Ganap na ala-singko ng hapon ay na sa loob na ng sasakyan ni Sir Damian ang aming lahat na dadalhin. Dalawang maleta na ang isa ay sa gamit ni Doña Dorina at ang isa naman ay kay Sir Damian. Samantalang isang malaking backpack na kulay itim ang dala kong gamit na mga damit halos ang laman. Isiniksik ko talaga ang lahat ng pwedeng isiksik sa bag na aking dala. May kausap pa sa kanyang cellphone si Sir habang kami ng Doña ay naririto na rin sa loob ng kanyang sasakyan. Nilingon ko ang kabuuan ng mansyon. Hindi ko maiwasan na mangilid ng aking mga luha. Sino ba naman ang hindi maiiyak? Oo at nakakulong lamang ako sa loob. Isang katulong ang papel na gumagawa ng lahat ng mga gawain. Ngunit dito ko naranasan ang maging malaya na hindi ko kailanman naramdaman noong panahong nasa poder ako ng

