"Trevor, hindi ba magagalit si Sir Damain at dito mo na naman kami dinala sa bahay niya?" tanong ko kay Trevor na kasalukuyan ng pumapasok sa malawak na bakuran ng mansion ng mga Zarrate ang kanyang sasakyan. Inaamin ko na na-miss ko ang lugar na ito kahit halos isang buwan lang kaming nawala. Tulog pa ang mga anak ko sa mahaba namin na naging biyahe kaya walang maingay. Siguradong sa paggising nila ay magugulat sila na narito na kami ulit sa mansion ng kanilang Auntie Debborah. Isang mensahe lang ang natanggap ko sa aking social media account galing kay Debborah. Ang sabi niya ay mag-usap na lang kami kapag nakarating na kami sa aming pupuntahan. Kanina ng inihayag ni Trevor na dapat kaming sumama sa kanya patungo dito sa lungsod ay wala naman akong pag-aalinlangan na naramdaman bagam

