Episode 5

1602 Words
Halo-halo ang amoy ng alak, sigarilyo, amoy ng pagkain, gamit na pabango ng mga iba't-ibang taong narito sa lugar kung saan ako dinala. "Hoy! Dalian mo ngang kumilos! At huwag ka ng anga-anga diyan! Ilang araw ka na dito pero kung kumilos ka ay para kang baguhan ng baguhan!" bulyaw sa akin ng ng isang babae na tinatawag nilang Momshie. May-edad na siya ngunit hindi naman halata sa kanyang itsura at pananamit. Mas bata siya ng sampung taon sa kanyang edad. Makinis at maputi ang kanyang mukha pati na ang kanyang buong katawan. Sexy siya at mukha rin na mayaman. Siya ang tumatayong manager ng club na ito. Nandito ako ngayon isang night club. Marami kami dito na nagtatrabaho. Mga babae at lalaki rin na halos kaedaran ko. Ngunit tila may sari-sariling mundo at walang pakialamanan sa isa't-isa. Kaya wala rin akong makausap. High class ang club na ito base na rin sa mga itsura ng mga taong pinagsisilbihan ko bilang waitress. Mga lalaking naka business suit at mga sosyal na kababaihan na ibang-iba ang pananamit at kilos. 'Yung bang may pino at kahit ang pagtawa ay aral na aral na hindi mo akalain na nagpupunta sa mga ganitong klaseng lugar na pugad ng kalaswaan. May mga naghahalikan kung saang sulok at may mga kwarto pa sa itaas na tuwing magagawi ang mga mata ko ay may mga magkakasamang babae at lalaki na sabay nagpupunta sa loob na kadalasan din ay ang mga babaeng kasamahan ko dito sa club. Marahil ay hindi pa ako nagka karelasyon pero hindi naman ako tanga sa kung ano ang klase ng lugar na ito. Dito ako dinala ng isa sa mga lalaking kumidnap sa amin ni Cianna. Mag-isang linggo na ako sa lugar na ito ngunit lipad pa rin ang utak ko sa bilis ng mga pangyayari. Paanong ang tulad ko ay napunta rito at paano ako mabubuhay dito? Sa totoo lang ay wala pa akong maayos na tulog o kain. Sa tuwing pipikit ako para matulog ay tila ba may gumigising sa aking pagkakahimbing. Naaalala ko pa kasi ang estranghero na lalaki na tinawag ng mga dumukot sa amin na boss. Nakakatakot ang kanyang panlabas na anyo pero mas kinakabahan ako sa presensya niya. "Sino siya? Lider ba siya ng Sindikato? Siya ba ang tinatawag na mafia nga ba 'yun?" mga tanong sa aking isipan. "Gud evening Sir, heto na po ang mga order niyo." Maingat kong nilapag ang mga bote ng mamahaling alak sa lamesa ng isang grupo ng kalalakihan . "Thank you, Ms. Pretty." Pasasalamat ng isa sa kanila na ginantihan ko naman ng pilit na ngiti. May itsura naman pero medyo may kalakihan ang tiyan at nagulat ako sa kanyang ginawa. Tinapik niya ang aking puwitan na kinagulat ko. Isa ito sa mga pinaka iiwas-iwasan ko. Ang mabastos ng mga customer pero sadya talagang may ipinanganak na bastos at manyak sa mundo. Binalewala ko na lamang at ng akma na akong pipihit para tumalikod at bumalik para kumuha ng ibang order ngunit pinisil na naman ulit ng lalaki ang aking puwitan at saka sila nag sigawan ng mga kasamahan niya. 'Yung sigaw na nakakaloko. Nakakainsulto. Bigla akong napaharap at wala rin babala na itinaas ko ang aking kanang kamay at nasampal ko ang bastos na lalaki na nabigla din sa ginawa ko. "Abah! Matapang ang isang 'to mga bro!" pagkasabi niya ay tumayo ang lalaki at sinampal din ako. Pumihit ang mukha ko sa kaliwa sa lakas ng pagka kasampal sa akin na sanhi rin para ako ay matumba at sumalampak sa sahig. "Ang tapang mo na saktan ako! Sino ka ba? Kunwari ka pang pa hard to get gayong malamang na pinagsawaan ka na bago ka pa napunta sa club! Kita mo ang damit na suot mo? Halos maghubad ka na sa kakarampot na tela! " sigaw sa akin ng lalaki na nanlilisik ang mga mata. Naka-blouse akong puti na hapit na hapit sa aking katawan at ganun din ang miniskirt na itim ha halos makita na ang aking suot na panty. Kaya naman ilang akong gumalaw at isa pa ay tiwala na rin ako na walang magkaka-interes sa akin dahil wala naman akong nakalabas na cleavage at mga mapuputi at mapipintog na mga hita na tila nang aakit na kagaya ng ibang mga babaeng kasama ko dito sa club at maging ng mga babaeng naging customer dito. Pakiramdam ko nga ay umiikot ang paligid ko sa pagsampal sa akin kaya hindi din ako agad makatayo at waring may likidong lasang kalawang sa aking bibig. "Ana Joy! Anong kaguluhan ito?!" Boses ni Momshie na narito na pala kasunod ang mga lalaking bouncer na may mga malaking katawan. "Lintik kang babae ka! Alam mo ba kung sino ang sinampal mo?! Isa siya sa mayamang regular customers ng club!" Galit na galit akong kinaladkad ni Momshie palayo sa mga nambastos sa akin matapos siyang manghingi ng katakot-takot na pasensya sa mga ito lalo na sa lalaking nanghipo sa akin. Dinala niya ako sa isa sa mga kwarto at dito pinarurusahan. Sabunot at sampal ang inabot ko kay Momshie na paulit-ulit na pina paalala kung sino ako sa lugar na ito. Ano nga ba ako? Nandito ako kapalit ni Cianna. Kabayaran sa sampung milyong inutang ni Tito Hernan. "Tama na po! Tama na po!" salag ko sa mga kamay niya na walang tigil din sa paghampas sa akin ng hawak niyang matigas at mahabang bagay na sadyang pamalo o panghampas sa sinumang lumabag sa patakaran ng club. Kanina pa rin ako nanghihingi ng sorry at nagmamakaawang huwag na akong saktan ngunit tila ba wala siyang naririnig. Puro latay na ang katawan ko sa lakas din ng pagpalo niya. "Ano ang kasalanan ng babaeng 'yan?" Isang pamilyar na boses ang pumailanlang. Nahinto bigla si Momshie sa pagpaparusa sa akin at hinarap ang bagong dating. Ako naman ay nakasalampak lamang sa isang sulok at nanangis. Pagod na pagod na ang aking katawan ngunit alam kung wala akong karapatan na magreklamo. "Ikaw pala boss, itong babaeng bagong pasok, nanampal ba naman ng regular customer dahil lang sa hinipuan siya sa puwet. Napaka-arte!" sumbong ni Momshie . "Totoo ba 'yun?" maya-maya ay boses ulit ng ekstrangherong lalaki. "Sagot!" sigaw niya ng ilang sandali na at wala pa akong sagot. Napaigtad ako ng sumigaw siya at agad napatingin sa gawi niya at agad din napatango. "Hindi ba at sinabi mo sa akin na lahat gagawin mo ng walang reklamo palayain ko lamang ang pinsan mo? Ngunit ano itong ginawa mo?" kalmado ang boses niya ngunit ramdam ko na kailangan kong sumagot agad kung ayaw ko na namang masaktan. "Hi-hinipuan niya po kasi ako kaya ko siya nasampal. Hindi naman po ako nagrereklamo sa pinaggagawa ninyo pero sana wala namang bastusan." Sagot ko sa kinakabahan na tinig. "At ano naman kung hinipuan ka?" Napatingin ako ng diretso sa ekstranghero. Ayun na naman ang nakakatakot niyang anyo ngunit tila may kung ano sa kanyang mga mata. "A-ayoko po kasi ng ganun, nakakabastos." Sagot ko ulit. Umupo siya na tila hari sa isang upuan at nilagay pa ang dalawang kamay sa sa magkabilang armchair.Tumitig sa akin na wari na naman akong pinag aaralan. Lapat na lapat ang labi. Napalunok na lamang ako at tila naghihintay ng hatol sa nagawa kung kasalanan. "Sa uri ng lugar na ito at sa uri ng trabaho mo club na ito wala kang karapatan na magreklamo o tumanggi dahil pinambayad mo ang mismong sarili mo para palayain ko lamang ang pinsan mo.Kaya anong karapatan mo para manampal customer dahil lang sa hinipuan ka? Sabihin mo nga kung ano?" Mahinahon niyang pagkakasabi ngunit may diin sa uri ng kanyang pagtatanong. "Ka-si-ka-ka-si," nauutal kong sagot pero ano ang isasagot ko? Tama naman kahit anong gawin sa akin dito at wala talaga kung karapatang magreklamo dahil sa akin mismo nanggaling ang salitang." Gagawin ko ang lahat ng walang reklamo palayain lamang ang pinsan ko at maabswelto si Tito sa utang". "Kasi ano?" matiim siyang nakatingin sa akin na talagang naghihintay ng aking isasagOt na dahilan. "Ka-kasi po," lumunok laway ako at pumikit sabay sabi "Kasi po virgin pa po ako." Iyon na lamang ang tangi kung naisip na tugon na totoo naman. Wala pang nakakahawak sa aking lalaki. Kaya para sa akin walang sinumang lalaki ang may karapatang hipuan at bastusin ako. Tulad ng dati ay tahimik lamang ang ekstrangherong lalaki ng marinig ang aking sagot. Mahirap hulaan kung ano ang kanyang iniisip ngunit maya-maya ay pumailanlang ang kanyang malakas na tawa. 'Yung tawang masayang-masaya. "May nakakatawa na sa sinabi ko?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Pakiramdam ko bibitayin na ako sa isang maling sagot ko tapos humagalpak sa tawa itong taong kinatatakutan ko. Pipiling-piling pa ang ulo habang patuloy sa pagtawa. Nakakatawa ba 'yung aminin na virgin pa? "Virgin naman talaga ako ha? Ano naman kayang nakakatawa sa pag-amin ko?" Mangha na lamang akong nakatingin sa estranghero. Ewan ko kung bakit pero sa kabila ng nakakatakot niyang awra ay kay sarap pakinggan ng kanyang boses at maging ang kanyang pagtawa. "Dalhin ang babaeng 'yan sa bahay ko." Pagsabi ng kanyang utos ay dali na siyang tumayo at lumabas sa kwarto. Ang dalawa sa mga tauhan niya naman ay lumapit sa akin . Barumbado akong itinayo at tinutulak pa habang naglalakad ng nakasunod sa ekstrangherong lalaki. "Sa bahay niya? Ano kayang gagawin niya sa akin? Bakit doon niya ako dadalhin?" Kinakabahan ako ngunit ano ang aking magagawa? Ako ay kanyang pag-aari na kailangan sumunod sa anumang kanyang ipag-utos at ipagawa." Kumbaga sa madaling salita, ako ay kanyang alipin na dapat siyang sundin sa ayaw man o sa gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD