"Nanay, na miss ka namin. Sana huwag na po kayong umalis. Kailan po ba uuwi si Lola? Hindi pa po ba siya magaling? Hindi pa po ba siya pwedeng umuwi na? Miss na miss na namin si Lola." Maluha-luha na sambit ng aking ng anak na babae. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang magandang buhok. Nais kong sabihin na kung alam niya lang ay miss na miss na rin sila ni Doña Dorina at nabanggit na naman ng kanyang Lola ang kanyang pangalan. "Miss ka na rin ni Lola, Dreau. Alam mo ba na nagsalita siya at sinabi ang pangalan mo." Kwento ko naman. "Talaga po, Nay?" si Drei ang nagtanong at nanlaki pa ang dalawang mata ng marinig ang aking sinabi. Tumango naman ako. "Bakit si Dreau lang ang tinawag niya? Kami po ni Duke?" "Siyempre at tinawag niya rin kayo." Pagsisinungaling ko na lang dahil ayoko

