Episode 3

1590 Words
"Hernan, paano na tayo ngayon? Hindi umabot kahit isang milyon ang nalikom namin na pera ng anak mo." Umiiyak na sabi ni Tita Claire kay Tito Hernan na nakaratay sa kama ng ospital. Naluluha ako sa tuwing pinagmamasdan ang itsura ng Tiyuhin ko. Magang-maga ang magkabilang pisngi habang hindi maimulat ang mga mata. Putok ang labi maging ang kaliwang kilay. Maraming bali-baling buto sa katawan bunga ng pagkaka bugbog sa kanya ng mga lalaking nanloob sa amin. Narito kami ngayon sa isang pampublikong ospital kung saan siya naka-admit. Hindi na kami nag report sa mga pulis tungkol sa insedente dahil ayaw ni Tito at baka raw lalo kaming mapahamak. Maimpluwensya raw ang taong pinagkakautangan niya at malamang na hindi mangingimi na kami ay patayin sa oras na malamang nagsumbong kami sa mga pulis. Kinabukasan ay mabilis pa sa alas-kwatro na nagbenta sila Cianna at Tita Claire ng mga gamit na pwedeng ibenta. Magkaroon lamang ng pera na pambayad sa utang ni Tito Hernan. Mga mamahaling bags, sapatos, mga alahas pati mga gamit sa bahay. Nag-withdraw na sila sa mga perang ipon nila sa bangko. Ngunit talagang hindi sapat kahit nangutang na rin sila sa mga kaibigan at mga kakilala. Natuklasan na lamang din namun na matagal nang isinanla sa bangko ni Tito ang titulo ng bahay. Kaya pala wala na rin ang gamit na kotse ni Tito Hernan ay naibenta na rin niya dahil sa kanyang bisyo. Napailing na lamang ako dito sa sulok habang mataman na lang nakamasid sa aking mga kamag-anak. Paano na nga kami kapag hindi nabayaran ang utang ni Tito Hernan? "Dahil sa pagkasugarol mo pati kami ng anak mo nadamay!" galit na asik ni Tita sa asawa habang umiiyak. "Saan mo ba nakilala ang mga taong 'yon Papa? Paano na lang kung patayin nila tayo? Sa mga itsura pa lamang nila ay mukhang hindi na mga nagbibiro. Pakiwari ko nga ay sanay na sanay na silang manakot,manakit at pumatay ng kapwa." umaatungal na si Cianna sa kanyang mga tinuran. Halata na rin sa itsura niya ang stress sa pag-iisip kung paano makakaipon ng ganong kalaki ang halaga ng pera. Ang masaklap pa, bukas na ang pangatlong araw na ibinigay na palugit ng mga masamang lalaki. "Kung tumakas na kaya tayo? Magpa kalayo-layo tayo? Out of town? Magpunta tayo ng ibang bansa?" desperadang suhestiyon ni Tita Claire at pabalik-balik ang paglalakad habang nginangatngat ang mga kuko ng daliri at nalilitong nag-iisip. Tingin ko nga ay biglang tumanda ang itsura ng Tiyahin ko. Biglang naglaho ang makinis niyang mukha at nagkaroon ng guhit ang noo. Siguro ay sa labis na pag-iisip kung paano makakaligtas sa pangyayaring ito. "Ma-ha-ha-nap din ni-la ta-yo." putol-putol at hirap na hirap na sagot ni Tito. Ekseheradong napahilamos sa mukha si Cianna. Sinabunutan ang sariling buhok at tuliro. "Kanino ka ba nangutang Papa? Baka pwede naman tayong makiusap pa kahit konting palugit?" giit ni Cianna. "Ka-y Da-mi-an Zar-ra-te." sagot ni Tito. Damian Zarrate? Kunot-noo kong pag-ulit sa narinig na pangalan. Mukhang pangalan pa lamang ay hindi na basta-basta. Parang mapanganib at nakakatakot. "Saan natin siya matatagpuan? Pupunta kami para makiusap." Determinado na wika ni Tita Claire. "Ano? Hihintayin na lang natin na bumalik ang mga g*gong 'yon at patayin tayo dito? Wala man lamang ba na makakatulong sa atin? Papa ayoko pang mamatay." Sigaw ni Cianna at humagulgol na naman ng iyak. Nakita ko ang paglandas ng mga luha sa mga mata ni Tito Hernan at mahirap man ay bumigkas. "So-sorry." Madamdamin niya na paghingi ng tawad. Tila naawa naman sina Cianna at Tita Claire sa dobleng hirap ni Tito. Kaya nakayakap sila sa nakaratay na padre de pamilya at saka nag-iyakan. Hindi ko rin kinaya ang eksena at bumuhos din ang luha ko. Dahil kahit anong ginawa nilang masama sa akin ay pamilya ko pa rin sila at masakit sa kalooban kong nahihirapan sila sa sitwasyon ngayon. Sana lamang ay magkaroon ng isang himala. Kahit sa sarili kong opinyon ay mukhang hindi basta-bastang tao ang inutangan ni Tito Hernan. Tama rin si Tito, kahit saan kami magtago ay mahahanap at mahahanap kami kahit pa saang lupalop kami magpunta. Dahil isang maimpluwensyang tao ang sinumang Damian Zarrate na 'yon. Kaya tanging isang himala lamang ang makakatulong sa sitwasyong kinakaharap namin ngayon. Ganun na lamang ang kaba sa aming mga dibdib ng dumating ang kinabukasan at wala man lamang isang milyon ang halaga ng perang hawak namen. Pare-parehas din kaming walang sapat na tulog at kain dahil sa problemang kinakaharap. Nais naming hilahin pabalik ang oras o kaya naman ay patigilin ang pag-ikot nito upang huwag umusad kahit ang segundo. Kung anu-ano na ang naiisip nina Cianna at Tita Claire para matakasan ang problema ngunit sila mismo ay nawawalan na ng pag-asa. Piso nga lang ang hirap hanapin sa daan. Sampung milyon pa kaya? Ako nga, halos isang buwan na nag-iipon ng mga bote, lata at plastic na pwedeng ibenta sa junk shop para lamang magkapera. Tapos sampung milyong piso pinabubuo samin ng tatlong araw? Kahit buong buhay akong mag-ipon ng mga basura, hinding-hindi ako makakaipon ng sampung milyon. Kinakabahan man ay umuwi kaming dalawa ni Cianna sa bahay upang kumuha ng mga ibang gamit. Nagmamadali ang bawat naming kilos dahil sa takot na maabutan ng mga kalalakihang nambugbog kay Tito Hernan. Ngunit paalis na sana kami nang makarinig ng sagitsit ng mga gulong ng sasakyan. Huminto ito sa mismong harap ng gate namin at maya-maya pa ay bumaba ang lalaki na pamilyar ang mga mukha. Ang mga lalaking kinatatakutan namin na dumating! Natutop ko ang aking bibig sa takot. Humawak din sa braso ko si Cianna. Pabalibag nilang binuksan ang aming gate at nagsipag pasukan ang mga sanggano na animo'y mga goons na kontrabida sa mga pelikula sa telebisyon. "Tamang-tama lang pala ang dating namin at naririto kayo. Saan kayo pupunta? Tatakas? Huwag na kayong mag-aksaya ng oras dahil kahit saan pa kayo magtago ay mahahanap namin kayo." Nakangising saad ng lalaking hinihanala naming lider sa limang lalaki at kinuha ang mga baril sa nakasuksok sa kani-kanilang tagiliran. "Hindi naman kami tatakas. Pupunta kami sa ospital dahil naka confine si Papa sa dahil sa kagagawan ninyo!" matapang na sagot ni Cianna bagamat kinakabahan. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Cianna dahil sa kanyang ginawang pagtaas ng boses. Batid kong lalo kaming mapapahamak kapag ipinagpatuloy ni Cianna ang ina asal. Tumawa ang mga lalaki sa narinig. Animo'y sayang-saya pa at nakakatawa ang mga sinabi ng pinsan ko. "Kasalanan ng magaling mong ama kung bakit namin siya binugbog. Pasalamat pa nga kayo at hindi namin siya tinuluyan at binigyan pa ng pagkakataon. Kung nagbayad lamang siyaa ng utang sa tamang oras ay walang problema. Pero binalewala niya ang mga tawag namin sa telepono at pinagtataguan niya kami. Akala naman niya makakatakas siya," turan ulit ng lider. "O siya! Nasaan ang sampung milyon?" tanong nito sa seryosong boses. Natigilan kamig pareho ni Cianna at nagkatinginan. Pareho kaming nangangapa ng dapat sabihin. "Eight hundred sixty thousand lang ang perang hawak namin." Sagot ni Cianna sa kalmadong tinig Naging mas mabalasik ang mukha ng lider ng grupo sa narinig. "Eight hundred sixty thousand? Wala man lamang isang milyon? Anong inaakala ninyo? Nakikipag biruan kame!?" sigaw nya at muntik na kaming mapatalon sa takot ni Cianna. "Maawa naman po kayo samin. Wala na ho kaming pera o gamit na pwedeng ibenta para pambayad sa inyo. Kung pwede ituro nyo samin kung nasaan ang boss ninyo para makausap namin." Lumuluha kong pakiusap dahil nararamdaman ko na rin ang panginginig sa takot ng ni Cianna sa kabila ng pinakikita niyang katapangan. Pinasadahan kami ng tingin ng lider habag nakangisi. Wari bang may kakaiba sa katawan namin ni Cianna. Maya-maya pa ay may itinanong siya sa mga kasamahan. "Palagay ba ninyo matutuwa si boss sa dalawang ito?" Pakiramdam ko ay nag sitaasan ang lahat ng balahibo ko sa narinig na tanong. Idagdag pa ang nakakakilabot at sabay-sabay nilang hiyawan na animo'y may nakakatawa sa sitwasyong kinakaharap namin. "Mali kayo mga Miss. Mayroon pa kayong maibebentang dalawa at palagay namin ay malaking pera rin ang ibabayad sa inyo. Total naman gusto ninyo kamong makausap ang boss namin. Madali lang naman kaming kausap. Hala! Sige at kunin ang dalawang to!" Sigaw ng lider at mabilis kaming sinunggaban ng mga kasamahan niya. "Hoy! Bitawan ninyo kami!" nagpupumiglas si Cianna sa dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilaan niyang braso. "Aray! Lintik kang babae ka!" sigaw kay Cianna ng isa sa mga lalaki at sabay sampal sa kaliwang pisngi ng pinsan ko. "Cianna!" sigaw ko naman nang makitang may dugo sa gilid ng labi niya. Gusto ko siyang daluhan ngunit mahigpit din ang pagkahawak sa akin ng dalawang lalaki na mahigpit din ang kapit sa mga braso ko. Kinaladkad kami ni Cianna palabas ng gate patungo sa kanilang mga sasakyan. Pilit kaming isinakay at ipinasok sa isa sa mga sasakyan. Agad naman nilagyan ng piring ang aming mga mata ng kamu matagumpay na maisakay. Binusalan din ang aming mga bibig at itinali ng mahigpit ang aming mga kamay at paa. Malayo ang aming kapitbahay, kaya malamang na wala sa aming nakarinig o kahit nakapansin. Wala pa namang naiwang tao sa bahay ni Nanay Biding dahil kasama niyang umuwi ng probinsya ang buong mag-anak. Samantalang maluwang ang seguridad sa subdivision kaya marahil malayang nakapasok ang mga masasamang lalaki kahit hindi naman sila nakatira dito. "Panginoon, kaawan po ninyo kami ni Cianna. Huwag po ninyo kaming hayaang mapahamak." Panay ang usal ko ng dalangin habang mabilis na umaandar ang sasakyan at hindi namin alam kung saan kami dadalhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD