na saad ni Manong. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o maiinis sa ka-tsismosohan ni Manong driver. "Paano ninyo naman po nasabi? Nakita mo po bang may pinatay sila?" nais ko sanang mairita pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado ang boses ng hindi lumabas ng walang-galang. "Hindi ka marahil taga rito kaya hindi mo alam ang kwento. Dati hindi ganyan ang itsura ng mansyon na 'yan. Maganda at maayos ang lugar na 'yan. Parating bagong pintura at hindi mo makikita na masukal o may mga naglalakihang mga talahib sa loob man o labas ng bakuran. Ngunit isang araw ay bumulaga sa buong lugar na ito ang isang aksidente." Kahit ayoko naman makinig sa kwento ni Manong ay hindi ko maiwasang hindi makinig dahil ang daldal niya. Ayoko naman na iwan siya habany ganadong nagsasabi ng kwento, kaya naman nanatili muna ko para pakinggan siya. "Aksidente? At ano namang klase ng aksidente?" bulong ko sa aking isip. "At nakita ang bangkay ng isang babae sa sunog na sasakyan hindi kalayuan dito." Humina ulit ang boses ni Manong sa pagkukwento. Wari bang iniiwasan niyang may makarinig gayong kahit kanina pa umaabot sa kung saan ang kanyang tinig. Akala mo ba ay nagbebenta ng mga paninda sa palengke. "Ano naman po ang kinalaman ng mga Zarrate sa bangkay ng babae?" balewala kong tanong habang naghahanap na ng barya na ibabayad ko sa aking bagong shoulder bag. "Ang bangkay ng babae ay walang iba kundi si Ma'am Suzi, ang asawa ni Sir Damian Zarrate." Saktong inabot ko na ang bayad kay Manong ng sabihin niya ang kanyang huling pangungusap. Asawa ni Sir Damian? Kung ganun ay mayroon na pala siyang asawa? Ewan pero parang kumirot yata ang puso ko. Alam mo 'yung parang nakaramdam ng paghapdi dahil sa pag lamukus. "Sige, Ineng, basta mag-ingat ka parati sa loob ng mansyon na 'yan at kung mabigyan ka ng pagkakataon ay umalis ka na. Dahil ang itinuturo na pumatay kay Ma'am Suzi ay ang mismong asawa niyang si Sir Damian." Huling sabi sa akin ni Manong bago paandarin ang kanyang tricycle upang umalis at iwan na ako. Tinanaw ko ang tricycle na tanging usok ng tambutso na lamang ang naiwan. "Aksidente? Sunog? Kaya ba may sunog din sa parte ng katawan si Sir Damian? Bakit naman nya papatayin ang sariling asawa?" Wala sa loob akong naglakad habang sakbibi ng mga tanong na hindi ko alam kung kanino ko malalaman ang katotohanan. Hindi mawaglit sa aking isipan ang mga nalaman ko. Parang nagbalik muli sa akin 'yung takot noong araw na may nanloob sa aming bahay at bugbugin ng walang laban si Tito Hernan. Araw na sapilitan kaming dukutin ni Cianna. Araw na naroroon ako sa isang club na pugad ng mahahalay na gawain. Lahat ng iyon ay may kinalaman si Sir Damian. Pero kung tutuusin si Sir Damian ang nag-alis sa akin sa poder nina Tito Henan at sa pamilya niya. Si Sir Damian din ang nagligtas sa akin doon sa club. Baka nalaspatangan na ang katawan ko kung hindi niya ako isinama dito sa mansyon niya. Ngunit hindi rin naman mababago ang katotohanan. Nawala man ako sa puder nina Tito Hernan, narito naman ako sa poder ng isang estranghero. Iniligtas man ako ni Sir Damian. Alipin naman niya ako. Utusan na hindi pwedeng tumanggi sa anumang kanyang iutos at ipagawa. Nahintakutan ako ng masagi pa sa aking isipan ang nakakatakot na awra ni Sir maging ang kanyang nakakatakot na pisikal na anyo. Hindi malayo sa katotohanan ang sinabi ni Manong driver. Marahas akong napalunok ng sariling laway ng maisip kung anong klase ng buhay ang meron ako ngayon. "Paano nga ako makakaalis dito? Makakalaya pa ba ko? O ang tamang tanong ay kung buhay pa ba ako sa oras ng makatakas ako rito?" Mga tanong sa isipan ko. Nagulat pa ako ng umingay ang lumang gate dahil binuksan na ito ng guwardiya ng nakatalaga para magbantay. "Bilisan mo, kanina pa tawag ng tawag dito sa cellphone ko si Sir Damian at panay ang tanong kung bakit wala ka pa." Naiinis na wika ng guard na kamukha ng mga goons sa mga pelikula at tipong tambay sa kanto na naglalakihan ang katawan ang itsura. Seryoso at hindi rin yata marunong ngumiti sa kaseryosohan. "Ay ganun ba," sagot ko at nagmamadali ng makauwi sa mansyon. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad. Baka lalo pang magalit sa akin kapag nagbagal pa akong lumakad "Bakit ba kasi hindi ko namalayan ang oras?" pinapagalitan ko na ang aking sarili dahil masyadong nag-enjoy sa pamimili at nakinig pa kasi ako sa kwento ni Manong. Hiningal pa ako ng ipihit ko pabukas ang pinto upang makapasok ako sa loob. "Ay! Kabayong mukhang halimaw!" bulalas ko ng pagbukas ko at mabungaran ang seryosong mukha ni Sir Damian na naka-abang yata sa pagdating ko. Nabitawan ko rin ang ilan sa mga dala-dalahan ko sa pagkagulat at hindi sinasadyang nagkalat sa marmol na sahig. "Mabuti naman at umuwi ka at hindi naisipang tumakas. Mag-uutos na sana ko sa aking mga tauhan para halughugin ang lugar na ito mahanap ka lang." Seryoso niyang sabi. Ewan pero naririnig ko yata sa utak ko ang sinabi ni Manong driver na mamamatay tao si Sir Damian. Kung kaya parang mas lalo akong nanginginig sa takot sa pwede niyang gawin sa akin. "Pa-pasensya na po, Sir. Nag-enjoy po ako sa pamimili at hindi ko namalayan na lumipas ang mga oras." Sagot ko at nahihiya pa akong yumukod para pulutin ang mga pinamili ko na nagkalat. At sa lahat pa naman ng pwede kong mabitawan ay kung bakit ang plastic kung nasaan ang mga ternong panty at bra ang nahulog. Nagmamadali akong damputin ang mga nagkalat kung underwear. "Dalian mo na riyan at nagugutom na ako. Pakainin mo na rin si Mama." Utos niya sa akin at napagawi ang tingin sa mga pinupulot kong panloob na damit. Agad ko namang ibinalik sa plastic na sisidlan ang mga pinulot na gamit. Narinig ko pang napa "tsk" si Sir Damian. "Nice color." Sabi niya at tuluyan akong iniwan. "Jusme! Ana Joy! Sa lahat pa naman ng pwede mong ilaglag bakit ang panty at bra pa!" naiinis kong wika sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD