Episode 2

1807 Words
"Ana Joy!" Narinig kong pagtawag sa aking pangalan dahilan kung bakit natigil ako sa seryosong pagwawalis dito sa harap ng aming bahay. Ang nakangiting si Nanay Biding ang nakita ko na masayang kumakaway sa akin. Iniwan ko sandali ang bakurang aking winawalisan at tumawid ng daan papunta sa harap bahay. Lumapit ako kung saan nakaupo si Nanay Biding at masaya akong bumati ng magandang umaga sa mabait na matandang babae na maituturing ko ng Lola. "Mabuti naman po at masaya kayo, Nay?" tanong ko ng makalapit sa mabait na matandang babae. "Oo, dadalawin kasi ako ngayon ng paborito kong alaga." Sagot ni Nanay Biding na malapad na malapad ang pagkaka ngiti. Sa mga kuwento sa akin ni Nanay Biding ay matagal siyang nanilbihan bilang kasambahay sa isang mayaman na pamilya. Kaya naman nang mag-resign na siya dahil sa katandaan. Binigyan siya ng malaking halaga bilang separation fee ng mga naging amo. Isa sa mga ibinigay ay ang lupa at bahay dito sa subdivision kung saan kasama niyang ang kanyang buong mag-anak. Mapapa-sana all ka na lamang hindi ba? Sana lahat ng mga amo ay kagaya ng naging amo ni Nanay Biding. May mabuting puso para sa kanilang mga naging kasambahay. Hindi naman talaga biro ang mga gawaing bahay dahil halos buong maghapon kailangan mong kumilos. Kaya saludo ako sa mga kasambahay lalo na sa mga ofw na nakikipagsapalaran pa sa tawid-dagat para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya dito sa Pinas. Napabuntong-hininga ako at napa-isip. Mabuti pa nga sila may sahod kapalit ng kanilang pagsisilbi. Samantalang ako kahit pisong duling walang ini-aabot ang aking mga kamag-anak. Madalas pa akong hindi bigyan ng pagkain. Kapag naman kumuha ako ng walang paalam ay halos isumpa ako nina Tita Claire at Cianna na tila ba nagkaroon ako ng isang mabigat na kasalanan sa kapirasong chocolate na may kagat na dahil tira na lamang nila. "Mabait ang alaga ko na 'yon at saksakan ng gwapo." Ekseheradong papuri ni Nanay Biding sa kung sinumang kanyang alaga. "Pakilala kita sa kanya." Nagniningning pa ang mga mata ni Nanay Biding habang nagsasalita. Halatang excited sa pagdalaw ng dating alaga na matagal niya na rin na hindi nakita. Masaya ako para sa kanya sapagkat napakanpositibo niyang tao. Malungkot akong napaupo sa isang puting monoblock at pinagmasdan ang matandang babae na hindi mababakas ang kalungkutan sa kabila ng katotohanan na nabibilang na lamang ang kanyang mga araw na ilalagi sa mundong ibabaw. Cancer. Isang uri ng karamdaman na mahirap labanan sa kasalukuyang panahon. Ayaw niya na rin naman na magpagamot o magpa-opera pa. Dahil baka lalo lang daw madali ang kanyang buhay kapag nag lagi sa ospital na pagda dalhan sa kanya. Mapait akong napangiti at tumingala sa maaliwalas na langit. Si Nanay Biding na nga lamang ang itinuturing kong pangalawang Nanay o Lola ay kukunin na rin ng nasa Itaas tulad ng mga magulang ko. Lahat naman tayo ay sa kamatayan ang tungo. Ngunit bilang isang tao na mahirap arukin ang hiwaga ng buhay. Hindi natin maiiwasan na minsan ay magtanong. Bakit kailangan maunang mamatay ang mga mabubuting tao sa mga masasamang tao? Maraming kriminal na gumagawa ng mga krimen na kadalasan ay karumal-dumal pa. Bakit hindi na lang sila ang unang kunin? "Salamat naman at naalala niya pa ho kayong dalawin, Nay," wika ko. Tumingin si Nanay Biding sa direksyon ko bago nagsalita. "Sinabi ko kasi sa kanya na mamamatay na ako at mumultuhin ko siya kapa hindi niya ako dinalaw kahit isang beses lang." Bahagya pa na natawa si Nanay Biding sa kanyang tinuran. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko sa binitawan niyang biro. Pero mabilis kong pinahid ang mga luha ko na mabilis na nag alpasan sa aking mga mata. "Nay, ang daya mo naman. Mawawalan na naman ako ng Nanay kapag iniwan mo ako. Sino na lamang ang dra-dramahan ko dito? Ikaw lang naman ang matiyagang nakikinig sa mga kwento ko." pinatulis ko pa ang aking nguso habang kunwaring nagdra-drama sa harap nya para magmukhang katawa-tawa ang itsura. Natawa naman ang matandang babae sa drama ko. "Kapag may umalis. May darating anak. Pwede mo namang baguhin ang buhay mo pero mas pinipili mong maging martir at magpa-alila sa mga kamag-anakan mo na walang ginawa sa kanilang buhay kung hindi ang utusan ka at saktan." Nakasimangot pa ang matanda sa kanyang mga sinabi. Batid naman kasi ng mga kapitbahay ko kung paano ako pag salitaan ng masasakit na salita at tratuhin na hindi tao nina Tita Claire at Cianna. "Dito ka muna. Hintayin mo na rin ang aking bisita." Pag-aya ni Nanay sa akin. "Naku! Nay, gustuhin ko man ay marami pa ho akong gagawin sa bahay namin." Nakangiti kong pagtanggi sa kanya at makalipas ang ilang pang minuto ay bumalik na ko sa bahay namin. Ipinagpatuloy ko ang mga gawaing bahay. Habang nagsasampay ako ng makapal na comforter ay napansin ko ang isang magara at mukhang mamahaling kulay itim na sasakyan sa harap ng bahay ni Nanay Biding. "Sa sasakyan pa lamang ay halata mo ng mayaman. Totoo naman kayang saksakan ng gwapo ang dating alaga ni Nanay Biding?" bigla kong naging tanong sa isipan ko. Palihim tuloy akong sumulyap sa harap-bahay at inaaninagan kung may makikitang akong tao. "Hoy! Ana Joy! Mabuti pa at tapusin mo muna ang gawain mo bago ka pa magka-kuliti sa mata sa kakasilip mo sa bahay ng may bahay!" asik ko sa aking sarili at bago pa ulit ako pumasok sa loob ay sinulyapan kong muli ang bahay nila Nanay Biding. Malungkot ako na naglakad sa pagpasok sa bahay. Dahil naalala ko ang dahilan kung bakit napadalaw ang dating alaga ni Nanay Biding sa kanya ngayon. Sabi niya nga, mamamatay na siya. Mawawalan na naman ako ng isang taong nagpapahalaga sa akin. Umusal ako ng panalangin na nawa'y maging malaya na sa karamdaman si Nanay Biding. Kinabukasan ay nag iyakan kaming dalawa ni Nanay Biding dahil sa biglaan niyang pagpa-paalam. Uuwi na raw siya sa kanilang probinsya sa Samar. Nais niya kasing doon bawian ng buhay at mailibing katabi ng puntod ng kanyang namayapang asawa at mga magulang. "Naniniwala akong darating ang swerte na para sayo, Ana Joy. Mayroong darating na magpapalaya at magliligtas sayo sa buhay mo ngayon. Bakit? Dahil napakabuti mong tao. Mag-ingat ka palagi at alagaan mong mabuti ang sarili mo." habilin ng matandang babaeng napamahal na sa akin. Kaya naman napakahirap magpa-alam. "Opo Nay, mag ingat din po kayo." Hindi ko maampat ang umaagos na luha sa aking mga mata habang tinatanaw ang palayong sasakyang lulan sina Nanay Biding. Napatingala ako sa kalangitan ng hindi ko na sila matanaw. "Panginoon, kayo na po ang bahala kay Nanay Biding. Ipagkaloob po ninyo sa kanya kung ano po ang nararapat." taimtim kong panalangin sa ikabubuti ng matanda. Ngunit? Totoo nga kayang darating ang araw na may magliligtas sa akin? Ano? Knight in shining armour lang ang peg? Pumasok na ako sa loob ng bahay at inabala ang sarili sa maghapong pagtatrabaho upang makalimutan ang lungkot sa pag-alis ni Nanay Biding. Kinagabihan ay agad akong nakapagpahinga dahil maaga rin nagsipasok sa kanilang mga silid ang aking mga kamang-anak. Malakas na ingay na waring may hinagis ang nagpabangon sa akin sa pagkakahiga galing sa mahimbing na pagtulog. Kasabay nang ingay ay sigawan naman na nanggagaling sa sala ng aming bahay. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto para alamin kung bakit maingay. Ngunit napa-atras ako at mabilis na nagkubli sa kurtina na nakatabing sa pagitan ng kusina at sala. Natigagal ako sa eksenang aking naabutan. May limang bilang ng hindi kilalang lalaki ang nasa loob mismo ng bahay namin. Bukod sa malaki ang kanilang katawan ay nakakatakot rin ang kanilang mga itsura. May mga tattoo rin akong naaninag sa iba't-ibang parte ng kanilang mga katawan. Ano ang laban ni Tito Hernan sa mga lalaking gaya ng mga ito na mukhang sanay sa basag ulo. Ang dalawang lalaki ay hawak si Tito Hernan sa magkabilang braso at ang isa naman ay walang tigil sa pagsuntok sa kanyang katawan. Ang dalawang lalaki naman ay hawak si Tita Claire at Cianna na pareho na nagmamakaawa na tigilan na si Tito Hernan. Sino sila? Mga magnanakaw? Mga tanong ko sa aking sarili na di pa rin makapaniwala sa eksena na nasaksihan. "Diyos ko! tulungan ninyo po kami," usal kong panalangin kasabay ng wala nang pag-antanda. Naiiyak na rin sa sobrang takot at sa pag-aalala sa sasapitin naming mag-anak sa mga kamay ng mga masasamang-loob na nakapasok ngayon sa aming bahay. Hindi ko alam kong sisigaw ba ako upang makahingi ng saklolo sa mga kapitbahay. Ngunit tila nalunok ko na rin ang sariling dila sa takot na aking nadarama. Hindi ko nga magawang ikurap man lang ang aking mga mata dahil sa pagka tigagal. Pakiramdam ko napako na ko sa aking kinatatayuan. "Akala mo sigurong g*go ka matatakasan mo kami?! Hindi ka makakaligtas samin!" pasigaw na wika ng lalaking bumugbog kay Tito Hernan. Malamang na siya ang lider sa kanilang grupo. "Tama na! maawa naman kayo sa asawa ko." Pagmamakaawa ni Tita Claire na hindi malapitan ang asawa dahil sa mahigpit na hawak ng isa sa mga lalaki sa kanyang dalawang braso. "Tigilan na ninyo ang Papa ko!" sigaw naman ni Cianna na pilit nagpupumiglas sa lalaking nakahawak sa kanya. "G*go kasi itong tatay mo! Ang lakas loob mangutang tapos hindi marunong tumupad sa usapan kung kailan ang araw ng bayaran." galit na asik ulit ng lalaki at napapikit na lamang ako ng makita ko na muli niyang sinikmuraan si Tito Hernan. "Magbabayad kami. Kaya please lang, tigilan na ninyo ang papa ko." Pagmamakaawa ulit ni Cianna na hawak din sa magkabilang braso ng isang lalaking puro tattoo at mahaba ang buhok. "Sampung milyon. Sampung milyon ang dapat ninyong bayaran at hindi pa kasama ang interes." Lahad ng lalaking lider. "Sampung milyon? Papa, paano ka nagkaroon utang na ganun kalaki ang halaga?" naguguluhanh tanong ni Cianna. "Simple lang Miss, nalulong lang naman sa sugal ang Papa mo kaya nagkautang ng ganung kalaking halaga sa boss namin." Sagot ng lalaking may hawak mismo kay Cianna. "At kung hindi niya mabayaran sa loob ng tatlong araw ang perang sinisingil namin. Alam na ninyo ang mangyayari." Pagbabanta ng isa pang lalaking walang buhok. Pabalyang binitawan ng mga lalaking nakahawak kay Tito Hernan dahilan para masubsob siya sa sahig. Awang-awa ako sa itsura ni Tito. Ngunit hindi ako makalapit dahil tila hindi na ako makagalaw man lamang sa sobrang takot. "Tatlong araw. Tatlong araw lang ang palugit at babalikan namin kayo para kunin ang perang ibabayad ninyo." Bago pa sila nag umalis ay pinag babasag pa nila ang mga gamit na makita nila sa sala. Sampung milyon? Saan kami hahanap ng ganung kalaking pera? Kahit ibenta namin lahat ng mayroon kami dito sa bahay at ibenta ang mismong lupa at bahay ay hindi sapat para makalikom ng sampung milyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD