Basta na lang kami sumakay ni Doña Dorina sa humintong jeep sa harapan namin kanina. Nakisabay kami sa daloy ng mga taong nag-unahan na makasampa sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa. Naisip kong umuwi kina Tito Hernan ngunit baka alam ng taong iyon kung nasaan ako nakatira dati at madamay ang buong pamilya ko. Sa narinig mula sa mismong bibig niya ay alam kong hindi siya mangingimi na idamay ang lahat para sa kanyang maitim na balak. At ayokong mapahamak sina Tito Hernan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Kinurot ko pa ang sarili ko upang magising kung panaginip lang ang mga nangyari ngayong araw. "Miss, saan kayo?" untag sa akin ng driver ng jeep. Nakatingin siya sa salamin sa bandang itaas ng kanyang ulo. Marahil ang ibig sabihin niya ay saan kami

