"Ngayon lang kasi nakatulog si Doña Dorina. May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. "Gusto ko lang sanang uminom ng malamig na tubig." Ang sagot niya. "Ako na ang kukuha ng tubig." Pagprisinta ko at tumayo para kumuha ng malinis na babasaging baso at kinuha ang babasagin din naman pitsel sa loob ng refrigerator at saka nag salin ng tubig. "Heto na." Sabay abot ko kay Trevor na mataman lang naman na nakatingin sa akin. Ngumiti siya at tinanggap naman ang malamig na tubig. "Salamat. Hindi mo man lang ba gustong itanong kung bakit ko nasabi na minsan ayoko ng umuwi sa condo ko?" tanong niya habang nakatingin sa baso ng tubig. "Bakit mo nga ba nasabi?" balewala ko namang tanong kahit hindi naman talaga ako interesado. "Kasi pag-uwi ko doon ay mag-isa na naman ako. Walang kasama, walan

