Mabuti na lang tanda ko ang lahat ng mga pangalan ng mga gamot at vitamins na iniinom ni Doña Dorina. Lahat kasi ay tinanong ng babaeng doktor na sumuri sa kalusugan niya. Mapait akong ngumiti. Hindi na ako nagulat sa mga narinig sa doktora tungkol sa kalusugan ng aking alaga. Hindi ko alam kung bakit ngunit talagang wala naman akong alam. Matapos makuha ang lahat ng reseta ng mga gamot at vitamins na dapat kong bilhin ay nagpapasalamat na ako sa doktor at babalik na lang sa susunod na buwan upang mapa check up ulit si Doña Dorina. Kailangan ko namang humanap ng botika kung saan mabibili ko lahat ang mga nakasulat sa papel na binigay sa akin. "Ana Joy, ano kamusta? Napa check up mo ba ang Nanay mo?" hindi ko akalain na makikita ko pa si Tine sa paglabas namin ng ospital. Buong akala k

