Kinakabahan man habang humahakbang papasok sa loob ng bahay ng hideout ay hindi ko naman mapigilan na mag-alala kay Sir Damian. "Ano na naman ba ang ginagawa niya sa lugar na ito? May tao na naman ba siya na pinadukot at ikinulong na naman habang pinaparusahan?" mga nakakakilabot kong tanong ng maalala kung paano niyang pinarusahan si Dr. Jerwin dati. Napayakap tuloy ako sa aking sarili ng maalala ang kalunos-lunos na sinapit ng doktor sa kamay ng mga tauhan at maging sa aking amo. Sumusunod lang ako sa bawat malalaking hakbang ni Trevor. Bawat mga tauhan na makakakita naman sa amin ay nagbibigay galang at bumabati ng magandang gabi. Nakakailang dahil pati sa akin ay bumabati sila na para bang amo rin nila ako. Kaya tanging tango at alanganin na ngiti na lang ang aking sinasagot. Ilan

