"Damian, please stop and try to fixed yourself! Wala naman maayos ng pag-inom mo ng alak sa kung anong problema mo!" malakas na sigaw sa akin ni Trevor at saka pilit na inagaw sa aking kamay ang baso na may laman na alak. "Leave me alone! Pabayaan mo ko! Hindi ko kayo mga kailangan!" sigaw ko rin naman sa kanya. Lasing na ako pero alam ko pa naman ang ginagawa at mga lumalabas sa bibig ko. "Bro, lasing ka na! Wala ka na ba talagang ibang balak gawin kung hindi ang mag-inom ng mag-inom ng alak? Pati mga negosyo mo napapabayaan mo na. Tumawag sa akin ang secretary mo at marami na raw ang naghahanap sayo sa kumpanya. Tambak na ang mga dapat mong pirmahan pero heto ka at nagmumukmok sa bahay mo. Inuubos ang mga naka-stocks na alak at nag-iisa. Samantalang noong isang linggo lang ay hindi kit

