"May natanggap akong tawag sa isa sa mga tauhan ko. Nakita raw si Jerwin dito sa Manila." Seryosong saad ni Sir Damian ng pumasok sa silid ni Doña Dorina. Kinabahan ako agad. Nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili kung hindi sa mga anak ko. "Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagbabantay dito sa labas at loob ng bahay. Walang papasok at wala na rin lalabas maliban na lang sa akin at sa mga tauhan na nagbabantay hanggat hindi na pa nahuhuli ang traydor na doktor na iyon." "Hindi pwede! Paano ako makakauwi sa mga anak ko?" agad kong pagtutol sa aking isipan. "P-pero, Sir. Paano po ako? Ibig po bang sabihin ay hindi na rin ako pwedeng lumabas ng mansyon?" nag-aalala kong tanong. "Narinig mo naman siguro ang mga sinabi ko. Kailangan natin mag-ingat dahil hindi natin alam kung ano ang

