Episode 68

1026 Words

Nilibot ko na yata ang apat na sulok ng silid ni Doña Dorina dahil kanina pa ako hindi mapakali at lakad ng lakad. Patag na patag na ang sahig dahil sa wala akong tigil na pabalik-balik. Lipad ang utak sa kung anong pwedeng mangyari. "Ana Joy, nahihilo na ako sayo. Why don't you sit down and relax. Baka mauna ka pang atakihin sa puso kapag nagkataon," sabi ni Debborah na kanina pa rin may tinatawagan sa cellphone niya ngunit ring lang ng ring at hindi sinasagot. Marahil ay si Sir Damian o kaya naman ay si Trevor. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan. Hindi ko kasama ang triplets at ang Tatay naman nila ay nagpunta mismo sa lugar kung nasaan ang isang mapanganib na tao. Paano kung may mangyaring masama at hindi ko man lang nasabi kay Sir Damian ang tungkol sa triplets? "Pasensya na, Ma'am

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD