Episode 34

1607 Words

"Doña Dorina, hahanap po tayo ng doctor. Kailangan po na maresetahan kayo ng mga gamot at vitamins dahil baka mas lumala kayo," saad ko sa alaga ko habang narito na kami sa maliit na bayan ng malayong probinsya kung saan kami napadpad. Nagtatalo man ang isip ko kung pupunta kami sa mataong lugar ay kailangan kong sumugal. Natatakot kasi akong baka nasundan kami rito ng mga taong nais kaming patayin at inaabangan lang kami na lumabas. Pero kailangan kong unahin ang kalusugan ni Doña Dorina. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Sir Damian kapag nalaman niyang pinabayaan ko ang kanyang Mama? Kaya naman lakas-loob na akong makikilagsapalaran dahil kailangan ng alaga ko ng mga gamot. Isa pa ay wala kaming gamit. Pinahiram lang kami ng matandang babae na nagmamay-ari ng aming upahang kubo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD